"Sweetie, ano na? Bakasyon grande kayo palagi ah. Akala ko hindi ka na papasok eh." Bungad sa akin ni Louie nang makapasok ako sa loob ng department. "Hay nako! Hinila ako ni Sir Vince, paid vacation yon gagi. Tatanggihan ko pa ba?", anas ko sabay tawa nang pagkalakas lakas. "Nako! Andito ka naman Lira maingay na naman sa department natin.", pang-aasar ni Nica. "Sis, ayaw nyo pang aminin. Namiss nyo din ang kaingayan ko, mga pashneang to, if I know bored kayo nung wala ako." mayabang na saad ko saka umupo sa aking silya at binuksan ang aking computer. Muli kong sinulyapan ang aking cellphone, wala pa ring text si Crust. Hindi pa rin kami okay, bago kami magpunta sa probinsya ay nagalit ako sa kanya dahil hindi sya tumupad sa sinabi nyang uuwi sa akin, magdamag akong naghintay. Tapos nun

