Narating na't lahat nina Crust at Lira ang resort ng mga Delas Nueres, ay hindi parin sya kinakausap ng huli. Pero ayos lang naman iyon sa lalaki dahil buong byahe ay nagkaroon sya ng kalayaan na pagmasdan ito. "Anong tinitingn tingin mo? Gusto mong tusukin ko yang mata mo?", asik ni Lira Kay Crust. Kamumulat lang ng mga mata ng dalaga, muntik na syang ngumiti nang masilayan si Crust ngunit naalala nyang galit nga pala sya dito. Umayos ng upo si Crust paharap kay Lira. "Tell me. Why are you so mad at me?", seryosong tanong ni Crust. Tiningnan nya ang dalaga sa nanliliit na mga mata. And Lira found it so cute, buong lakas nyang pinigilan ang kilig na nararamdaman at tumanaw muna sa labas bago sumagot. "Kasi ang panget ng ugali mo.", dirediretsong saad nito. Napataas ang isang kilay ng bi

