Napataas ang dalawang balikat ni Lira nang hinagis ni Crust ang susi na hawak nito, gumawa iyon ng ingay dahil sa salaming lamesa bumagsak. For sure basag yon. "Problema mo?', matapang na tanong ni Lira. "Wala!" padabog na sagot ng lalaki. Marahas itong nahiga sa couch at itinakip ang braso sa mata. Naiinis sya sa kanyang nakita, no! hindi lang basta inis. Nagagalit sya, galit na galit. "Umalis ka dyan," galit na singhal ni Lira. "Dun ka sa kwarto mo, ako dyan.", pagalit paring usal ng dalaga. Naupo ito sa katabing pang isahang couch at nag-umpisang tanggalin ang sapatos. "You sleep in the bedroom!", utos ng lalaki. "Ayoko don! " Nagulat si Lira nang biglang tumayo si Crust at pumuwesto sa kanyang harapan. Itinukod nito ang dalawang kamay sa magkabilang armrest ng sofa at inilapit

