Angelica Lyre Cuevas "Ano ba kasing nangyari?", curious na tanong ni Kay bago humigop ng kape. Nadatnan nya ako dito sa coffee shop ng resort, himalang hindi nya kabuntot ang boss namin. Walang gana kong hinalo halo ang kape ko habang nakapangalumbaba, grabeng antok ang nararamdaman ko ngayon. "Ay nako besh. Paulit ulit tayo dito. Hindi nga ako nakatulog di ba? sinabi ko na diba? diba?", "Parang gago, what I mean is bakit ka hindi natulog sa penthouse ni Crust? Bakit dyan ka sa swing nagtiis mamaluktot?." pikong tanong nya. "Feeling mo talaga matutulog ako sa iisang lugar kasama ang hambog na manyak na yon?", balik tanong ko sa kanya. Nagulat ako nang bigla syang naging alerto at parang tumalbog sya sa kanyang inuupuan. "Ay, namanyak ka na nya girl?", anito na pumapalakpak pa. Ay gag

