Mabilis ang mga kilos na inayos ni Lira ang mga gamit nya, pagpasok nila ni Luke ng lobby ay naghiwalay din sila ng landas sya ay dumiretso sa penthouse ni Crust. Naiinis sya sa sarili dahil hindi maganda ang pakiramdam nya ngayon. Huli nyang inilagay ang headset nya sa isang maliit na paperbag at nagmamadaling tinungo ang elevator ngunit ganon na lang ang kaba nya nang biglang tumunog ang lift hudyat na may taong parating. Iniluwa niyon si Crust at Jasmin. Ang titig ni Crust ay hindi nya matagal, blangko ang ekspresyon ng mukha nito. "Oh it's you. Hello. Roommates ba kayo ni Rusty?", bakit ngayon ay maarte na ang boses nito sa pandinig ni Lira. Kanina lang ay hinahangaan nya ang buong pagkatao nito. Binigyan ni Lira ng pekeng ngiti ang babae, at nagpatuloy sa paglalakad. "Hindi, naki

