Masaya ang naging umaga ni Lira dahil sobra pa sa sapat ng kakomportablehan nya sa suite ni Willard. Alas otso na ng umaga nang magising sya at pagkain agad ang hinanap nya. Gustuhin man niyang mangalkal sa kusina ng lalaki ay inunahan din naman sya ng hiya. Wala ito dahil doon daw matutulog sa suite ni Yuri, yun ang paalam nito kagabi. Somehow, Lira felt relieved dahil kahit saang anggulo tingnan ay hindi parin magandang isipin na may kasama syang lalaki sa iisang kwarto. Masiglang tinahak ni Lira ang pasilyo papunta sa elevator nang biglang may isang pintong bumukas sa nadaanan nya. Si Willard ang iniluwa niyon. "Hey.", masiglang bati ng lalaki. Nakasandong itim lamang ito at cargo shorts, nagsusumigaw ang abs ng lalaki na bakat na bakat sa suot nitong sando. Yummy sana kaya lang wala t

