ANG AKING PERFECT GIRLFRIEND J Topic: College Type: Fiction Part 24 Kay Nino... Tanghali... sinama ko ang ilang klasmate ko sa First year college sa school sa bahay namin. Tatlong lalaki at isang babae. Limang miyembro para sa isang grupo para gumawa ng group report kasama ako. Ginawa kami ni Nanay ng Juice at tasty na may palaman bilang meryenda namin. "Ambait naman ng Nanay mo classmate... maganda pa! ", sabi ni Ronie ang kaibigan ko sa grupo. "Syempre tsong! Dun ako nagmana sa kabaitan e. Tsaka maganda't guwapo talaga lahi namin! hahaha! ", pagbibiro ko. "Sus parang hindi naman. Panay bulakbol ka nga e! ", biglang nagsalita ang nag-iisa naming babae sa grupo na si Ana. "Psscchtt... Wag ka maingay... baka marinig ka nanay ko... patay ako dun... ", saway ko sa aming kaisa-isang

