================================= Kay Ned... Kinabukasan... nagising ako sobrang sakit ng ulo ko. Di ko na maalala paano ako nakapasok sa kwarto ko. Una kong naisip si Jess. Pag-upo ko... Tiningnan ko agad ang celfone ko. May mga na-receive na akong message... galing kay Jess! Saglit kong nakalimutan ang hangover ko. "Neddiee.... "My Neddiee... "I missed you so much baby neddie... ...Ang mga message ni Jess sakin. Nag-reply kaagad ako, "I miss you too very much Beb!!... "Punta ako ngayon sainyo ha! Oo at hindi lang sagot na hinihintay ko pero ang reply ni Jess, "Is it True? MAtagal akong nag-isip. Hawak ko lang ang celfone ko sa kamay ko. Habang iniisip ko kung para saan ang tanong ni JEss. "Tell me Neddie is it true? What that girl said to me? ", reply uli ni Jess. Natatakot

