AFLW 8: Ang Umpisa

2507 Words
Note: English in Italic are just in mind or prohibited to speak in our Princess POV. AFLW 8: Ang Umpisa *** Prinsesa Yuki POV Ngayon na ang araw. Isang malaking pagtitipon ang magaganap ilang sandali mula ngayon. Ang pagtitipon ay laan upang maipakilala sa buong Palasyo ang mga babaeng pagpipilian upang maging kabiyak ng Mahal na Prinsipe. Ang maaaring maging susunod na Emperatris ng Imperyo, ang pinakamakapangyarihang babae sa buong Imperyo. Sa aming mga babae na nandito, ilan kaya ang naghahangad na makuha ang posisyon? Ang kapangyarihan na kalakip nito, hindi man kasing lakas ng sa Emperador. Ilan kaya sa kanila ang kaalyado ng Yakuza? Imbitado ang lahat ng mga maharlikang angkan sa nasabing pagtitipon. Tanging ang maharlikang angkan lang ng Ishida ang walang pupunta. Isa sa mga bagay na hiniling ko sa Mahal na Hari ay ang huwag pumunta sa alin mang pagtitipon na ihahanda ng Imperyo. At hindi niya rin maiiwan ng ganun na lang ang Kaharian kahit sabihin pa naroroon lang si Prinsipe Yuuji. At bilang isang Kaharian na ma's piniling mananatili ang sinaunang pamamaraan ng pamumuhay ay kailanman hindi pinilit ng Imperyo na dumalo sa alinmang pagtitipon. Pumasok sa aking silid sina Yoshie at Shuji upang tulungan ako sa aking paghahanda. Kasalukuyan akong may inilalagay na palamuti sa aking mukha ng pumasok sila. Ng lingunin ko sila ay pawang gulat at pagtataka ang mababakas sa kanilang mukha. "Anong binabalak mo, Prinsesa Yuki? Bakit naglalagay ka ng ganyan sa iyong mukha?" Pasigaw na tanong ni Shuji at tumakbo palapit sa akin. Akma niyang pupunasan ang aking mukha subalit pinigilan ko ang kanyang mga kamay. "Mas nanaisin mo ba na makita ng lahat ang mukha na palaging natatakpan?" "Anong ibig mong sabihin, Mahal na Prinsesa?" Kunot-noong tanong ni Shuji Tinapik ni Yoshie ang kanyang balikat bago umupo sa aking harapan saka nagsimula akong tulungan sa paglalagay ng palamuti. "Maaaring hilingin ng karamihan na makita ang mukha ni Mahal na Prinsesa, Shuji. At ito lang ang paraan upang hindi na nanaisin ng sino man ang pagtangkaan na makita ang mukha ng Kamahalan." Paliwanag ni Yoshie. Tahimik na nag-isip si Shuji ng ilang saglit bago nagsalita. "Akin ng naintindihan ang iyong nais mangyari, Mahal na Prinsesa. Kung sakali man na hilingin ng mga dadalo sa pagtitipon na masilayan ang iyong mukha, ang kanilang makikita ay isang pangit at nakakadiring mukha. Sa ganoon, hindi na nila hihilingin na masilayan pa ulit ito." "Tama ang iyong tinuran, Shuji. At sa pamamagitan nito mas binigyan natin sila ng katibayan upang paniwalaan ang tungkol sa usap-usapan na kumakalat. Ang tungkol sa taguring Prinsesang Itim at tungkol sa sumpa ng aking pagsilang." "Subalit bibigyan mo rin ng pagkakataon angniyong mga katunggali na ikaw ay hamakin, Mahal na Prinsesa. Kapag iyong ipapakita sa lahat na naroon ang ginawa mo ngayon sa iyong pagmumukha ay pagtatawanan at pandidirihan ka ng lahat." Nag-aalalang wika niya. Nagpatuloy ako sa paglagay ng palamuti sa aking mukha gayundin si Yoshie na mas piniling manahimik. Isang pangit at nakakadiring mukha ang masisilayan ng lahat ng dadalo sa pagtitipon. Sa tulong ng mga palamuting nasa aming harapan, nilagyan ko ng parang mga sugat na hindi gumagaling at sa paligid nito ay nagmumukhang namamaga, natutuklap at bahagyang nagtutubig na mga balat. "Maaaring nila akong pagtatawanan hanggang sa kanilang kagustuhan. Subalit iyon ang bagay na aking pinaka-inaasam-asam na mangyayari. Dahil kapalit niyon ay ang kalayaan na aking nais makamtan." Isang malapad na ngiti ang aking pinakawalan. Napasinghap si Yoshie sa akin tinuran at nabitawan ang kanyang hawak. "Sinasabi mo ba Mahal na Prinsesa na ninanais mong sa unang araw, sa pag-uumpisa ay tatanggalin ka na?" Binalingan ko si Yoshie at bigyan ng ngiti na wala siyang dapat ipag-alala. "Hindi iyon ang aking ibig sabihin Yoshie. Ang nais ko lang ay maging malaya sa paggalaw dito sa loob ng Palasyo, sa bayan o sa buong Imperyo. Magagawa ko lamang ang bagay na iyon kung walang sinuman ang makakakilala sa akin. Makakapagmatyag ako ng wala inaalala na baka makilala ako ng aking makakasalubong. Magagawa ko nang malaya at maayos ang aking tungkulin. Pati na ang tunay na dahilan kung bakit tayo naririto sa loob ng Palasyo ng Imperyo." "Paano kung hilingin ng mga opisyal at ng mga maharlika na paalisin kayo Prinsesa Yuki?" Nag-alalang tanong ni Shuji makalipas ang saglit na katahimikan. "Hindi mangyayari ang iyong ikinakatakot Shuji. Huwag kang mag-alala sapagkat hindi nila magagawa ang bagay na iyon. At alam niyong dalawa ang dahilan kung bakit. Dahil alam niyo kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito. Ang may pakana kung bakit maaaring mawala sa akin ang buhay na pinakaasam-asam ko, ang aking kaligayahan." Sa pagkakataong ito isang malungkot na ngiti ang sumilay sa aking mga labi. Tahimik na yumuko ang dalawa at mas piniling tumahimik na lang at hayaan ako. Sa pagbanggit ko ng bagay na iyon alam na nila kung saan dumako ang aking isip. Ang buhay na inaasam at ang kaligayahan ko ay walang iba kundi sa piling ng nag-iisang lalaking minahal ko ng buong puso. Sa pag-alala sa kanya ay muling nanikip ang aking dibdib. Chase! Bumuntunghinga ako at ipinilig ang aking sarili saka ngumiti ng malungkot. Dinampot ko ang palamuting aking nabitawan at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng aking mukha. Ilang sandali pa ay natapos na din ang aking ginagawa. Tiningnan ko ng maigi ang aking mukha sa salamin na nasa aking harapin. Sapat na aking nakita upang masasabi ko na magtatagumpay ako. Isang kinakabahan na ngiti ang ibinigay ko sa aking sarili. Nagpaalam na Shuji na ihahanda ang mga bantay na kanyang isasama upang maghatid sa amin kung saan ginaganap ang pagtitipon, sa malaking bulwagan sa gitna ng Palasyo. Tinulungan naman ako ni Yoshie na magbihis sa pinaka magarang kasuutan na naaangkop sa isang Prinsesang katulad ko. Sa lahat ng kababaehan ay ako lang ang nag-iisang Prinsesa, at lahat ay galing lamang sa maharlikang angkan. Isang magarbong pagtitipon hang aming inabutan. Sinalubong ako ng Emperatris na sa aking hula ay kanina pa naroroon. Siya ang personal na nag-ayos sa pagtitipon na ito sapagkat siya ang namamahala sa usapin pagdating sa kababaehan sa loob ng Palasyo at sa buong Imperyo. Lalo na sa pagpili ng babaeng mapapangasawa ng kanyang panganay na anak, ang Prinsipeng Tagapagmana. "Magandang araw, Mahal na Emperatris." Magalang na bati ko sa kanya at bahagyang yumukod. "Ikinagagalak ng iyong lingkod na dumalo sa pagtitipon na inihanda ng kanyang Kamahalan." "Isang magandang araw din sa iyo, Prinsesa. Masaya ako at pinaunlakan mo aking paanyaya." Isang mainit na pagtanggap at matamis na ngiti na salubong ng Emperatris. "Lumapit ka dito sa aking tabi Prinsesa Yuki. Samahan mo akong salubungin ang iba pang panauhin na darating." "Isang karangalan ang tumayo sa iyong tabi at samahan kayo, Kamahalan." Naglakad ako at tumayo sa isang tabi ng Emperatris. Makalipas ang ilang sandali ay unti-unti ng napuno ang buong bulwagan. Dumating na ang karamihan sa mga opisyal at ilang maharlikang angkan. Inilibot ko ang aking paningin. Sanay na ako sa karangyaan, dahil sa angkan na kinabibilangan ko, mapamoderno man o makaluma. Subalit hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha sa karangyaan na nasa aking harapan. Karangyaan na alam ko na hinahangad ng karamihan, at kaakibat nito ay ang kapangyarihan na ninais makamtam ng mga taong sakim at nagnanais na makalamang. Nabaling ako sa Emperatris ng maramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay. Aking tiningnan ang angkan na kanyang itinuro na papalapit sa aming kinatatayuan. "Ikinagagalak ko ang pagdalo ng inyong angkan, Ginoong Sachi." Bati ng Emperatris sa bagong dating. "Amin ang karangalan, Mahal na Emperatris." Yumukod ang buong angkan biglang pagbati. Naglakad sa harap ang isang babaeng may alanganing ngiti ang nakapaskil sa mukha. Alun-alon ang hanggang itaas na bewang na buhok, nakataas at maayos na nakalagay sa tuktuk ng ulo ang kalahating bahagi nito. "Ang iyong lingkod Kisana Sachi po, Kamahalan. Isang karangalan na makilala kayo." Pakilala ng nasabing babae. Isang matamis na ngiti ang iginanti ng Emperatris sa babae. "Ikinagagalak din kitang makilala Binibini. Kasama ka sa pitong babaeng titira dito sa Palasyo at magkakaroon ng pagkakataon na maging kabiyak ng Mahal na Prinsipe." Inabot ng Emperatris ang kamay nito. "Nais kung ipakilala sa'yo itong nasa aking tabi. Galing sa maharlikang angkan ng Ishida sa Kaharian ng Daichi, si Prinsesa Yuki." Bahagya akong yumukod sa kanyang harap bilang pagbati at ganun din ang ginawa niya. "Nagagalak akong ikaw ay makilala Binibining Sachi." "Sa akin ang karangalan, Prinsesa. Marami akong narinig tungkol sa'yo at gaya ng usap-usapan, nakatakip nga ang iyong mukha." Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na sagutin ang kanyang sinabi sapagkat magkakasunod ng dumating ang lahat ng mahalagang panauhin, ang angkan at mga babaeng pagpipilian. Pagkatapos kaming ipakilala sa isa't isa ay pumunta na kami sa upuang laan sa amin. Tumayo sa aking likuran, hindi kalayuan sa aking kinauupuan sina Shuji at Yoshie. Tumayo ang lahat bilang paggalang ng pumasok sa bulwagan ang Emperador at naglakad patungo sa upuan na laan lamang sa kanya, sa tabi ng Emperatris. Kasama niyang pumasok ang dalawang Prinsipe. Inukupa ng isa ang pangalawang upuan sa kanan na bahagi ng Emperador, si Prinsipe Daisuke, ang bunso. Umupo naman sa tabi ng Emperador, sa kanan, ang isa pa. Isang pamilyar na mukha ang bahagyang sumulyap sa aking kinauupuan, ang Prinsipeng Tagapagmana, si Prinsipe Daiki. Walang itulak kabigin sa dalawang Prinsipe, parehong makisig. And also, they both look like a character from an Anime World that graces the human world. I exclaimed nonchalantly. Pagkatapos magbigay ng kaunting pahayag ay ipinakilala  na ang pitong babaeng pagpipilian upang maging kabiyak ng Prinsipeng Tagapagmana. Unang tinawag ang mula sa angkan ng Fukuri, ang kanyang pangalan ay Miyako Fukuri. Ang sumunod ay si Shishuna Kitachi mula sa angkan ng Kitachi. Si Reina Wakamoto mula sa angkan ng mga Wakamoto. Mizane Hanata mula sa angkan ng mga Hitachi. Anari Mizusono mula sa maharlikang angkan ng Mizusono. Si Kisana Sachi mula sa angkan ng Sachi. At ako ang panghuli sa ipinikilala. "At ang paghuli," bahagyang sumulyap sa akin ang tagapagsalita. "Si Prinsesa Yuki, ang bunsong Prinsesa, mula sa angkan ng mga Ishida sa Kaharian ng Daichi." Hindi lumagpas sa aking malinaw na pandinig at mga Mata ang pagsinghap ng karamihan. Tumayo ako sa aking upuan at yumukod bilang pagbibigay galang sa lahat ng nasa aking harapan, gaya ng ginawa ng iba. Ng ako'y akma ng uupo ay napigil ito ng magsalita ang pinuno ng angkan ng Wakamoto. "Alam ko na nakarating sa kaalaman ng lahat ng nandito na hindi nagpapakita ng kanyang mukha ang bunsong Prinsesa ng Kaharian ng Daichi, subalit ----" tumigil siya saglit at inilibot ang paningin. Nakuha niya ang atensiyon ng mga taong nasa loob ng bulwagan. Sinulyapan ko sina Shuji at Yoshie, walang emosyon ang mababakas sa kanilang mukha subalit alam ko na nangangamba sila. "Ano ang iyong ibig sabihin, Wakamoto?" Tanong ng Emperador pagkatapos humigop ng tsaa. "Ang anim na babaeng pagpipilian ay malayang ipinakita sa atin ang kanilang kagandahan subalit nanatiling nakatago ang sa Mahal na Prinsesa. Magiging kalabisan ba kung mangangahas ang iyong lingkod na hilingin na makita ang kagandahan ng Prinsesa, Kamahalan?" Sagot ni Wakamoto na mataman na nakatingin sa Emperador. Lapastangan! Hindi man lang siya kumurap at diretsong nakatingin sa Kamahalan. He looks suspicious enough. Bumaling sa akin ang Emperador. "Kung iyong mamarapatin Prinsesa Yuki, maaari mo bang tanggalin ang takip ng iyong mukha upang masilayan ng lahat ang iyong angking kagandahan." Inilibot ko ang paningin sa lahat ng naroon sa bulwagan. Ang lahat ay naghihintay sa aking gagawin. Dumako ang aking mga mata sa kanya, bahagya siyang tumango bilang pagsang-ayon. Ganun din ang ginawa niya, ng magkasalubong ang aming paningin. Hinakawan ko ang dulo ng telang bumagsak hanggang sa aking mga balikat at dahan-dahang inangat ito. Kalahati pa lang ang nakikita sa aking mukha subalit naririnig ko na ang malakas na pagsinghap at hindi mga magagandang salita na lumabas sa iilan. Maliban kay Shuji at Yoshie, at sa dalawa pang inaasahan ang mukhang kanilang masisilayan, ay puno ng pandidiring nakatingin sa akin ang lahat. Maliban sa dalawang Prinsipe na hindi mabasa ang emosyon sa nakabakas sa kanilang mukha. Inutos ng Emperatris na huwag ko ng ituloy ang pagtaas ng aking balabal kaya agad ko itong binitawan. Isang matagumpay na ngiti ang aking pinakawalan sa ilalim ng telang nakatakip sa aking mukha. Isang lihim na ngiting tagumpay ang pinakawalan ng dalawa taong kasalo ng lahat sa pagtitipon sa bulwagan, na hindi man lang napansin ng mga kaharap. "Now, let the official game begin!" I murmured quietly under my breath and let out a devilish smirk. ***** Chase POV It's been, what? One week since the others decided to move to another country. Kaming mga naiwan ay nag-aadjust pa rin. Sobrang nakakapanibago na kaming walo na lang ang palaging magkasamang kumakain ng lunch. Ang dating maingay at malaking barkada ngayon ay tahimik na. Hindi ko alam kung magagawa pang mag-ingay ng mga naiwan dito. I seldom go to our HQ, I don't like the silence that greeted me once I enter the door. The silence that I dreaded to have a couple of months ago are not appealing to me anymore. I just felt so alone after my friends leave. At this moment all I can feel is missing her more. I decided to skip my class again and here I am now lying lazily at my sanctuary looking at the clear blue skies thinking different things. My friends that are out of the country and the ones that choose to stay here. Most of all, I am thinking about Shandra and what's happening to my life right now. I still don't know what to do. I sigh, get up, and decided to go home although it's still early. Before getting in my car I glance the creepy mansion on the opposite side and frown. I don't know why but my heart started to pound faster. I shake it off and drive home. Wala pa si Raijin pagdating ko, hindi pa tapos ang kanyang klase sa oras na ito. Dumiretso ako sa kwarto ko. Naghubad ng damit at ibinagsak ang sarili sa kama. Ilang sandali lang ay bumangon ako at sinagot ang tawag sa cp ko. It's my Dad telling me he will be coming home with Mom this weekend. This means no more slacking in my studies once they're here. Inilapag ko sa bedside table ang cp ko ng mapansin ko ang isang envelope sa ibabaw nito. It looks like an invitation. I open the envelope and check the card only to be shocked by what I read. Chase, You are invited to The Mansion this Saturday evening at 7:00 in the evening. The Grand Dark Circle Organization P.s: Be start smart and don't tell anyone. I read the invitation for I don't know how many times. Pero hindi pa rin ako makapaniwala. Alam kong ipinangako ko sa sarili ko dati na tutuklasin ko ang misteryo ng mansion na yun but not like this. Slowly, I feel the uneasiness and nervousness crept into my system. Just what the heck is this?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD