AFLW 13: Sulyap at Pag-asam
***
Prinsipe Daisuke POV
Napatingin ako sa relo na nasa aking bisig. Maghahating-gabi na subalit narito pa rin ako sa central park sa siyudad. Sa loob ng halos tatlong buwan pagkatapos ng nangyaring pag-atake dito sa siyudad, ilang beses na ba akong nagpabalik-balik dito? Hoping against hope to take a glimpse of the beautiful girl I met that day. But no luck at all, because I haven't seen her since then. I even hired an investigator to locate her but no result. It seems like she disappears after that day.
"Shandra Bethany Davies, where the hell are you?" I whispered. I was able to find out her full name and do a background check.
She's the youngest child of the business magnate, Ethan Arshone Davies of McArden Empire. The main base of the company is in Iceland, but she was not there. The Davies's led a very private life, so, I only got limited information about her. And the siblings never showed in public.
When the clock strikes 12mn I decided to walk back to the hotel where I stayed. Lumipas na naman ang isang pagkakataon na hindi ko man lang nasilayan ang babaeng kumuha ng buong interes ko. Simula ng makilala ko siya ay araw-araw na akong umasam na makita siya muli.
"Hindi naman naging makabuluhan ang iyong pagtakas sa Palasyo, Prinsipe Daisuke. Sa loob ng halos tatlong buwan na ito ay iyong ginagawa, wala pa ring nangyayari. Baka panahon na upang kayo ay sumuko?"
Napatingin ako sa aking punong bantay, si Pinunong Hitane. Alam kung may punto siya subalit hindi ako susuko. Pasasaan ba at matatagpuan ko din si Shandra.
"Gaya ng iyong sinabi Pinunong Hitane, ilang buwan pa lang ang lumipas. Naniniwala akong matatgpuan ko din siya kaya hindi ako susuko."
He sigh. "Iyong nabanggit na may tumulong sa kanya ng araw na iyon. Nalaman mo ba kung ano ang kanilang ugnayan?"
"Ang sabi sa akin ni Shandra kaibigan niya daw ang lalaki na ipinakilala niyang Chase. Ayon sa impormasyon na aking natanggap Chase Rayon Scamper ang kanyang buong pangalan. Nakatira sa Pilipinas at nag-aaral sa CAU, ang paaralan na pag-aari ng Kaharian ng Daichi. Naging magkakaklase at magkaibigan sila bago lumipat sa ibang lugar si Shandra. Lugar na hindi pinangalanan ng kahit sino sa mga naging kaibigan niya sa Pilipinas."
"Napansin mo ba Prinsipe Daisuke na mukhang maraming lihim ang pagkatao ng babaeng hinahanap mo?" Nakahawak sa baba at nag-iisip na wika ni Pinunong Hitane. "Sino at ano ba talaga ang pagkatao ng babaeng iyon?"
"Isang beses ko lang siyang nakita. Pero masasabi ko na hindi siya ordinaryo o simpleng babae lang. Kaya nga lalo akong nabibighani sa kanya."
Napailing lang si Pinunong Hitane sa aking tinuran. "Magpahinga na kayo Kamahalan, maaga tayong babalik ng Palasyo bukas. Ayokong madamay kapag kayo ay parusahan ng iyong Ama dahil sa iyong pagtakas."
Tinapik ko ng magaan ang kanyang balikat. "Kapag ako ay naparusahan kasama ka Pinuno sapagkat ako ay iyong kinunsinti." Nakangisi akong nagpatiuna sa paglalakad patungo sa aming tinutuluyan.
***
Kasalukuyan akong tumatakbo upang takasan ang mga sundalo na ginawan ko ng kalokohan. Tumalon ako sa maliit na pader malapit sa Hardin ng Palasyo. Palabas na ako ng Hardin ng mamataan ko ang Prinsipeng Tagapagmana na nakatulalang naka-upo. Sa halip na magtago upang hindi makita ng mga sundalo ay nilapitan ko ang Mahal na Prinsipe.
"Kamahalan, kung hindi mo mamasamain, maaari ko bang malaman kung anu ang iyong iniisip?" Umupo ako sa kanyang tabi. "Aking napansin ang iyong malalim na pag-iisip magmula ng ikaw ay manggaling sa labas ng Palasyo."
Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. "Hindi ko alam kung dinadaya lang ako ng aking paningin subalit nasulyapan ko siya ng araw na iyon."
"Siya ba ang iyong tinutukoy?"
"Siya nga. Subalit hindi ako sigurado kung siya ba talaga ang aking nakita. Walang dahilan upang makita ko siya dito sa Japan."
"Maaaring nagkataon lamang na siya ay nagbabakasyon."
"Maaari, subalit ---" hindi niya naituloy ang kanyang nais sabihin.
"Subalit?" Nagtataka na aking tanong.
Hindi na siya umimik pa. Napailing ako sa kanyang pananahimik. Ayaw niyang pag-usapan pa ang tungkol sa kanya.
"Huwag na natin siyang pag-usapan sapagkat wala namang magbabago pa." Baling niya sa akin. "Napansin ko ang madalas na pagkawala mo dito sa Palasyo, Daisuke. Maaari ko bang malaman kung ano ang iyong pinagkakaabalahan?"
"Kagaya ng kung ano ang iyong pinagkakaabalahan, Kamahalan." Nakangisi kung turan.
"Ano ang iyong ibig sabihin?"
"Kung ikaw ay abala sa pag-iisip sa babaeng inaasam mo na makita. Ako naman ay abala sa paghahanap ng babaeng inaasam kong makilala ng lubusan."
"Kilala ko ba ang babaeng iyong tinutukoy?"
"Duda akong kilala mo siya Kamahalan. Nakilala ko siya noong lumabas tayo ng Palasyo, dumalo ka sa palaro at ako naman ay nagliwaliw. Noong araw na inatake ang siyudad."
"At ganun na lang ang iyong interes sa babaeng saglit mo lang nakasama at isang beses mo lang nakita?"
Napangiti ako sa kanyang tinuran. "Masisisi mo ba ako kung nabighani ako sa angkin niyang ganda? Hindi siya katulad sa mga babaeng kadalasan nating nakakasalamuha."
Napailing ang Mahal na Prinsipe sa aking mga sinabi subalit tinawanan ko lamang siya.
"May pangalan ba ang babaeng iyong kinahuhumalingan?"
"Shandra Bethany Davies, ang gandang pangalan hindi ba?"
"Moderno ang kanyang pangalan kaya hindi nababagay dito sa Palasyo."
Napatawa ako ng malakas sa pagkadisgusto ng kanyang boses. "Madali lang ang bagay na iyan Kamahalan, kaya huwag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat upang siya ay matagpuan at aking madala dito sa Palasyo."
Tumayo na siya saka tinapik ang aking balikat. "Hangad ko ang iyong kaligayahan, kapatid ko. Sundin mo ang nilalaman ng iyong puso habang ikaw ay malaya pa na gawin ito. Hindi katulad ko."
Tuluyan ng umalis ang Mahal na Prinsipe subalit umabot pa rin sa aking pandinig ang huli niyang tinuran. Nalulungkot ako para sa kanya sapagkat wala siyang kalayaan na piliin ang babaeng itinitibok ng kanyang puso. Subalit nais ko ring pagpasalamat na hindi ako ang naging Tagapagmana ng Korona.
Prinsipe Daiki/Crown Prince POV
Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan ng makalayo sa aking kapatid. Natutuwa ako sa aking nakikita sa kanya. Ngayon lamang nangyari na siya ay nagkaroon ng malalim na interes sa isang babae. Iba ang nakikita ko na kislap ng kanyang mga mata.
Maging masaya ako para kay Daisuke kung natagpuan niya na ang babaeng magpapaligaya sa kanya. Kapag nangyari ito hindi na siya matutulad sa akin. Hindi na niya pagdadaanan ang lahat ng pinagdaanan at pagdadaanan ko pa lang. Hindi siya mabubuhay na puno ng tanong at alinlangan. Hindi niya isasakrispisyo ang kanyang kaligayahan at ang pagkakataon na makasama ang babaeng nagpapatibok ng puso.
Nahahapong napaupo ako sa upuan pagdating ko sa aking tanggapan. Mas lalo kung naramdaman ang bigat ng aking dibdib. Isang sulyap lang pala ang kailangan upang mapuno ulit ng alinlangan ang aking puso, upang maging mabuway ang aking paninindigan. Muling nabuhay sa pinakasulok na bahagi ng aking puso ang lihim na pagkamuhi sa aking katayuan sa lipunan. Subalit hindi ko naman magawang talikuran. Hindi ko magawang ipagpalit ang aking katayuan upang makamit ang kaligayahan na aking inaasam. Sapagkat hindi ko magawang balewalain ang mga responsibilidad na nakaatang sa aking mga balikat. Hindi ko magawang isakripisyo ang kapakanan ng aming nasasakupan.
Subalit isang sulyap lang sa kanya muling namayani sa aking dibdib ang pag-asam na sana siya ay aking makapiling. Isang sulyap lang at muling nagulo ang aking damdamin at ang aking mundo na pilit kung binubuo ng hindi siya kasama.
Bahagya akong napangiti sa aking sitwasyon, ngiti na nauwi sa pagiging mapakla. Kailangan kung mamili sa isa sa mga babaeng kasalukuyan na nandito sa Palasyo. Subalit ibang babae ang aking hinahangad na makasama. Umaasam ng isang bagay na malabong mangyari. Hindi lamang sa kadahilanang hindi siya ang nararapat at natakdang aking maging kabiyak. Sapagkat walang katugon ang aking damdamin na laan sa kanya.
Napabuntong-hininga ako, isinandal ang aking ulo sa sandalan at pumikit. Inalala ang pangyayari ng araw na nasulyapan ko siya muli makalipas ang ilang taon.
+++++
Isang malakas na pagsabog ang bumulabog sa maingay na arena kung saan naganap ang isang magandang laro. Katatapos lang ng palaro at parangal ng mangyari ang pagsabog sa mismong bahagi kung saan kami nakaupo. Mabuti nalang at palabas na kami ng arena.
Agad kaming dinala, kasama si Prinsesa Yuki, sa isang ligtas na lugar sa labas ng arena. Pinalibutan kami ng mga kawal upang walang makalapit na kung sino o mga kahina-hinalang tao. Maaaring ako ang pakay ng kung sino man ang may pakana ng pagsabog.
"Kamahalan, hindi ninyo maaaring gamitin ang sasakyang iyong ginamit papunta dito." Bulong ni Pinunong Kizu na abala sa pagbibigay ng atas sa mga kawal.
"Tama si Pinunong Kizu, Kamahalan." Pagsang-ayon ni Pinunong Shuji, ang punong bantay ni Prinsesa Yuki. "Maaaring nilagyan din ng pampasabog ang iyong sasakyan, sakaling mabigo sila sa utang pagtangka."
Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. I know that what they think is possible. We have to be very cautious with our moves. I'm wondering where is Daisuke now, I hope he's safe somewhere.
I roam my eyes around the place trying to look for someone suspicious. I sigh when no one caught my attention that is suspicious enough.
"Nakahanda na po ang bagong sasakyan, Kamahalan. Subalit nangangamba ako na baka may panganib din na naghihintay sa inyong tinutuluyan." Pinunong Kizu said.
"Naintindihan ko, Pinuno. Gawin mo ang tama at nararapat na hakbang upang matiyak ang ating kaligtasan. Lalo ang Prinsesa."
"Masusunod Kamahalan."
Bago pa man kami makalapit sa nakaparadang bagong sasakyan ay sumabog na ang una naming ginamit. Napaatras kami sa malakas na pagsabog ilang metro ang layo sa aming kinatatayuan. Marami na ang nagpanic, nagtakbuhan palayo. Agad namang inasikaso ang mga sugatan at dinala sa pinakamalapit na hospital.
Nagpalinga-linga ako, sigurado ako na nandito lang sa paligid ang salarin. Nagmamatyag sa mga pangyayari. Kailangan siyang mahuli bago pa madagdagan ang mga nadamay. Gagawin nila ang lahat kung nais nila akong mapatay.
Sa halip na kaaway ang aking makita ay iba ang aking nasulyapan. Mabilis na ibinalik ko sa ilalim ng isang mayabong na puno ang aking paningin. Namamalikmata lamang ba ako?
I shook my head and look again to where she is standing. And there she was. Beautiful, composed, and mysterious as ever. She raises her brow when she saw that I am looking at her. So, I'm not hallucinating? I can't believe this. Why is she here?
Sapat na ang nanlilisik niyang tingin, ang matalim na titig na pinupukol niya sa akin upang aking masiguro na totoo ang aking nakikita. Na nandito nga siya at nakatingin sa akin. Hindi kaya siya ang may gawa nito? Hindi pa naman umabot sa punto na nais niya akong ipapatay, di ba? Ang saklap naman kung ganun. Ang babaeng hangad kung makasama habang buhay ay nais akong mawala sa mundo.
As if reading my thoughts, she shook her head in annoyance. She motioned her head towards the crowd. I follow her gaze. Pass the crowd, under the tree opposite of her I saw a guy in a guy standing. He wears formal clothes, but I know better, he's the one we are looking for.
When I look again to where she's standing, she's no longer there. Again she disappears without a trace, like thin smoke. As if she wasn't there in the first place. I bet when I ask somebody if they saw a girl standing on that tree they will say no. She's always like that, it seems like everyone is oblivious of her but then she vanished in a second. That's why there are times that I can't bring myself to believe that I did see her.
+++++
Marahan akong nagmulat ng mata. Sa loob ng mahigit tatlong buwan wala na akong ginawa kundi isipin ang pangyayaring iyon. At sa lahat ng pagkakataon na wala akong ginawa ay siya palagi ang laman ng aking isipan.
May naalala akong isang mahalagang bagay kaya ako ay napatayo. Kinuha ko ang maliit na kahon na nakalagak sa isang sulok ng aking tanggapan at bumalik sa aking kinauupuan. Tumambad sa aking harapan ang pabilog na papel. Marahan kung binasa ang nilalaman nito.
"Dark Circle Organization is at your back, Prince Daiki.
-- AJ"
"Pinunong Kizu, pumasok ka." Mabilis na pumasok ang aking punong bantay.
"May kailangan kayo, Kamahalan?"
"Anong balita tungkol sa aking ipinagawa sa iyo? Nalalaman mo na kung kanino nanggaling ang mensaheng ito?" Tukoy ko sa papel na ilang na beses na din niyang nakita at nabasa.
"Darating ang impormasyon sa susunod na araw, Kamahalan."
"Mabuti kung ganun. Sana sapat ang impormasyon na ating matatanggap. Salamat Pinunong Kizu, maaari mo na ang akong iwan."
Ibinalik ko na ang sa loob ng kahon ang mensahe. Inilagay ko ito sa pinaka-ilalim upang hindi matuklasan ng iba. Pag-angat ko ng paningin ay nakakatayo pa rin sa aking harapan ang Pinuno.
Kunot ang aking noo na siya ay tiningnan. "May nais ka bang sabihin, Pinuno?"
"Ipagpaumanhin mo Kamahalan subalit ako ay nababahala lamang."
"Tungkol sa alin?"
"Kay Prinsesa Yuki, Kamahalan. Sapagkat aking napapansin na nitong mga nakaraang linggo ay hindi ko siya nakikitang lumabas. May kakaibang nangyayari sa kanyang tahanan. Masama ang aking kutob at nangangamba ako maaaring nangyayari."
Napaisip ako sa kanyang sinabi. Tama siya, hindi ko binigyan ng pansin subalit hindi ko rin nakikita ang Prinsesa sa Hardin ng Palasyo. Sa lahat ng mga babaeng pagpipilian tanging ang Prinsesa lamang ang kadalasan na nag-iikot sa loob ng Palasyo.
Tumayo ako. "Dadalawin ko Prinsesa." Diretsong tinuntun ko ang daan patungo sa tahanan ng Prinsesa.
Sinalubong ako ng kanyang mga taga-lingkod subalit napansin ko na wala ang kanyang kanang-kamay. Maging si Pinunong Shuji ay hindi ko matagpuan sa paligid.
"Maligayang pagdating, Mahal na Prinsipe." Pagbibigay pugay ng lahat. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang lihim na pagpasok ng isang taga-lingkod sa silid ng Prinsesa.
"Narito ba ang Prinsesa? Nais ko sana siyang makausap." Wika ko sa punong taga-lingkod.
"Paumanhin Mahal na Prinsipe subalit hindi po mabuti ang pakiramdam ng Prinsesa."
"Kailan pa nag-umpisa ang bagay na ito? Nasuri na ba ng manggagamot ang kanyang kalayagan?"
"Paumanhin Kamahalan," singit ni Pinunong Shuji at bahagyang yumukod. Tinanguan niya ang punong lingkod na agad umalis. "Huwag niyo na pong alalahanin ang Mahal na Prinsesa. Nasuri na siya ng manggagamot at kasalukuyan na nagpapahinga."
"Nais ko siyang makita. At huwag mo akong pipigilan Pinunong Shuji." Dugtong ko ng magtangka siya na ako ay pigilan.
Maingat akong pumasok ng silid. Nakahiga ang Prinsesa at may takip pa rin ang mukha. Sa kanyang tabi ay nakaupo at nagbabantay si Yoshie, ang kanyang kanang-kamay, puno ng pag-alala ang kanyang mukha.
"Kamahalan!"
"Kumusta ang kalagayan ng Prinsesa?" Umupo ako sa tabi ng higaan ni Prinsesa Yuki.
Bago pa man makasagot si Yoshie ay bumangon na si Prinsesa Yuki. Agad inabot ni Yoshie dito ang isang mangkok kung saan siya sumuka subalit mukhang walang laman ang kanyang sikmura sapagkat wala siyang naisuka.
Umayos siya ng upo pagkatapos saglit na ayusin ang sarili at bumati sa akin. Inutusan ko si Yoshie na kumuha ng makakain.
"Wala akong gana na kumain, Kamahalan. Nais ko lamang magpahinga." Mahinang wika niya.
Hindi ko siya sinagot sapagkat nag-iisip ako. Pagsusuka, walang ganang kumain, mabigat ang katawan at maghapon nakahiga. Tinawag ko si Pinunong Kizu at inutusang ipatawag ang aking manggagamot. Nais kung malaman ang tunay na kalagayan at karamdaman ng Prinsesa.