AFLW 22: Sa Labas ng Palasyo *** Prinsesa Yuki POV Sa aking pakiramdam ay napakabigat ng hanging nakapalibot sa Palasyo. Nahihirapan akong huminga sa napakataas na tensyon sa paligid. Nangangamba ang karamihan sa mga Maharlikang Angkan sa nangyayaring p*****n ng kanilang kauri. Napadaan ako malapit sa tirahan ni Binibining Reina ng masaksihan ko ang kanyang pagtangis na puno ng pagdadalamhati. Hindi ko nagawang ihakbang ang aking mga paa sapagkat nais kung mabatid ang dahilan ng kanyang pagluha. Ng mapagtanto ang aking ninanais ay agad kumilos si Yoshie upang magtanong sa mga tagasilbi na nasa malapit lamang. Kung pagbabasehan ang kanilang umpukan at panaka-nakang pagsulyap sa Binibini ay mahihinuha mong ang tagpong aming nakita ang kanilang pinag-uusapan. Bumalik si Yoshie na hindi

