AFLW 21: Kapanalig at Kaaway
****
Prinsesa Yuki POV
Nakatayo sa hindi pansinin na sulok at pinanood ang pagkakagulo ng mga Opisyal, Ministro at Maharlikang angkan sa labas ng Punong Tanggapan. Aking tiniyak na walang makapansin sa akin. Tahimik akong nagmamasid sa mga nangyayari.
"Shuji, tiniyak mo ba na nasa maayos ang lahat?" Ang aking tanong na hindi humiwalay ng tingin sa Punong Tanggapan.
"Huwag kayong mangamba, Mahal na Prinsesa. Natitiyak ko na nasa maayos ang lahat."
"Mabuti. Hindi ko nais na mabigo tayo sa ating sinimulan. Samantalahin na natin ang nangyayaring kaguluhan sa kanilang panig." Ang aking wika habang nakatingin sa mga nagtitipon sa Punong Tanggapan. "Magpadala ka ng mensahe, Yoshie. Nais kung makausap ang ating mga kapanalig. Shuji, lalabas ako ng palasyo sa mga susunod na araw. Ihanda mo na ang mga dapat ihanda."
"Masusunod, Mahal na Prinsesa." Magkasabay na sagot ng dalawa.
Isang huling sulyap ang aking ginawa sa Punong Tanggapan bago tumalikod upang umalis.
"Tayo na. Marami pa ang dapat na ihanda. Hayaan na natin sila sa pagharap at paglutas ng kanilang suliranin. Kailangan nating pagtuunan ng pansin ang ating mga balak."
Ng makarating sa aming tirahan ay agad nagpaalam si Yoshie na maghahanda para sa gagawin naming pakikipagpulong sa mga kapanalig.
Si Shuji naman ay tiyak ang kaligtasan ng paligid. Magmula ng mangyari ang pagkakalason sa akin ay naging mas maingat at mapagmatyag na si Shuji sa lahat ng pangyayari sa paligid. Hindi na rin siya nagtitiwala agad kahit pa sa mga tagasilbi.
Pagpasok ko sa aking silid ay agad kung kinuha ang Aklat ng Impormasyon. Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa tuwing ito ay hawakan. Sapagkat bumabalik sa aking alaala ang aming pagtatagpo ng lalaking aking pinakamamahal sa hindi inaasahang pagkakataon. Mga masasayang alaala na lamang ang tanging bagay na maaaring aking panghawakan sa aming dalawa.
Aking pinag-aralan ang mabuti ang laman ng Aklat at tinyak na hindi makakalimutan ang mga pangalang nakatala. Sa maka-ilang ulit na aking pag-aaral sa talaang ito ay hindi ko pa rin mapagtanto ang Pinuno ng Yakuza. Walang nakatala hingil sa kanya maliban sa isa itong maimpluwensyang tao sa lipunan. Walang kahit maliit na detalye ng kanyang pagkakakilanlan.
Hindi ko maiwisang bahagyang hilutin ang aking noo. Sapagkat hindi ko pa rin mawari ang aking maaaring gawin upang malaman kung sino sa aking mga kaaway ang aking hinahanap. Ang pagbagsak lamang ng Pinuno ang nakikita kung paraan upang tuluyang malutas ang nagbabantang kapahamakan sa aming Kaharian at sa buong Imperyo.
Subalit tama bang iasa ang mga bagay na ito sa babaeng tulad?
Hindi ko maiwasan ang magmaktol sa sitwasyong aking kinasusuongan. Batid ko na hindi magdadalawang isip ang Mahal na Prinsipe na ako ay tulungan. Subalit hindi ko maiwasan ang mangamba na baka hilingin niya sa akin ang isang bagay na napakahirap ipagkaloob sa kanya. Kung sana hindi lamang napagtanto ng Mahal na Prinsipe na ako ay kanyang mapapakinabangan hingil sa kanyang pansariling hangarin.
Hintayin ko lamang ang tamang pagkakataon upang hilingin ang kanyang tulong. Isa siyang kapanalig kaya sa oras na kailangan ko siya para sa katuparan ng aming balak ay wala siyang karapatang humiling sa akin ng kapalit.
Tumigil ako sa pagkakabisa ng mga pangalang nakatala sa aklat at lumabas ng aking silid. Nais ko muna ang lumanghap ng sariwang hangin upang makahinga ng maluwag. Sa aking paglabas ay nakita ko ang isang taga-lingkod ni Ginoong Wakamoto na nakikipag-usap kay Shuji.
Yumukod siya bilang paggalang ng makalapit ako sa kanilang kinatatayuan.
"Ano ang iyong sadya?" Ang aking tanong bago pa makapagsalita si Shuji.
"Naparito ako upang ipaabot sa inyo ang mensahe ng Ginoo." May iniabot siyang liham kay Shuji na tinanggap ng huli at ibinigay sa akin. "Iniimbitahan kayo ng Ginoo sa magaganap na salo-salo sa kanyang tahanan sa makalawa, Mahal na Prinsesa. Ito ay tanda ng pagtupad sa kanyang bahagi sa inyong kasunduan."
Hindi ko mapigilan ang mapatingin kay Shuji sa aking narinig. Ng tumango si Shuji ay isang ngiti ang kusang umalpas sa aking mga labi.
"Pakisabi sa Ginoo na maaasahan niya ang aking pagdalo."
"Masusunod, Mahal na Prinsesa. Paalam."
Tumalikod na ang taga-lingkod at lumakad palayo. Hindi ko inaasahan ang agad na pagtakda ng araw ng aking pakikisalamuha sa aking sa mga taong itinuturing akong mahigpit na kalaban. Tama-tamang lamang at talagang balak kung mamasyal sa bayan.
"Ipaalam sa lahat ang pagbabago ng Plano, Shuji. Magagahol tayo sa oras kaya dapat ng ihanda ang lahat ng kailangan."
"Naintindihan ko, Mahal na Prinsesa. Ngayon din ay aking ipapaalam sa kanila ang pagbabago ng Plano kaugnay sa iyong pagdalo sa itinakdang pagtitipon."
"Mag-iingat ka, Shuji. Hindi lamang ang ating mga kaaway ang nagmamatyag sa atin. Maging ang Prinsipe Daisuke ay pinagdududahan ang aking pagkatao. Magtatangka siyang alamin ang lahat ng kilos. Hindi ko matatanggap kung may mangyaring masama isa man sa inyo ni Yoshie."
"Maraming salamat sa pag-alala, Kamahalan. Ipinapangako ko na walang mangyayari sa akin. Paglilingkuran ko kayo hanggang sa aking huling hininga. Kailangan ko ng umalis, maging mapagmatyag kayo habang hindi pa ako nakakabalik."
Sinundan ko tanaw ang papalayong tapat na aking tagapagbantay. Magmula ng siya ay pagkatiwalaan ni Heneral Rin, hindi niya pa ako binigo. Napakapalad ko sa pagkakaroon ng taga-sunod na katulad niya.
Hindi ka nagkamaling pagkatiwalaan si Shuji, Zan. Batid ko siya ay iyong ipinagmamalaki bilang iyong kahalili.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ng mawala na siya aking paningin ay binalingan ko ang aking mga taga-lingkod at ipinaalam sa kanila na nais kung maglakad-lakad sa Hardin. Ang Hardin ang pinapaborito kung lugar dito sa loob ng Palasyo. Gumagaan ang aking pakiramdam habang napapaligaran ng mga bulaklak at naaamoy ko ang halimuyak ng mga ito.
Pagsapit ng takipsilim ay nakatanggap ko ng paanyaya mula sa Mahal na Emperatris. Nais niya akong makasalo sa hapunan. Kababalik lamang ng Kamahalan mula sa pagbisita sa Mahal na Prinsesa na naninirahan sa ibang bansa.
Sa pagbabalik ng Emperatris sa Palasyo ay agad niyang ipinahayag na iimbitahan niya ang bawat babaeng pagpipilian upang makasalo sa hapunan. Subalit natitiyak ko na iba ang gabing ito.
"Mahal na Prinsesa," pagbati ni Yoshie ng siya ay pumasok sa aking silid.
"Handa na ako, Yoshie. Tayo na at hindi nais na paghintayin ang Mahal na Emperatris."
Ipinagbukas ako ni Yoshie ng pinto. Sa labas ng aking silid ay naghihintay na ang mga taga-lingkod na sasama sa amin. Inilibot ko ang aking paningin at napagtanto ko na hindi pa nakakabalik si Shuji. Malaki man ang tiwala ko sa kanya hindi ko maiwasang mag-alala.
Pagdating sa tahanan ng Mahal na Emperatris ay agad akong dinala sa isang silid. Hindi maiwasan ang mamangha sa aking nabungaran. Sinalubong ako ng Kamahalan, yumuko ako bilang pagbati at pagbibigay-pugay.
"Hindi ko inaasahan na makita sila dito, Mahal na Emperatris. Ang aking akala ay isang simpleng hapunan lamang ang magaganap."
"Iyon din sana ang aking pakay, subalit ipinaalam sa amin ni Yoshie na nais mo kaming makausap." Ang sagot ng Emperatris habang papunta kami sa upuang nakalaan sa akin.
"Maaaring magduda ang iba sa iyong ginawa, Kamahalan."
"Lihim ang pagparito lahat, Prinsesa Yuki. At aming tiniyak na ang mangyayaring usapan sa gabing ito ay mananatili lamang sa bakurang ito at sa ating magkakapanalig."
Napalingon ako sa sumagot ng aking alalahanin, ang Emperador. Kakapasok lamang ng Emperador kasama ang dalawang Prinsipe. Nagsitayuan ang lahat na naroon sa silid upang magbigay pugay. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng tuwa habang nakikita ang mga taong naniniwala sa aming ipinaglalaban.
Masayang pinagsaluhan ng lahat ang ipinahanda ng Emperatris. Nagkakatuwaan at magaan na nagkwentuhan. Walang nagtangka sa kanila na alamin ang dahilan ng magtitipon na iyon. Tumikhim ako upang makuha ang kanilang atensyon. Nang matuon na sa akin ang pansin ng lahat ay nag-umpisa na akong magsalita upang ipaalam sa kanila ang aking binabalak.
"Nais ko sanang ipaalam sa lahat na papasukin ko ang panig ng ating kaaway. Ito ay aking gagawin upang tuklasin kung sino ang namumuno sa pangkat na mahigpit kumakalaban sa Imperyo. Ang pangkat na nagbabadya ng kaguluhan at pagkawasak ng pinakakamahal nating bayan kung hindi natin magawang pigilan."
Nakita ko ang gulat na bumalatay sa mukha ng karamihan. Maging si Prinsipe Daisuke ay nakitaan ko ng parehong reaksyon. Bumakas sa kanyang mukha ang hindi makapaniwala sa aking tinuran.
"Subalit malalagay sa alanganin ang iyong kaligtasan, Prinsesa Yuki." Ang wika ng tapat na Heneral.
"Batid ko ang bagay na iyan, Heneral. Subalit ito lang ang aking nalalamang paraan upang makuha ang impormasyong ninanais ko."
"Hindi ba natin ito makukuha sa pamamagitan ng lihim na pag-iimbestiga?" Wika ng Emperatris. Along nakikita sa kanyang mata ang lubos na pag-aalala.
"Tama ang Emperatris, Prinsesa Yuki. Hindi kailangan na ilagay mo sa kapahamakan ang iyong sarili."
"Ginawa na namin ang lahat, maging ang sinabi ng Mahal na Emperatris, subalit hindi kami nagtagumpay. Napakailap ng kanilang Pinuno at wala kaming nakukuhang impormasyon sa kanya maliban sa isa siyang kilalang tao sa lipunan."
"Naintindihan ko ang iyong nais Prinsesa Yuki, subalit hindi sapat ang lahat ng iyon upang hayaan namin na malagay sa panganib ang maaaring maging kabiyak ng Prinsipeng Tagapagmana." Pahayag ng Ministro na mas piniling pumanig sa amin.
"Paumanhin kung kayo aking pinag-alala, subalit hindi na magbabago ang aking isip. Magiging maingat ako sa aking gagawin at malaki ang tiwala ko ang aking mga taga-sunod. Hindi nila hahayaan na ako ay mapahamak."
Tapos ang usapang iyon na ang lahat ay ang aking napahinuhod. Pumayag sila matapos na ako ng tiyakin na hindi sila dapat mabahala sapagkat walang mangyayari sa akin na masama.
Bumalik ako sa aking tirahan na iniisip ang susunod na hakbang na gagawin. Inihanda ko na rin ang asking isip sa pakikipagharap ko sa mga kaaway. Kailangan angbdobleng ingat at tiyak na paghahanda upang mapagtagumpayan ko ang aking binabalak. Hindi ako maaaring mabigo sa unang pagkakataon sapagkat hindi na magiging tiyak ang aking kaligtasan sa susunod.
Maaga kung ipinahinga ang aking pagal na katawan at isipan. Upang maging mas malinaw ang aking pag-iisip sa susunod na mga araw.
Maaga akong nagising kinabukasan, at gaya ng dati ay sinalubong ko ang pagsikat ng araw sa Hardin. Kinapa ko ang kuwintas sa aking dibdib na maingat na nakatago sa aking kasuutan.
Nawa'y bigyan ako ng higit na lakas ng loob at tiwala sa along sarili ng iyong pag-ibig. Hayaan mo na ito ang aking maging lakas sa pagsubok at laban na aking kakaharapin. Kung sana lamang ay nandito ka sa aking tabi at kasama ko na lumalaban, Mahal Ko.
Binitawan ko ang kuwintas at buo ang loob na hinarap ang pagsikat ng bagong araw. Ang mga taong naniniwala sa aming ipinaglalaban ang higit na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob.
****
Aking sinilip ang labas ng maramdaman ko na kami ay tumigil na. Bumungad sa akin ang isang malawak na bakuran at magarang tahanan. Dumating na kami sa tahanan ng mga Wakamoto ang tinuturing na pinakamayamang angkan sa sentro. Hindi kalayuan ay natitiyak ko ang pamilihang bayan na. Umabot pa sa aking pandinig ang ingay galing dito.
Tinanggap ko ang kamay ni Shuji na kanyang inabot upang alalayan ako sa pagbaba ng karwahe. Sa aking pagtapak sa lupa ay agad lumapit si Yoshie at tiniyak na hindi madaling huhulagpos ang tabing ng aking mukha.
"Maligayang pagdating, Prinsesa Yuki." Bati ni Ginoong Wakamoto. Sa kanyang tabi at nakahawak sa kanyang braso ay ang kanyang maybahay.
"Ikinagagalak ko ang maimbitihan ninyo, Ginoo at Ginang Wakamoto." Bahagya akong yumuko bilang pagbati.
"Naghihintay na sa loob ang mga taong nais mong makausap, Prinsesa Yuki. Nagagalak silang makadaupang-palad ang Prinsesang nababalot ng Misteryo sapagkat walang nakakaarok ng katauhan nito."
"Ituturing ko iyan bilang isang papuri, Ginoo."
"Sumunod kayo, Prinsesa Yuki." Ang tanging nasambit ng Ginang.
Sumunod ako habang tahimik na nagmamasid ng paligid. Nang ako ay magpasya na dumalo sa pagtitipon ay hiniling ko kina Shuji at Yoshie na magsuot din sila ng tabing sa mukha. Upang mas maging malaya sila sa pagmamasid sa paligid.
Halos lahat ng naroon ay may ginagampanang tungkulin sa Palasyo o sa bansa. Maraming Opisyal, ilang Ministro na may piniling kalabanin ang Emperador, mga Maharlikang angkan at mga kilala sa lipunan sa mga larangan na kanilang napili.
Halat ng mukha at pangalan na nababasa ko lamang sa talaan ay aking tinandaan. Pati na lahat ng kanilang kilos at galaw. Tiniyak ko na walang lalampas sa aking mga mata. Sa ganoong paraan ay maaari kung balikan sa aking isip ng malinaw ang mga pangyayari. Umaasa na sa ganitong paraan ay magkakaroon ako ng kahit maliit lamang na batayan o sapantaha ng kanilang Pinuno.
Nang matapos ang salu-salo at magawa ko na ang aking pakay ay agad akong nagpaalam. Ng marating namin ang pamilihang bayan ay inutos ko na huminto. Nakaramdam ako ng sakit ng ulo at pamimigat ng dibdib kaya ay aking hiniling na magpahinga saglit.
"Nais kung mag-ikot sandali sa pamilihan. Kung may nais kayong puntahan ay bibigyan ko kayo ng isa hanggang dalawang oras. Magkikita tayo sa lugar na ito pagkatapos ng aking itinakdang oras, maliwanag ba?"
"Maraming Salamat, Kamahalan." Sabay na wika ng mga taga-lingkod at bantay na aking isinama sa aking paglabas.
Ng makaalis na ang lahat at tumingin sa akin ng makahulugan si Shuji at Yoshie. Tumango ako. Ng matiyak namin na walang nakatingin at mabilis kaming nagtago. Sa mabilis at maingat na paglalakad ay tinungo namin ang isang kainan sa dulo ng pamilihang bayan.
Pagdating namin doon ay nakahanda ang aming mga kailangan. Dumating at umalis kami ng hindi napapansin ng mga taong kumakain. Palihim na tinanguan ni Shuji ang may-ari at nagpasalamat. Tumango lang din ito bilang sagot at tahimik na nagpaalala na kami ay mag-iingat.
Naabutan namin ang aming pakay sa lugar na aming inaasahan. At gaya ng aking sapantaha ay iilang bantay lamang ang kanyang kasama. Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng sulok ng aking labi.
Hindi pa ba sila natuto?
Nakayuko kaming tatlo na humarang sa kanyang dinaraanan. Nasa aking unahan sina Yoshie at Shuji. Agad na bumunot ng sandata ang kanyang mga bantay. Sa ilang minuto lamang ay mag-isa siyang nakatayo doon habang nanginginig sa takot.
Naglakad ako patungo sa kanyang harapan at iniabot ang putting tela sa kanya. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa aking hawak. Bakas ang gulat sa kanyang mukha ng mag-angat ng paningin.
"Nakakabighani ang aking ganda, hindi ba? Napakalayo sa inaasahan ng lahat na nasa inyong panig." Isang magandang ngiti ang aking ibinigay sa kanya na sa aking palagay ay mas lalong nagpangatog ng kanyang mga binti.
"Prinsesang Itim? Prinsesa Yuki?"