AFLW 1: Prinsesang Itim

2457 Words
FLW 1: Prinsesang Itim **** Princess Yuki POV Palingon-lingon at mabagal akong naglalakad sa gitna ng pamilihang bayan. Kasama ko ang tagapagbantay na si Shuji at ang aking taga-lingkod na si Yoshie habang naglilibot. Nakakabagot ang manatili lang sa loob ng palasyo kaya nagpaalam ako sa Mahal na Hari na mamasyal sa labas. Walang nakakilala sa akin dito dahil ni minsan hindi pa ako naipakilala sa mga karaniwang tao. Oo, alam nila kung sino si Prinsesa Yuki pero kahit minsan hindi pa nila nakikita ang pagmumukha nito. Ang hindi lang nila alam minsan na rin nila akong nakasalamuha subalit hindi ako nagpakilala. Akala nila na isa lang akong karaniwang mamamayan. Nakasuot lang kasi kami ng mga pangkaraniwang damit habang naglilibot sa bayan. Kahit sa mga maharlika ay iilan lang din ang nakakilala sa akin. Iilan lang ang nakakita sa aking mukha. Kahit ang mga taga-silbi sa palasyo, iilan lang din sa kanila ang nagkaroon ng pagkakataon na masilip ang mukha ko. Aliw na aliw ako sa paglibot sa pamilihan. Panay ang dampot ng mga bagay na kumuha sa aking atensyon. Hindi binigyang pansin ang maiinit na sikat ng araw na dumadampi sa aking balat. Tahimik nakasunod si Shuji sa bawat gawin ko at ng aking lingkod. Wala kang marirnig na kahit anong salita sa kanya pagkatapos natutuwa pa siyang makita kaming aliw na aliw. Kung tutuusin hindi ko na kailangan pa ng bantay. Magagawa kung ipagtanggol ang aking sarili sa anumang uri ng kapahamakan. Gayundin si Yoshie. Lingid sa kaalaman ng ibang mga taga-lingkod at taga-silbi ng palasyo maalam si Yoshie sa pakikipaglaban. Kahit sabihin pang hindi niya magawang talunin si Shuji. Sa kasalukuyan hawak ni Shuji ang titulo bilang pinakamagaling sa hanay ng mga sundalo ng Hari. Tinatahak na namin ang daan pabalik sa palasyo ng matuon ang pansin ko sa umpukan ng mga tao. May kung anu silang mahalagang pinag-usapan. Tumigil ako sandali sa kabilang bahagi ng daan upang marinig ang kanilang usapan. "Ano ang nangyayari? Bakit tila nababalisa ang mga tao?" Hindi ko mapigilang itanong sa aking dalawang kasama. Hindi pa man nakasagot ang aking mga kasama ay dumaan na sa hindi kalayuan ang mga sundalo ng palasyo. Nagtatakbuhan at pawang nagmamadali sa kung saan man sila patungo. Nagpalitan kaming tatlo ng nagtataka at makahulugang tingin. "Magtatanong lang po ako sa grupo ng mga kalalakihan sa ating tapat, kamahalan." Paalam ni Shuji. Tumango ako at umatras patungo sa tindahan sa aking likuran. Naupo ako na naroong upuan at si Yoshie naman ay nagtanong sa nagtitinda. "Ale, may alam ho ba kayo kung bakit nagmamadali ang mga sundalo?" Narinig ko na tanong ni Yoshie. "Ku! May isang maharlika na naman daw ang namatay," sagot ng ale. Nagkatinginan kami ni Yoshie. Tinanguan ko siya upang ipagpatuloy niya ang ginawang pagtatanong. "Ano ho ang dahilan ng pagkamatay?" "Pinatay at ibitin sa isang puno hindi kalayuan sa bahay niya. Hindi ko talaga mawari kung bakit sunud-sunod na pinatay ang mga maharlika at opisyal ng kaharian. Simula ng dumating ang tinaguriang Prinsesang Itim nagkaroon na ng kaguluhan dito sa ating bayan." Mahabang litanya ng ale. "Mawalang galang na ho sa inyo, sino ang tinutukoy ninyong Prinsesang Itim?" Tanong ni Shuji sa nanganganib na tinig, na nahagip ang sinabi ng ale. "Hindi niyo ba narinig ang balita? Usap-usapan na iyan sa buong bayan, ang tinutukoy ko ay ang bunsong Prinsesa. Noong hindi pa siya nakabalik sa palasyo walang ganitong pangyayari dito sa ating kaharian." "Lapasta --" "Huwag," mariin kung pigil kay Shuji sa balak niyang gawin. Tungkulin niyang pangalagaan ako at dapat lang sa ale ang maparusahan subalit naaliw ako sa ipiningalan nila sa akin. "Subalit nilalaspatangan niya ang inyong pangalan kamahalan." Mahinang wika ni Shuji. "Alam ho ba na ninyong maaaring maparusahan kayo sa inyong sinasabi? Paglapastangan po iyan sa pangalan ng Prinsesa." Paalala ni Yoshie sa kausap na ale. "Bakit ho binasagang Prinsesang Itim ang ating mahal na Prinsesa?" Nakangiti akong nagtanong. "Kam-" Itinaas ko lang ang aking kanang kamay upang patahimikin si Shuji. Sapat na iyon upang mapilitan siyang hindi umimik. Dahil kahit ano pa ang kanyang sasabihin hindi ko pa rin ito pakikinggan." "Misteryoso si Prinsesa Yuki. Walang kahit sino ang makapagsabi ng kanyang anyo kahit ang mga maharlika at opisyal sa kaharian walang mailalahad. Dahil nila pa nila nakikita ang mukha ng Prinsesa. Nagtatakip ng mukha ang Prinsesa habang namamasyal sa saan mang bahagi ng palasyo. Kadalasan sa gabi ito lumalabas ng silid." Malakas akong tumawa dahil sa aking narinig. Hindi ko mapaniwalaan na sa gaanoong kababaw na dahilan ay tinagurian akong Prinsesang Itim. "May kumalat na haka-haka na isinumpa si Prinsesa Yuri dahil nag-asawa ito isang dayo at si Prinsesa Yuki ang sumalo ng sumpa. Madalas na nawawala dati ang Prinsesa noong maliit pa at ng lumaki na ay ipinatapon sa kung saan man para maiiwas ang kaharian sa dala niyang kamalasan." Patuloy ng ginang. "Kung ganoon ang paniniwala ninyo, bakit hinayaan ng taga-palasyo na bumalik ang isinumpang Prinsesa?" Hindi ko magawang itago ang pagka-aliw sa aking tinig. Na naging dahilan upang lalong naging mapanganib ang tingin ni Shuji para sa walang kamalay-malay na ginang. "Iyon ang isang pagkakamali ng palasyo. Hinayaan nilang makabalik ang Prinsesa kaya nangyayari ang ganitong bagay sa ngayon." Nakangiting napailing ako sa aking narinig. Saan naman kaya nag-umpisa ang ganung usapin. At hindi man lang namin napag-alaman ng maaga na may ganoon na palang usap-usapan sa labas ng palasyo. "Huwag po kayong magpaniwala sa mga kumakalat na kwento, ale. Wag niyo na ho sasabihin sa iba ang kwentong narinig namin. Baka may taga-palasyong makarinig. Kamatayan ho ang kaparusahan sa kung sino man ang lalapastangan sa pamilya ng Hari." Mahigpit na bilin ko sa kanya bago kami tuluyang umalis. Sa halip na tahakin ang daan patungo ng palasyo lumihis ako ng landas patungo sa lugar na pinagmulan ng kaguluhan. Ang lugar kung saan ibitin ang katawan ng isang maharlika ayun na rin sa nakuhang impormasyon ni Shuji ng magtanong siya kanina. Napapagitnaan ako ng dalawa habang naglalakad. Marami ang nag-iipon na mga tao sa lugar na pinangyarihan. Sa dami ng taong naroon hindi kami makakalapit. Nakita namin ng bahagya mula sa hindi kalayuan ang bangkay ng biktima. Sa kung anumang kadahilanan hindi pa nila binababa ang katawan ng nito. Sa isang bahagi ng lugar na iyon nahagip ng aking paningin ang isang taong galit na nakatingin sa wala ng buhay na katawan ng maharlika. Puno ng pagkamuhi ang kanyang mga mata at walang kahit kunting awa na tingin na ibinigay sa mga kaanak ng biktima. Patunay ang isang iyon at pati na ang mga naririnig ko na sinasabi ng nakapaligid na hindi mabuting tao ang namatay. "Sapat na ang aking nakita at narinig. Tayo ng bumalik ng palasyo." Wika ko makalipas ang ilang sandali. Walang mababakas na anumang emosyon sa aking tinig at mukha. Walang kibo na sumunod sa akin ang dalawa ng tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo. Kahit isang sulyap hindi ko na ginawa. Ng sapat na ang aming layo mula sa pinangyarihan binitiwan ko ang isang puting tela. Bilang pamamaalam at pakikiraramay. Sa mismong lugar kung saan ginawa ang krimen sapagkat naroon pa ang bakas ng tuyong dugo. Malalaking hakbang at mabilis kaming naglalakad pabalik ng palasyo. Walang nakaka-alam sa aming paglabas maliban sa Mahal na Hari. Kailangan naroon na kami bago pa maghapon at baka may biglaang bibisita sa aking silid. Nakahinga kami ng maluwag ng makarating sa aking silid ng walang abala. Agad na inalam ni Shuji kung may naghanap ba sa akin habang nasa labas pa kami. Sa kabutihang palad ay walang ni isa ang naghanap. Marahil inaasahan na nila na hindi ako makikita sa ganoong oras. Kadalasan ay sa umaga, dapit-hapon at gabi ako nakikita sa labas ng aking silid. Ang alam ng lahat kapag matarik na ang sikat ng araw nasa aking tahanan lang ako. Lalabas lang ako kapag kinakailangan ang aking presensiya o ipatawag ako ng Kamahalan. Agad inihanda ni Yoshie ang aking isusuot katulong ang isa pang pinagkakatiwalaan kung taga-lingkod. Anumang sandali ipapatawag na ako ng Kamahalan upang sabayan siyang mag-tsaa sa hardin ng palasyo. "Mahal na Prinsesa, pinapasundo na po kayo ng Kamahalan." Pagbibigay-alam ni Shuji sa labas ng pintuan ng aking silid. Agad kung inabot ang malaking sumbrero na may manipis na telang nakapalibot sapat upang matakpan ang buo kung mukha. Umabot ito hanggang sa aking balikat kapag sinuot. Saka lang ako lumabas ng maisuot ko na ito. Nadatnan ko sa hardin ang Kamahalan kasama ang Mahal na Prinsipe. Sapat na ang layo ng mga taga-lingkod at taga-silbi upang hindi maaninag ang aking mukha. Tanging sina Shuji at Yoshie, punong bantay ng Hari at kanyang punong lingkod ganun din ang sa Mahal na Prinsipe ang nasa malapit. Hinawi ko ang tela sa harapang bahagi ng aking mukha bago bumati sa kanila. "Konichi wa Ojiisan, Oniisan" magiliw na aking bati sa kanila saka yumukod. "Hime, koko ni kinasai. Suwatte kudasai." Malambing na anyaya sa akin ng Kamahalan, ang pinakamamahal kong Lolo, na maupo sa kanyang tabi. Sa kaliwang bahagi niya sapagkat nasa kanan niya ang aking kapatid. Masaya kaming nagkwentuhan ng mga bagay at pinagdaanan namin noong sa labas pa kami ng palasyo nakatira. Subalit kanina ko pa napapansin ang panaka-nakang tingin sa akin ng Mahal na Prinsipe. Mga titig na mayroong pinapahiwatig. Kaya ng magpaalam ang Kamahalan upang bumalik sa kanyang tanggapin, inaasahan ko na paanyaya ng Mahal na Prinsipe na maglakad-lakad sa hardin. Tahimik kaming naglakad-lakad at dinama ang mabining simoy ng hangin. Pinagsamang simoy galing sa dagat na nakapalibot sa buong isla at sa kagubatang nakalatag sa paligid. "Pumunta ba kayo sa bayan kanina?" Tanong niya sa akin ng tumigil kami sa harap ng isang maliit na lawa. "Nabagot kasi ako dito sa loob ng palasyo kaya naisip kung lumabas sandali." Ang aking sagot. "Nakarating na ba sa iyo ang usap-usapan na kumakalat sa bayan? Ang tungkol sa Prinsesang Itim?" Pinakititigan niya ako. "Naikwento sa amin kanina ng isang ale na nakausap namin sa pamilihan. Sinisisi din nila sa aking pagbabalik ang nangyaring sunud-sunod na patayan." "Hindi nga ba, Ayane? May basehan ba ang taguri nila sa iyo?" Humarap siya sa akin at napakaseryoso ng kanyang mukha. "Ano ang iyong nais ipahiwatig? Pinagdududahan niyo ba ako, Kamahalan? Isa lamang akong hamak na babae kaya imposible ang iyong sinasabi." "Higit kanino man, ako ang nakakaalam ng kakayahan mo Ayane. At kung ano ang makakaya mong gawin. Alam ko rin na may lihim kang gawain na itinatago mo sa akin." "Kung anu man ang palihim kung ginagawa ay huwag mo ng subukan pang alamin, Kamahalan. Hindi ka maaaring masangkot sa kung anu man iyon." Wika ko na may pinalidad sa tinig. "Bakit ginagawa mo ang ganitong bagay? Alam ko na hindi madali para sa iyo ang iyong pagbabalik subalit huwag mo naman ilagay sa alanganin ang buhay mo, Sha ---" "Ipagpa-umanhin mo Mahal na Prinsipe, subalit ang salitang nais mong bigkasin ay mahigpit na ipinagbabawal sa kaharian." Pigil ko sa tangkang paggamit niya ng tawag na malimit niyang itawag sa akin noong nasa labas pa kami ng kaharian. "Ipinatag mo ang iyong kalooban, Mahal na Prinsipe. Kung anu man ang aking ginagawa, ito ay para lamang sa kabutihan ng ating bayan. Wala akong gagawin na ikapapahamak ko at ng ating angkan." "Malaki ang tiwala ko sa iyo, Ayane. Subalit hindi maiaalis sa akin ang mag-alala dahil kapatid kita." Ibinalik niya ang tingin sa tubig na nasa aming harapan. "Ilang araw nalang ang nalalabi at kaarawan mo na. Nakahanda ka na ba?" "Hindi ko alam kung magiging handa pa ba ako sa araw na iyon." Tumingin ako sa malayo. "Hindi ba nagbago ng pasya ang Mahal na Hari at mga ministro hinggil sa bagay na iyan?" "Hindi nila babaguhin ang na unang plano dahil lang sa nangyaring kaguluhan sa bayan. Kahit pa ang iba ay nakakatanggap na ng banta mula sa kung sino man ang pumapatay ng mga opisyal at maharlika." "Ano na ang balitang sa imbestigasyong ginagawa?" "Wala pa rin sila makuhang sapat na ebidensiya upang maituro ang salarin. Masyadong maingat ang may gawa." "Sa iyong palagay, sino kaya ang may kagagawan ng lahat ng ito?" Mataman niya akong tinitigan. "Nais mo ba talagang sagutin ko yan ng totoo?" Napaiwas ako ng tingin. "Hindi na kailangan." "Aya ---" Hindi ko na siya pinatapos. "Kailangan ko ng bumalik sa silid, Kamahalan, malapit ng magdilim at nais kong magpahinga bago ang hapunan." Yumukod ako at tumalikod na para umalis. Napahinto ako ng hawakan niya ako sa braso at napaharap ulit sa kanya.. Kinuha niya ang aking kamay, may bagay siyang inilagay sa aking palad saka ito itiniklop. Maang akong napatitig sa kanya. "Mag-iingat ka palagi, Ayane. Nandito lang kami palagi sa tabi mo." Wika niya sa nag-aalalang tinig. Pati ang kanyang mata ay puno ng pag-alala. Hinalikan niya muna ako sa noo bago tuluyang pinakawalan. "Magpahinga ka na." Tumango lang ako at naglakad na paalis. Sa di kalayuan naka-abang na sa akin sina Shuji at Yoshie. Puno ng pangamba at pag-aalala ang kanilang mukha habang nakatingin sa mabagal kung hakbang palasyo sa aking kapatid. Naka-ilang hakbang na ako ng muling nagsalita ang Mahal na Prinsipe sa mahinang tinig. Sapat upang ako ay tumigil subalit hindi nag-abalang lingunin siya. "Hindi na ba talaga magbabago ang pasya mo? Alam mo na wala akong ibang hangad kundi ang iyong kaligayahan." Isang ngiti ang sumilay sa aking labi at mahinang nagsalita. "Alam ko. Maraming salamat, Kuya Shi." Nakangiting nagpatuloy ako sa paglalakad. Alam ko na sapat ang lakas ng aking boses upang marinig niya ang sinabi. Sinalubong ako ni Shuji at inalalayan na makababa sa hagdang bato palabas ng Hardin. Inayos naman ni Yoshie ang takip ng aking mukha at saka kami tuluyang umalis. Sumunod naman ang lahat ng taga-lingkod at bantay ko habang yumukod sa akin ang mga lingkod at bantay ng Prinsipe ng mapadaan kami sa kanilang tapat. Nasa bahagi na kami ng palasyo patungo sa aking tahanan ng bigla akong tumigil. Napatigil din ang lahat na nakasunod sa akin. Itinaas ko ang aking kamay at binuksan ang aking palad. Tumambad sa aking palad ang isang bagay na nagpatigil saglit sa t***k ng aking puso. May alam ba talaga si Kuya Shi? "Kamahalan?" May pangambang wika ni Yoshie. Tahimik lang si Shuji subalit alam ko na nakita na nila ang bagay aking palad. Isang patunay. Mariin kong ikinuyom ang sa aking palad. "Hindi kayo ipagkakanulo ng Mahal na Prinsipe, Prinsesa Yuki." Walang halong pagdudang sabi ni Shuji. Ngumiti ako sa kanila. "Alam ko, Shuji. Gagawin niya ang lahat maprotekhan lang ako." Pero hindi ko pa rin maiwasan ang mangamba. Kung natuklasan ng Mahal na Prinsipe, maaari kayang may iba na rin na nakaka-alam? Tuluyan ng nilukob ng kaba at pag-alala ang aking dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD