CHAPTER - 3

2264 Words
Ellaina Bandang alas-singko ng hapon ay humina ang ulan at pa-ambon-ambon na lang sa labas. Nasa sala ako ng bahay at kumakain ng sandwich na pinalamanan ko ng manggang hinog na dala ni Tatay Agustin kanina. Sina Raiko at Chad ay parang mga tanga lang na nakatunghay sa aking masarap na pagkain. Nakangiwi ang mga mukha nila habang nakatingin sa aking pagnguya. Sayang, wala pa si Jarred. Tinatamad pa naman akong maghiwa ng mangga. May ginagawa kasi sina Tatay at Mommy sa kusina. Ayoko namang i-utos kina Raiko at nandidiri ako sa kamay nila kapag lumapat sa kakainin ko. “Ellaina, ang weird ng pagkain mo. Mangga na palaman sa tasty bread?” hindi napigilang puna ni Chad “Masarap kaya. Try mong maglihi.” Umingos pa ako sa pakialamerong lalaki. Noon pa man talaga'y nakakainis na ang mga member ng Black Knight. Nagsimula kay Azzer hanggang kay Chad. Buti pa ang mga Hunting Eagles ay matitino puwera lang kay Raiko na nakangisi ngayon sa katabing lalaki. Nakakatawa . . . magkasukob sila sa kumot dahil sumobra ang lamig sa La Vista pagkatapos ng malakas na ulan. May balak pa lang mamundok ang mga ito pagdating nina Azzer, maiba naman daw ang libangan nila. 'Yun nga lang, hindi namin expected na uulan nang malakas. Mga walang dalang jacket ang dalawa kaya tiyaga sa kumot. Bigla ay sumilip ang mommy ko sa sala. “Ellaina, wala pa ba ang asawa at kapatid mo?” tanong nito habang palinga-linga sa daan. Nagbabadya na naman ang malakas na ulan sa langit. “Wala pa, ‘My, bakit?” I asked habang naghihiwa ng mangga. “Pinabibili ko kasi ng bawang ang kuya mo. Magluluto ng tinolang manok ang tatay n'yo at hanggang ngayo’y 'di pa magisa.|” Napasulyap tuloy ako sa isang dosena yatang bawang na naka-kwintas sa aking leeg. Nadaig ko pa ang santo dahil do’n, pero effective naman dahil hindi na ako nakakaramdam ng kilabot. “Padating na ang mga iyon, Mommy. Hirap kasi ng signal dito. Kailan ba a-asikasuhin ni Azzer ang kuryente rito? tiyaga na lang sa generator, tskk,” wika ko pa. Tinuktukan ako ni mommy. Kaya tinawanan ako nina Chad at Raiko saka nag-buti nga! “Tumawag ka ng kuya at matanda iyon sa iyo. May asawa ka na't lahat ay ganyan ka pa rin sa kapatid mo.” Pinandilatan pa ako ng mga mata ng ina. Samantalang noon, hindi man lang niya ako napalo kahit isang beses. Ngayon naman, porket nakita na niya si Azzer—Hmmmp! nakakainis talaga ang lalaking iyon. “Mommy, alam n’yo namang buntis ako, bakit nananakit kayo diyan? kung mapaano ang baby ko? lagot ka kay Jarred,” nakalabi ko pang saad na tila nananakot. ikinalaki naman iyon ng mga mata ng ina. Isa pa ulit tuktok ang napala ko rito. “Ang layo ng ulo sa tiyan, Ellaina! Maldita ka talaga.” “Mommy, lalo akong mabobobo n’yan, eh, paano pa ako makaka-graduate kung kakalugin mo ang ulo ko?” nakasimangot na sabi ko habang himas ang ulo. “Mag-aral ka muna ng GMRC bago mag-nurse,” aniya. What? Ano 'yon? May GMRC naman ako, ah? Grabe si mommy sa akin. Buti na lang lumabas din si Tatay at sinaway ang maldita kong nanay. “Ngayon mo na nga lang nakakasama ang anak natin gaganyanin mo pa,” kastigo ni tatay rito. Napangisi ako at taas ang noong tumingin dito. Nagkunwari pa akong nahimas sa ulo para makita ni tatay. “Hala, Ellaina, ang galing mong magpa-awa,” naiiling na wika sa akin ng ina. “Tama na ‘yan, Samantha.” “Agustin, pinapatino ko ang anak mo. Puro kalokohan ‘yan, sabi ni Azzer.” ‘Yun naman pala, may nag-sumbong! “Hindi na ‘yan titino at may pinagmanahan,” ani tatay na ikinabunghalit ng tawa ng dalawang binata sa tabi. Si mommy ay tila nahiya sa dalawa. “Hindi ako ganyan ka-pilya noon,” depensa pa ni mommy. “Oo, dahil mas malala ka d'yan. Halika na at tuturuan kitang maghugas ng pinggan,” aya na ni Tatay at inakay si Mommy sa loob. Nakita kong nakatawa pa rin sina Raiko at Chad kaya binato ko sila ng kutsara. “Ellaina, mana ka raw kay Mommy Sam,” gagad ni Raiko. Inirapan ko siya. “Ikuha mo ako ng bagong kutsara,” utos ko. “Aba! Sinong nagtapon, ha? Ikaw na at nilalamig ako!” “Dali na! Hoy, Raiko! Pa-dating na si Jarred, isusumbong ko talaga kayo. Pinapagod n'yo ako!” banta ko saka lang sumunod ang bansot. Azzerdon Ganoon na lang ang itinanggi ko nang sabihin ni Jarred na idiretso sa maputik na daan ang kotse ko kung saan kami nakasakay patungong La Vista. Nasa likod si Imarie na sumama nang malaman na papunta kami roon. Kasunod namin ang kotse ni Seb na kasama si Trixie. Nagkayayaan na kanina sa M.U. kaya dumami kami. Bahala na kung saan matutulog mamaya dahil hindi naman kalakihan ang bahay na iyon. Dalawa lang ang silid at maliit pa. Tiyak na sa labas na naman ako nito. Tsskk . . . Kaya lang hindi namin akalain na maulan pala sa lugar na iyon at madulas ang kalsadang pinagawa ko nito lang nagdaang buwan. “Jarred, ‘di pwedeng idiretso ang kotse ko, 'no? Gusto mo bang lumubog ito?” ang naiinis kong katwiran kay bayaw. Natanaw ko pa ang kotse ni Chad na nakatigil sa isang tabi. “Kaya 'yan. Ayokong maglakad sa putikan at nakaputing sapatos ako,” pa-supladong tugon. Nagkatinginan na lang kami ni Imarie. Kibit-balikat si daldalita. “Jarred, naman, maawa ka sa kotse ko. Luma na ito, baka itirik tayo sa putikan,” naiiyak kong wika. Sobrang mahal ko ang kotse na iyon dahil bigay ito sa akin ni lolo Arturo at kahit ilang kotse pa na latest ay hindi ko ipagpapalit doon. Sobrang tagal na namin. Baka nga mas mahal ko pa ang kotse na ito kaysa sa kapatid niyang layas! Joke lang! “Ano ba, Azzer? Kanina pa tayo rito. Lalakas na lang ang ulan ay hindi pa tayo nakakaalis dito!” aniya. Si Seb ay todo busina sa likod. Kainis din ito. s*x muna kayo diyan ni Trixie, dahil hinding-hindi ko susundin ang kaibigan kong malupit! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari—sana’y kotse na lang niya ang ipinilit kong gamitin bago umalis. Kaya lang ay may magagawa pa ba ako, eh, utos ng hari? Pikit-mata ko na lang na idineretso ang sasakyan. Lihim na lang akong nagdasal na sana 'wag lumubog sa putikan ang kotse ko— “Aray!” daing ni Imaire. Tumagilid kasi ang kotse ko. Sinasabi ko na nga ba. Lumubog na ang panghuling gulong ng kotse. “Jarred Dave, iyan na nga ba ang sinasabi ko!” naluluha kong sumbat sa kaibigan. First time ko siyang natawag sa buong pangalan. “Mali ka kasi ng padaan, tskk!” Hindi makapaniwalang napatingin ako sa lalaki. Really? Ako pa ang mali? Saan ko pala idadaan? Ibabangga ko sa puno? Bad trip talaga. Napa-iling ako nang buksan ko ang pinto ng kotse sa tapat at bumungad sa akin ang kulay kapeng putik. Si Jarred ay nakita kong inalis ang sapatos at nakayapak na bumaba. Buti pa ang lintik! Naka-short. Bakit kasi ako nag-pantalon? Kainis naman! Napalingon ako kay Imarie. Isa pa itong wala sa hulog ang suot. Bakit naka-boots pa ito? Para siyang si Ellaina. Ah, hindi. lahat silang tatlo isama na si Trixie, magkakagaya ng trip. Alam naman na bundok ang pupuntahan nag-boots pa ng mataas? Tsskk, mga babaeng ang hirap sakyan ng trip. “Diyan ka lang, Imarie, at magkakaputik ka,” sabi ko sa babae. Itinupi ko ang laylayan ng pantalon at nag-alis din ng sapatos. Nadiri ako nang lumapat sa putikan ang paa. Si Jarred ay parang walang kasama na pagkakuha ng bag niya ay nagsimula nang maglakad. “Ikaw na bahala kay Imarie,” bilin pa nito. Madulas ka sana! Tingnan ko lang kung hindi ka tawanan ng kapatid ko. Dasal ko ng lihim. Nang lingunin ko sina Seb ay nasa likod na niya ang malaking bag at akay na si Trixie. “Ayokong magkadumi ang paa ko, kaka-pedicure ko lang, Seb!” maarteng reklamo ng nobya nito. Napangiwi ako sa babae. Ang ikli ng palda nito. Para talagang mga sira ang magkakaibigan. “Mabigat ang dala ko kaya maglakad ka, sinabi ko na sa’yo kanina na konti lang ang dalhin mo,” supladong sagot dito ni Seb. Sukat sa sinabi ay tumigil sa paglalakad si Trixie at parang estatwa sa dulo ng kalsada. Sinumpong na rin ito. Napa-iling ako nang balikan ito ni Seb. Oh, ‘di kayo na ang sweet. Kung narito lang ang asawa kong si Danica—kahit ilang bag pa ang dala ko ay kakandungin ko pa rin ito. Kaya lang wala siya. “Imarie, pumasan ka na lang sa likod ko para 'di ka magkaputik. Nakakahiya naman sa boots mo!” pasaring ko sa Bff ni Ellaina. “Naku, buti naman, salamat, Azzer, ha?” ngiti ng babae. Kinuha niya ang bag at saka pumasan sa akin. Nauna nang konti sa amin sina Seb na karga si Trixie. Habang daan ay nagbubunganga ang dalaga. Nagtatalo pa rin ang mga ito. Sobrang putik pa naman. Buti natyatyaga ni Seb ang bunganga ng fiancee niya. “Do'n ka umapak, madudulas ka d’yan!” utos ng babae kay Seb. Nadaig pa ang may sasakyan kung makautos. Grabe rin! Buti pa si Imarie kahit madaldal ay hindi malikot—wait lang!—nasaan na pala iyon? Nasa likod ko lang siya, ‘di ba? “Azzer! Gago ka talaga!” Napanganga ako nang makita si Imarie na naka-patse ang puwitan sa putik. s**t! Paano ito nalaglag sa likod ko? Puro putik na ang damit at bag nito. Mabilis ko siyang binalikan sa pag-aalala. Kaya lang, napadulas ako at wala na akong nagawa nang dire-diretsong natumba pahiga sa maputik na daan. What a life La Vista? Ellaina Natuwa ako nang makita si Jarred na dumating. iyun nga lang, maputik ito hanggang tuhod at puro talsik ng dumi sa likod. Nag-blessed ito sa magulang ko bago dumiretso sa tabi ng bahay para maglinis ng katawan. Ipinaghanda ko siya ng towel at ikinuha ng damit. Manaka-naka ang ambon pero napakadilim ng langit. Tiyak na uulan na naman mamayang gabi. Nang sila Seb at Trixie ang sunod na dumating ay muntik na kaming matawa nang makita ang putikang katawan ni Seb. At kahit kalong niya si Trixie ay maputik din ito. “Ellaina, nadulas kami. Look at my clothes? It’s eewww!” diring-diri na sabi ni Trixie. Tumawa lang ako sa narinig. Si Mommy na ang kumuha ng towel sa taas. Ini-abot sa dalawa. “Trixie, ngayon ka lang ba nakakita ng putik?” tanong ni Chad sa babae. “Oo, wala nito sa L.A.” “Oh, dalian mo na! Maglinis ka na sa likod,” wika ni Seb sa nobya. “Naroon pa yata si Jarred. Sa poso na lang kayo maglinis,” ani Tatay. Sumunod naman ang dalawa. Tawa nang tawa sina Raiko at Chad nang mawala ang dalawa. “Grabe, mas malala sa atin. At least ako nabuhat ko nang ayos si Ellaina. Hindi kami nadapa,” mayabang pang saad ni Raiko. Sabagay, oo nga naman. Naturingang pinakamababa sa kanila, siya pang magaling sa putikan. “Baka dati kang kalabaw, Raiko,” reaksyon ko na ikinatawa nina Mommy at Tatay lalo na ni Chad. Pero ang tawa namin ay wala na yatang mapaglagyan nang magkasabay na bumungad mula sa kasukalan ang kapatid kong si Azzerdon hawak si Imarie. Napanganga muna kami bago sabay-sabay na tumawa nang makita ang hitsura ng dalawa. Mata na lang ang walang putik sa katawan nila at ang sapatos ni Imarie ay napinturahan na ng pusali. Pati buhok nito ay ganon din. “Iyan ang literal na kalabaw!” humahalakhak na ani Raiko. “Tsskk, ang hirap pa namang maglaba,” iling ni tatay. GABI na nang matapos sila sa paglilinis ng katawan. Masaya akong nakakandong kay Jarred na nakaupo sa inu-upuan ko kanina sa sala. Mga nilalamig tuloy sila dahil sa pagligo ng wala sa oras. Problemado pa sina Trixie at Imarie dahil walang hair blower na dala. Tulong-tulo pa ang mga buhok nila. “Ellaina, alisin mo na ‘yang bawang, ang sakit na sa ilong!” reklamo ni Jarred. “Ha? Eh, minumulto kasi kami kanina. Nagpatawag pa nga kami ng albularyo, pero okay naman na. Hindi raw ako ang target,” kwento ko rito. Kinunutan lang ako ng noo ni Jarred na tila hindi naniniwala sa sinabi ko. “Naniniwala ka pa sa mga gano’n? Alisin mo na iyan at narito na ako. Kung sino man 'yang multong iyan ay yari siya sa'kin,” sabi ng asawa ko. Kinilig ako kaya mabilis akong pumasok sa loob para ibalik ang bawang kay Mommy. Nakita ko pa ang mga kaibigan na balot na balot ng kumot habang nagkakape. Si Trixie ay kunwari pang nilalamig kaya nakayakap kay Seb. Tskk, malandi rin talaga ito. Kaya nang lumampas ako ay pasimple kong hinila ang buhok niya. Kiriray . . .Nginisian lang ako ng babae. “Oh, Ellaina, bakit mo inalis iyan?” tanong ni Mommy nang makita ang bawang. Ini-abot ko iyon sa ina. “Nandito na raw po si Jarred, ‘My, kaya hindi na raw iyan kailangan. Siya na raw ang bahala sa mga multo,” namimilipit sa kilig na paliwanag ko sa ina. Kinurot naman ako ni mommy sa tagiliran. “Landi ng bunso ko!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD