CHAPTER - 4

3640 Words
ELLAINA Bumugso ang ulan ng gabing iyon at ang lamig ng hangin ay dumoble pa sa La Vista. Nasa sala kami at nagkakatuwaan silang maglaro ng baraha. 'Yung balak nilang pamumundok ay baka hindi na matuloy bukas kung patuloy na lalakas ang ulan. Pares-pares lang naman ang laro nila at walang perang involved kun'di pahiran lang ng lipstick. Nakakairita nga dahil lipstick ko pa ang napili nilang gamitin. Mga nakaupo sila sa sahig at ako naman ay sa bangkong mahaba sa tapat ng asawang si Jarred na nakalugmok din sa lapag tulad ng iba. Pinipigilan ko ang ngiti ng mga sandaling iyon dahil sobrang seryoso ng mukha ng hubby ko habang pumipinta sa baraha niya. Kung maglaro naman ito ay parang buhay niya ang nakataya kapag natalo. Sa lahat kasi ay sila na lang ni Seb ang walang pahid ng lipstick. Si Raiko ay may dalawa na, sa noo at pisngi. Si Imarie ay sa bigote niya, si Trixie naman ay tatlo na, sa pisngi lahat. Si Chad ay tatlo rin. Sa baba, sa ilong, at sa pisngi. Pero ang malala ay si Azzer dahil laging natatalo. Lima na ang pahid nito. May pabilog sa magkabilang paligid ng mata, sa bigote, at sa magkabilang pisngi. Napapalatak pa ang kapatid ko nang matalo na naman ni Imarie. Pahid na naman siya sa baba. "Azzer bakit ang malas mo sa sugal, anak?" tanong tuloy ni Mommy na nanonood din sa likod ni Azzer. May supporter din naman ang kengkoy. "Nanay, baka may balat ka sa pwet kaya lagi akong talo," sagot nito na ikinatawa namin. Natampal tuloy siya ni Mommy sa balikat. Sumasabay ang tawanan namin sa lakas ng kulog at kidlat saka ulan. Bunganga ni Imarie ay parang armalite, galak na galak ito tuwing mananalo. Buti't nalilibang ito kahit papaano. Kung hindi ko lang alam na buhay si Joven ay baka naireto ko na ito kay Raiko. Tutal ay close naman sila at pareho silang mabait. Kaya lang, baka ako mapatay ni bayaw kapag ginawa ko iyon. "Samantha, tulungan mo muna ako rito!" tawag ni Tatay Agustin na siyang abala sa pagluluto ng midnight snack namin. Nagluluto kasi siya ng cassava chips. Marami kasing nakuha kaninang kamoteng kahoy na galing sa taniman. Mas pinili ng mga magulang ang mamuhay ng payak sa La Vista. Basta raw magkasama sila. Oh, 'di ba? may pa-ganoon din sila kahit matanda na. Kinakabahan nga lang ako at baka masundan pa ako ni Mommy. Bata pa siya at pwede pang magbuntis. Ano na lang ang sasabihin ng anak ko kung mas matanda siya sa magiging tito niya? "Jarred, talo ka!" sabi ni Seb. Napatawa ako dahil si Azzer ang nangungunang nagpahid ng lipstick sa asawa ko. Tumingkayad pa ito dahil nasa kabila siya. Napahaba tuloy ang pagpahid niya sa ilong ni Jarred. "Ako dapat ang maglagay, 'di ba? Ako ang nakatalo?" reklamo ni kunwari ni Seb. "Mamaya ka na lang ulit," sabi ng kapatid ko. Porket madalang siyang makapagpahid. Hindi na kumibo si Seb at muling nagbalasa ng baraha. TRIXIE Habang naglalaro ay nakaramdam ako ng pagka-wiwi. Tiniis ko iyon nang konting oras dahil napapasarap pa ako sa laro namin. Hanggang sa sumakit na ang puson ko sa pagpipigil niyon. "S-Seb, naiihi ako," pabulong kong wika sa binatang katabi. Inilayo pa nito sa akin ang baraha niya. Akala naman ay naninilip ako. "Ha? Umihi ka na do'n, alam mo na ang banyo, 'di ba?" aniya. Nahihiya akong sabihin na takot ako sa dilim. Sa labas kasi ang banyo ng bahay na iyon. Nasa tagilirang bahagi at kailangan pang lumabas. Kahit may bubong naman ang daan sa tabi ng bahay, kaya lang ay hindi ako sanay sa ganoong lugar na masyadong napapalibutan ng dilim at kinikilabutan ako. Kaya sinundot ko sa tagiliran ang binata. "S-Seb, samahan mo na ako. Madilim do'n, eh," pangungulit ko, napapatingin tuloy sa akin si Jarred na katabi niya. Naririnig yata ako. Kainis kasi ang Seb na ito. "Buhay ang ilaw sa labas kaya paanong madilim?" Nai-rolled ko na lang ang mga mata dahil sa inis sa lalaki. Hindi naman pwedeng kay Ellaina ako magpasama at baka madapa pa ang buntis sa putikan. Si Imarie naman ay nakakatamad din. Mahilig itong manakot kaya lalong ayokong magpasama sa kanya. Binalingan ko na lang si Chad na katabi ko naman. Tila nalugi ang mukha nito. Tiyak na talo ang baraha niya. Sabi ko na, eh. Talo ang lalaki. "Chad, samahan mo naman ako sa labas, punta lang ako CR," sabi ko rito matapos siyang pahiran ng lipstick. "Ha? Bakit ako? Ayan si Seb, ah?" "Ayaw niya, eh," nakasimangot kong sagot. Nag-isip muna ito bago nakangising tumango. "Sige. Una ako sa labas, sumunod ka na lang," aniya pagkuwan. Hay, salamat. Tumayo nga si Chad at nang makita kong lumabas na siya ay tumayo na rin ako para sumunod dito. "Ihi lang ako guys," paalam ko sa mga kaharap. I saw Seb na bahagyang kumunot ang noo. Tse! Matapos niya akong deadmahin? Buti mabait si Chad. Nakita ko ang lalaki na nagsisindi ng yosi paglabas ko. Medyo humina na ang ulan pero kumikidlat pa rin. "Takot ka ba sa dilim?" he asked habang inaalalayan akong maglakad sa gilid ng bahay. "Hmm, hindi masyado," sagot ko. "Ay! Mumo!" Bigla na lang nitong pananakot na muntik ko ng ikatili. "Holly s**t," wika ko nang makabawi sa gulat. Nagtaasan yata lahat ng balahibo ko at napaihi ako ng bahagya sa panty. Tawang-tawa pa ang bwisit na lalaki. Dapat yata ay kay Raiko na lang ako nagpasama. Hindi pwede kay Azzer at baka maakit ako. Crush ko iyon, eh. "Hoy, 'wag kang kayakap. Baka mapatay ako ni Seb," aniya. Hindi ko alam na napayakap pala ako sa lalaki. Agad akong bumitaw saka siya mahinang sinapak. "Gago ka pala, eh. Bakit mo ako tinakot?" "Joke lang 'yun, Trixie. Ayan na, umihi ka na dalian mo." Nagka-problema ako dahil napawiwi ako sa panty. Bahala na! Mamaya na lang ako babalik para magpalit. Umihi ako at nag-alis ng panty. Kadiri kung isusuot ko pa. Buti na lang naka-skirt ako. Ipapakuha ko na lang ang bag ko kay Chad. Kaya lumabas ako after I refreshed myself. Pero hindi na si Chad ang naroon kung hindi si Sebastian na madilim ang mukha. Nawala na si Chad sa paligid. "Seb—" Hinaklit niya ako sa braso kaya nabitiwan ko ang hawak na underwear dahil sa pagkabigla. "Nilalandi mo ba pati si Chad?" Nakalimutan ko ang panty na nasa putikan ng marinig ang ibinibintang ng lalaki. Nainis ako bigla. "Ano ba'ng sinasabi mo? Nagpasama lang ako do'n sa tao dahil ayaw mong tumayo kanina," katwiran ko habang nakataas ang kilay. Pero mas mataas ang kilay nito. "Siguraduhin mo lang, Trixie. Kapag nalaman ko na lumalandi ka sa ibang lalaki, yari ka sa'kin! Wala kang kadala-dala!" banta pa nito. Napaismid ako sa binata. Napaka-bintangero! Kahit sinong lalaki ang lumapit sa akin, lagi niyang iniisip na nilalandi ko. Minsan, gusto ko nang magdamdam sa kanya. We tried to give our relationship a chance. We do kissing, hugging each other, at para sa akin ay normal boyfriend ko na talaga siya na balang araw ay pakakasalan ko. Kaya lang, kahit ano'ng gawin ko, hindi ko mabago ang pagkakakilala ni Seb sa akin. For him, I am flirt, liberated, and maybe a w***e. And I hate that. But since I'm free to judge. I just don't give a damn. "Bahala ka nga d'yan kung ayaw mong maniwala. Nalawayan mo na nga ang boobs ko, ganyan ka pa rin mag-isip—" kukunin ko sana ang nahulog na panty pero hinapit ako ni Seb sa baywang at isinandal sa pader ng bahay bago ako hinalikan sa labi. Napatingin na lang ako sa underwear ko. Mamaya ko na nga lang dadamputin. Ang addict ng isang ito sa halik, eh. 'Di ko ma-gets ang ugali. Galit lagi pero kung makahalik naman ay parang gutom na gutom. Sabagay, ang ganda ko kasi. I kiss him back at ipinatong ang braso sa kanyang batok saka siya hinila pang lalo palapit sa akin. Habang inaangkin niya ang labi ko ay dumako ang palad niya sa isa kong dibdib at dumama roon. Mariin akong napapikit. Pagkuway bumaba ang palad niya sa aking hita. Ini-angat niya ang isa at itinaas papulupot sa baywang niya hanggang naglapat ang ibabang katawan namin. Nabigla lang ako nang dumako ang palad ng binata sa loob ng skirt ko at pareho pa kaming tila napaso nang maramdaman ang daliri niya sa hubad kong p********e. "s**t! Bakit wala kang suot na panty, ha?!" Lalong nagdilim ang mukha ng binata. Natakot tuloy ako sa kanya. "Napa-ihi kasi ako sa panty kaya hinubad ko. Ayun, oh, nahulog," inosente kong turo sa putikan na kinahulugan ng underwear. "Liar! Talagang may balak kang akitin si Chad, iyon ang sabihin mo!" galit nitong bintang saka marahas na hinila ang buhok ko sa likod. "Aray—Seb, hindi ako nagsisinungaling," saad ko na napaluha sa takot. "I told you, Trixie, 'wag mo akong ipapahiya sa mga kaibigan ko! Makikita mo kung paano ako magalit!" asik niya. Napaiyak ako sa sinabi ng binata. Nagagalit ako dahil sa mga pagbabanta nito. Masaya na sana sa La Vista, kaya lang ang lupit sa akin ni Seb. Tahimik kong pinulot ang underwear ko at pinilit iyong isiksik sa bulsa ng skirt. Hindi ko inaasahan na kakabigin akong payakap ni Seb at dinala sa kanyang matigas na dibdib. "I-i'm sorry, Trixie. I didn't mean that," mahinang sabi niya. Lalo tuloy akong napaluha. Ilang beses na niyang sinabi iyon? Lalaitin muna ako bago magso-sorry. Tapos ako namang si tanga—papatawarin lang ulit siya. "Seb, I'm maybe a flirt but I'm not a b***h. Hindi ako nang-aakit ng kaibigan ng magiging asawa ko," umiiyak kong saad. Humigpit ang yakap niya sa akin saka marahang hinaplos ang buhok ko. ELLAINA Kumakain na kami ng cassava chips nang bumalik sa loob ng bahay sina Seb at Trixie. Ang talas ng mata ko sa dalawa. Feeling ko, laging may ginagawang kalandian ang dalawang ito. Umakyat ang kaibigan alalay ni Seb. Pagbaba nito ay naka-short na ang babae. Hmmp! May something talaga silang ginawa. Nawala lang ang atensyon ko sa dalawa nang subuan ako ng snack ni Jarred. Nakatatlong talo din ito kaya puro lipstick ang mukha. Pero mas malala ang iba lalo na si Azzer. Hirap pa namang burahin ng lipstick ko. "Azzer, ikaw na ang maghugas niyang pinagkainan ninyo at aakyat na kami sa taas," habilin ni Tatay rito. Inaantok na siguro. "Kung hindi kayo kasya sa kabilang kwarto ay sa amin na lang matulog ang iba," sabi naman ni Mommy. Dalawa lang kasi ang silid doon. Isang maliit at isang medyo malaki. "Naku, kasya iyan, Nay. Sanay sa siksikan ang mga iyan. Isa pa, malamig ngayon kaya hindi maiinitan ang mga iyan," tugon ni Azzer. "O, sige, una na kaming matulog sa inyo. Pakipatay ng ilaw," bilin pa ng ina. Napahikab ako dahil inaantok na rin ako. "Hubby, una na tayong mahiga. Kanina pa ako inaantok, eh, toothbrush lang ako," sabi ko sa asawa. Tumango ito saka tumayo para alalayan ako. Sina Raiko ay lumalapang pa. Sarap na sarap ang mga ito sa luto ni tatay. Pagkatapos magsipilyo ay nagpalit na ako ng pajama. Si Jarred ay naghilamos na rin kaya lang ay hindi pa masaid ang pulang lipstick sa mukha niya. Para tuloy siyang binugbog sa sobrang pula ng mukha. Napabungisngis tuloy ako. "What?" lingon niya sa akin habang nagpupunas ng towel sa mukha. "Para ka kasing mansanas, ang pula ng mukha mo." Naiiling lang siya. Nang matapos ay lumapit siya sa akin at niyakap ako. Nasa tabi na ang kama na hihigaan namin. Doon sa lapag matutulog ang mga kasama. Nakagayak na ang banig na hihigaan ng mga ito. "Hindi pa kita nahahalikan kanina," bulong ni Jarred sa tapat ng tenga ko. Kinilig tuloy ako. "Na-kiss mo na ako kanina pagdating ah?" kunwari ay labi ko rito. "Iba 'yun, smacked lang 'yun," aniya na ikinangiti ko. "Ilang kiss ba ang gusto mo?" tanong ko pa kunwari habang nakayakap ako sa bewang niya at nakatingala sa gwapo niyang mukha. "Ummm . . .marami," sagot nito pagkatapos ng tila pag-iisip. Lalong lumawak ang aking ngiti. Kaya hinila ko na ang batok ni Jarred para mahalikan. Good mood ako ngayon. Ilang araw kasi akong sinusumpong dahil marahil sa pagbubuntis ko o talagang maarte lang ako. Inaaway ko kasi lagi si Jarred kahit walang dahilan. Pero ngayon ay parang ang gaan ng pakiramdam ko. Humihingal kami nang maghiwalay ang mga labi namin. "Matulog na tayo Ellaina, bawal sayo ang magpuyat," pagdakay anito na tila lalong namula ang mukha. Dahil talaga namang antok na ako ay nahiga na ako sa tabi ng single bed. Sana lang ay magkasya kami ni Jarred para hindi na ito sisiksik sa lapag. Pagkalapat ng ulo ko sa unan ay nakatulog na agad ako habang hinahaplos ni Jarred ang buhok ko. AZZERDON Kakatapos ko lang maghugas ng pinggan kaya naisipan ko munang magpuno ng tubig sa banyo sa labas ng bahay para may gamitin ang mga babae bukas. Tutal ay mahina na naman ang ulan. Sina Raiko at Chad ay nakita kong may pinag-uusapan na kung anong kalokohan dahil nakabungisngis ang mga ito. Si Seb naman ay katabi ni Trixie sa sofa na tila mga love birds na nagbubulungan. Napailing ako sa dalawa. Sayang-saya ang mga hangal na nilalang. Habang ako ay busy sa paglilinis ng mga kalat nila. Mga feeling bakasyunista. Nagpuno ako ng tubig sa timba sa poso namin doon. Dalawa agad para mabilis. Agad kong dinala sa banyo pero ganoon na lang ang pagkagulat ko nang bumungad sa pinto niyon ang isang white lady. "Ahhhhhhhh!" tili ko. "Azzerdon—hoy!" Natigilan ako nang mamukhaan si Imarie. Sh*t! Muntik na akong atakihin sa puso. Naroon pala si daldalita. Ang haba naman kasi ng buhok nito na nakalugay at bakit puting-puti ang sleep wear nito? "Imarie, para kang white lady d'yan, puti ng suot mo!" sabi ko. Hindi pa nagbuhay ng ilaw sa banyo kaya inakala ko talaga na multo ito. "Naniniwala ka sa mga ganoon? Ang laki mong duwag! Ikaw nga mukhang zombie, natakot ba ako?" "Hindi ako duwag. Zombie ka d'yan? nakakagulat ka lang talaga. Isa pa, bakit 'di ka nagbubuhay ng ilaw?" tanong ko pa. "Hindi ko kasi makita ang switch." Dyaskeng bata ito. Buti matapang si Imarie, nakakapagisa sa dilim samantalang si Trixie ay matatakutin. "Tapos ka na ba? Isasalin ko itong tubig sa loob." "Oo, tapos na," ang sabi saka lumabas bitbit ang towel. Kaya lang, hindi pa ako nakakapasok sa banyo ay tumili na ang dalaga at hinila ako sa damit. "Ano 'yon?" taka kong tanong. Bigla na lang itong pumasan sa likod ko at takot na takot na isiniksik ang mukha ro'n. "Azzer, may babaeng duguan!" aniya na nanginginig sa takot. "Ano? Para kang sira. Kakasabi mo lang na 'di ka naniniwala—" "Kasi ngayon lang ako nakakita! Tumingin ka sa may balon, may nakatayong babae, puro dugo ang mukha," wika nito. Nang tingnan ko naman ang sinasabi niya ay wala. Inilapag ko tuloy ang dalang balde. Ang sakit ng kuko ni Imarie sa leeg ko. Hirap na rin akong huminga dahil sa higpit ng pagkakasakal niya sa akin. "Wala naman." "Mayroon." Lumakad ako palapit doon habang nakapasan pa rin siya sa likod. "Nasaan ba dito? Eh, wala naman?Matagal na ang balon na ito. Bata pa lang ako ay nandito na siya. Imposibleng may multo—" Natigilan ako sa pagsasalita nang may marinig na umiiyak. Bigla akong kinabahan. "A-Azzer, pasok na tayo," takot pa ring saad ni Imarie. Talagang hindi ini-aangat ang mukha mula sa likod ko. "I-ikaw ba ang umiiyak, Imarie?" tanong ko kahit alam kong hindi iyon boses ni Imarie. "Hindi." Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko at pagtaas ng lahat ng balahibo ko sa katawan nang marinig ang palakas na palakas na hikbi ng isang babae na nagmumula sa may balon. "Azzerdon, help!" wika ng tinig na pareho naming narinig ni Imarie kaya sabay kaming tumili at nagtatakbo ako paloob ng bahay. Sa pagmamadali ko tuloy ay nadulas ako sa putikan at kasama na naman si Imarie sa na nadapa. Napamura ako nang marinig ang malakas na tawanan nina Chad, Raiko, Seb, at Trixie. Isa-isa silang lumabas sa pinagtataguan sa likod ng balon. Nakakabwisit! Tinakot lang pala kami. "Ikaw 'yun duguan kanina?" tanong ni Imarie kay Trixie. "Nope, baka napagkamalan mo lang dugo 'yung lipstick sa mukha namin," nakangising sagot ni Trixie. May pagka-maldita talaga ang fiancee ni Seb. Napailing ako. Naglinis tuloy kami ng katawan ni Imarie dahil sa putikang mga katawan. Sa tabi ng poso na lang ako habang siya ay sa loob ng banyo. Sobrang lamig pa naman ng tubig. Nang umakyat kami sa silid ay nakapaglatag na sina Seb. Si Jarred ay mukhang tulog na rin katabi si Ellaina. Nakakaawa naman ang bayaw ko. Ulo na lang yata ang nasa higaan at papatak na sa lapag. Kaya tinapik ko siya at pinalipat sa ibaba. Baka ako pa ang mapatakan niya mamaya. Sumunod naman si Jarred at natulog ulit. Kakainggit naman ito. Sarap agad ng tulog. "Hindi yata tayo kasya, ah," komento ni Seb habang inaayos ang sapin sa banig. "Magpatong na lang kayo ni Trixie para kasya," sabi kong nakangisi. Binato tuloy niya ako ng unan. Sa huli ay nagpasya si Chad na sa paahan na lang mahiga. Tumabi ako kay Jarred. Kasunod ko si Imarie then Raiko at nasa may pinto naman sina Seb at Trixie. Nang maayos na ang lahat ay pinatay na namin ang ilaw. Kumikidlat na naman sa labas. Kurtina lang ang harang sa bintana dahil hindi na iyon pinaayos ni tatay para daw presko kapag tag-init. Ayun, lalong malamig dahil sa hanging pumapasok mula sa labas. Nang madilim na ay inaantok na akong pumikit kaya lang katabi ko ang dalawang madaldal. Sina Imarie at Raiko. "Imarie, 'wag kang yayakap sa akin kapag nilamig ka, ha? Baka matusok ako ng buto mo ay ikamatay ko pa," saad ni Raiko. Napatawa tuloy ako maging si Chad. Sina Seb at Trixie ay may sariling mundo sa tabi ng pintuan. Buti pa ang kapatid ko. Balot na balot ng kumot na makapal. Tatlo pa ang unan. Habang ang asawa at kapatid niya ay magkasalo sa iisang unan. Awkward naman kung kay Imarie ako sasalo. "Raiko, ang feeling mo. Bakit ako yayakap sa'yo? Eh, 'di kay Azzer na lang at mas macho sa'yo," sagot ni Imarie dito. "Hoy, Imarie, may pagnanasa ka ba sa akin? Alam mong magkapatid ang mga asawa natin, ah? Pigilan mo 'yang nararamdaman—aray!" P*tcha! Ang haba ng kuko ni daldalita. Kinurot ako sa tagiliran. Nagbibiro lang naman ako. "Azzer, ang paa mo naman, nasa bayag ko na!" reklamo naman ni Chad sa dilim. Napahalakhak kami sa sinabi nito. "Bayag ba 'yon? Bakit ang laki?" nakakaloko kong tanong. "Gano'n talaga, malaki ang dala, eh." Sinipa ko tuloy ang bwisit na lalaki. Kabastusan nito! Alam naman na may kasama kaming babae. Pero mas malakas pa ang tawa ni Imarie kaysa sa amin. "My virgin ear—when I was seventeen!" sabi ni Imarie na lalo naming ikinatawa nang malakas. Pati sina Seb at Trixie ay napatawa rin sa kalokohan ni Imarie. Natigil lang kami ng magsungit si Jarred na naalimpungatan sa ingay namin. "Hindi pa ba kayo tapos sa daldalan n'yo? Do'n muna kayo sa labas. Tulog na ang reyna ko. Alam n'yong buntis siya!" anito. "Sorry po!" sabay-sabay pa naming wika habang pigil ang pagbungisngis. Inis na hinila ni Jarred ang unan kaya napa-untog ang ulo ko sa sahig sabay itinakip niya iyon sa tenga niya at nahampas naman ako sa mukha. Sh*t! double kill ang p*tcha. "Aruy!" daing ko. Ako ang may ari ng bahay pero ako ang walang unan at wala ring kumot. Napilitan kaming manahimik at pumikit. Nakakaidlip na sana kami nang bigla ay makarinig kami ng hikbi ng babae. Na naman? Mga sutil talaga. "Chad, yari ka kay Jarred. Tumahimik ka na diyan at tulog na si Ellaina!" saway ko habang nakaunan sa braso. "Hindi ako "yon," sagot ng lalaki. "Trixie, stop that," sabi naman ni Seb. "Mas lalong 'di ako." "Imarie?" kinakabahan kong untag sa katabing babae. Parang iyon ang narinig naming iyak kanina sa may balon. "Tulog na ako," sagot nito. Ah, tulog na pala kaya nakakadaldal pa. At sa pagkabigla ng lahat ay lumakas pa ang mga hikbi na ikinatakot namin. Ipinikit ko ang mga mata at iniwasang tumingin sa bintanang bukas. Hindi ko alam na doon na pala sila nakatinging lahat at nabigla pa ako nang sabay-sabay silang tumili. Kaya napamulat ako ng mga mata. Then, in the open window. There's a bloody face of a girl na nakalutang. "Wuahhhhhhhhhh" pinakamalakas kong sigaw sabay yakap kay Jarred na nagising. Nagkagulo na kami. Naramdaman kong may sumipa sa likod ko. May humila ng buhok ko at napunit ng suot kong sando. ELLAINA Nagising ako sa ingay ng mga tili nila. Nagtaka pa ako dahil sa dilim. Patuloy silang tumili nang tumili kaya napabangon ako sa kinahihigaan. Biglang bumukas ang ilaw at kumalat ang liwanag sa paligid. Si tatay Agustin pala ang pumasok. "Anong kaguluhan ito?" pupungas-pungas niyang tanong. Nanlaki ang mga mata ko sa ayos ng mga kaibigan sa tabi ng katre na kinaroroonan ko. Sina Imarie at Raiko ay magkayakap na nakasiksik sa lahat. Si Trixie ay nakasaklang kay Seb na nakatago sa leeg niya ang mukha. Si Azzer ay punit ang damit na nakayakap sa asawa kong inis na inis ang mukha habang nakapatong sa gitna nila si Chad na parang ninja turtle. "Multo!" nanginginig na saad ni Trixie. "Saan?" tanong ko. Itinuro nila ang bintana pero wala naman kaming nakita roon. Napailing na lang ako. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD