CHAPTER - 5

2127 Words
ELLAINA Kinabukasan. Gusto kong matawa sa hitsura ng mga kaibigan lalo na ng kapatid ko. Ang itim ng gilid ng mga mata nila. Mga walang tulog dahil sa takot sa multo. Buti pa kami ng hubby ko, hindi apektado. Basta kasama ko si Jarred ay hindi ako matatakot sa multong iyon. "S-Seb, uwi na tayo. Hindi ko na kayang magpalipas pa ulit ng gabi rito!" bakas ng takot ang tinig na sabi ni Trixie. At least, si Imarie ay medyo nahimasmasan na. Kaya lang ay lagi ito sa tabi ni Raiko o 'di kaya'y ni Azzerdon. "Bukas na tayo umuwi. Kadarating lang natin, eh," sagot ni Seb. "Baka naman magkasakit na ako sa puso kapag nagpakita na naman mamayang gabi 'yung multo." "'Wag na kayong mag-alala, nilagyan ko na ng bawang ang buong paligid. Humingi na rin ako ng holly water sa kapilya at ikinalat sa buong bahay," wika ni tatay Agustin. Kung hindi siguro nakita ng lahat ang sinasabi nilang multo ay baka hindi maniwala si Tatay. Pero iba si Jarred. Kahit anong kumbinsi nina Azzer ay hindi ito maniwala. Bad trip pa kagabi dahil kina Chad. Naantala lang naman ang tulog ng hubby ko. Ako nga, sinabunutan ng multo, eh. Mabuti na lang at hindi ko siya nakita. Baka mapaanak pa ako nang wala sa oras kung nagkataon. Nang mag-alas-dies ng umaga ay gumanda na ang panahon. Nagkayayaan ng mamundok ang mga ito. Syempre, hindi ako kasama dahil kay baby. Nainggit tuloy ako. Sabi kasi ni Azzer mangingisda rin daw sila sa ilog doon. Ayun at naiwan ako sa bahay. Sumama si Jarred kaya lalo akong nainip. Nanood na lang ako kay Mommy ng pagluluto niya ng tanghalian. "Ellaina, mabilis lang namang magluto, eh. Basta tatandaan mo lang ang mga step," saad sa akin ni Mommy. Humanga tuloy ako sa kanya. Laki siyang mayaman pero ang bilis niyang matuto ng gawaing bahay. "Una, maglagay ka ng mantika," turo pa saka ginawa ang sinabi. "Tapos isunod mo ang bawang at sibuyas. Then, itong manok," pagyayabang pa nito habang naghahalo. Napangiti tuloy ako. "Ang galing mo, 'My. Bakit hindi nausok?" takang tanong ko. Pati tuloy ang ina ay kumunot na rin ang noo. "Ay nakalimutan ko ang apoy. Teka nga, tatawagin ko ang tatay mo—Agustin!" Napamaang na lang ako sa ina. Hanga na sana ako, eh. Pero feeling ko, mas malala pa siya sa akin. Pumasok naman sa loob ng bahay ang ama na galing sa pagsisibak ng kahoy sa labas. "Samantha ano na namang kapalpakan 'to? Alam mong nagdidikit muna ng apoy, 'di ba? Bago magluto?" sita nito kay Mommy na nahiya bigla sa akin. Yabang kasi ni Mommy. "Dikitin mo na at tinuturuan ko si ellaina," nakalabing saad pa ng ina. "Ano? Tuturuan mo pa ng kapalpakan ang anak mo? Lalo lang niyang pasasakitin ang ulo ni Jarred." "Tay, naman," nakalabi ko na ring wika habang nagkakamot sa ulo. "Ellaina, maganda sa babae ang marunong man lang sa pagluluto. Tingnan mo ang kuya mo, hindi makalimutan si Señorita Danica dahil sa sarap no'ng magluto. Kaya kahit may pera kayo, mas magandang marunong ka. 'Yun nga lang, 'wag ka sa Mommy mo magpapaturo." Sabay pa kaming napasimangot ng ina. Si Danica talaga, kahit kailan epal. Wala na nga dito bumibida pa. Pakukuluin pa ang dugo ko. "Tay, marunong naman akong magluto ah," pagtatanggol ko sa sarili. "Ng hilaw? Hotdog na nga lang, frozen pa. Paano ka ba magluto?" tanong pa ni Tatay habang dinidikit ang apoy. "Lagay mantika saka hotdog!" confident kong sagot. Napailing ang ama. Si mommy ay tameme lang. Baka raw kasi mapunta sa kanya ang sermon ni Tatay. "'Pag frozen ang lulutuin mo, ibabad mo muna sa tubig bago mo iprito," ani tatay. "Wait, 'Tay—" sabi ko saka kinuha ang Cp at nag-type. "Ano naman 'yan?" "Isusulat ko ang turo mo para ma-memorize ko." "What?" JARRED Napapailing na lang kami sa kayabangan ni Azzerdon. Porket sanay siya sa lugar na iyon ay kung ano-ano ang kwento. Sana lang totoo! May dala itong itak na ipinanghahawi sa makakapal na d**o na dinaraanan namin. Kasunod niya sina Raiko at Chad. Then, kami ni Imarie at sa likod ang mag-lover na Seb at Trixie. Lahat kami ay may dala. Ako ay pamiwas ng isda ang bitbit, si Raiko ay basket ng pagkain namin mamaya, si Chad naman ay tubig. Si Seb ay walang hawak. Kulang pa ang dalawa niyang kamay sa kaartehan ng fiancee niya. Hindi ko naman masisisi at maarte rin naman ang asawa ko. Actually, lahat sila maarte. Baka nga si Imarie lang ang hindi. Si Danica ay suplada lang pero hindi naman ito masyadong maarte. Kanya-kanya lang siguro sila ng topak. Mas malala nga lang ang Ellaina ko. Alam ko naman iyon kaya hindi ko sila masaway sa mga babae nila. Kung ako nga ay sunod-sunuran din sa kaartehan ng partner ko—sila pa kaya? Lalo na si Seb na mas mabait sa amin. Naalala ko tuloy ang asawa. Sayang at hindi siya pwedeng sumama. Baka mapasama pa sila ng anak namin kapag namundok siya. "Wow, ang daming bayabas!" bulalas ni Imarie nang makarating kami sa bayabasan. Kahit ako ay natuwa sa mga punong hitik sa bunga. Walang sabi-sabi na umakyat sina Raiko at Chad saka kumuha ng bayabas. Naupo muna ako saglit sa isang nakausling ugat doon. Ang putik ng tsinelas namin dahil basa ang lupa. "Azzer, bakit may boudary do'n? Kaninong lupain 'yon?" curious na tanong ko sa lalaki. May namataan kasi akong signage na NO TRESPASSING. Sa mga Evañez man ang La Vista noon subalit hindi naman kami nagka-interest sa lupaing ito. Hindi ko nga alam na sa akin ito ipinamana ni Julio at nang malaman iyon ni Azzer ay binili niya sa akin. Asawa naman siya ni Danica kaya pumayag na ako. Kailangan ko noon ng pera kaya ipinagbili ko na lang sa kanya ang buong property. "Sa mga Madrid 'yan, pero ang alam ko'y pinag-isa na 'yan ng mga Saavedra. Kaya Hacienda Saavedra na ang pangalan ng lugar na 'yan," paliwanag ni Azzer. Tumango-tango na lang ako. 'Di ko naman kilala ang pamilyang nabanggit niya. "Penge ako, Raiko!" sigaw ni Imarie. Nang tingnan namin ang mga ito ay tila mga unggoy sina Chad at Raiko sa itaas ng puno habang kumakain. Hinagisan nila ang iba sa ibaba. Parang mga noon lang nakakain ng bayabas ang mga ito. "Master, oh! salo!" sigaw pa ni Chad sa akin sabay hagis ng prutas. Masarap pala ang bayabas doon. Matamis at malutong. "Mamaya pagbalik, kumuha tayo at dadalhan ko si Ellaina," sabi ko sa mga kasama. "Ayun! May malaking puno pa ro'n. Sobrang lalaki ng bunga, Jarred," saad ni Trixie sabay turo sa isang natatanging puno ng bayabas. Tama nga ito. Malalaki ang bunga niyon pero bakit may bakod? "Bawal iyang akyatan. Sa iba na lang kayo kumuha. Dami-daming bayabasan dito, 'wag na iyan," eksaheradong reaksyon ni Azzer. Nagtaka tuloy kami. Tumayo ako at lumapit sa puno ng bayabas na may bakod ng kawayan. Kasunod ko agad ang bayaw kong hangal. "Jarred, 'wag ka na d'yan. Ayun, oh, may malaking bayabas do'n." Matiim ko siyang tiningnan. Inaarok ko sa pamamagitan ng pagtingin sa kanyang mata kung ano ang iniisip niya. "Ikaw ba ang naglagay ng bakod nito?" tanong ko. "O-oo, bawal na kasi iyan. Nakakalason ang bunga n'yan," katwiran pa nito. "Pinaglololoko mo ba ako? Kailan pa namunga ng lason ang bayabas?" "Jarred, naman! Huwag ka ng umepal! Bawal nga d'yan!" tila naiiyak nang sabi nito. "Bakit nga?" Tumingin muna ito sa iba naming kasama na busy sa pagkain ng bayabas bago bumulong sa akin. Napailing ako sa narinig. Pagkuway tinapik ko siya sa balikat. "Malala ka na! Pakonsulta ka na sa doktor, obsessed ka na!" naiiling kong saad bago lumayo. "Kung ako obsessed, nakulam ka naman ni Ellaina!" AZZERDON Buti naman at naunawaan ni Jarred ang ibinulong ko. Wala akong pakialam kung ano man ang sabihin niya. Basta walang aakyat sa puno ng bayabas na iyon. Memories namin iyon ni Danica. Doon siya nahulog noon at dahil doon ay nakita ko ang 'ano' niya. Ummm, sh*t. Naalala ko pa tuloy. Para akong na-turn on, ah. 'Kakahiya tuloy. Naglakad pa kami ng ilang kilometro bago namin nasilayan ang mahabang ilog ng La Vista. "Woah! Super like!" tuwang bulalas ni Trixie. Natawa kami nang mauna na itong tumakbo patungo roon. "Hoy! Madapa ka sa batuhan!" sigaw ko. Kasunod nito si Seb. "Ano 'yon? Parang tanga lang. Wala bang ilog sa L.A.?" komento ni Raiko. "May saltik din ang isang 'yan. Malala sa kapatid ko," sabi ko. "Ako lang ang matino sa lahat," pagyayabang ni Imarie na ikina-angat ng kilay ko. "Kailan ba naging matino ang madaldal?" wika ko na ikinatawa ng mga kasama namin. Kahit si Jarred ay natawa rin. Naglakad na kami sa batuhan para makalapit sa tabi ng ilog. Nang tingnan ko si Trixie ay nakalusong na agad ito sa tubig. Kaya lang, kinabahan ako sa nilusungan niya. Oh no! Napatakbo tuloy ako. Si Seb ay nakahalukipkip lang na pinanonood ang fiancee niya. "Trixie, 'wag d'yan. Umahon ka d'yan!" sigaw ko. Muntik pa akong madapa sa batuhan dahil sa pagmamadali. Nagtaka naman ang mga ito sa akin. Sa lawak ng ilog ay bakit sa tabi pang iyon niya naisip lumusong? "What?" maarteng reaksyon ng dalaga. Si Seb ay agad hinila paahon sa tubig ang girlfriend nang marinig ang sigaw ko. "Malinta d'yan!" takot kong sabi nang makalapit. "What? Anong linta?" "Leech!" saad ko na ikinalaki ng mga mata niya. At ganoon na lang ang pamumutla nito nang makita namin ang tatlong linta na nakadikit sa binti at braso nya. Naka-short pa naman ang dalaga. Naloko na. 'Pag napasukan ang 'ano' niya—delikado. "Ihhhhhhhh!" tili ng babae. Si Seb ay alistong pinagtatanggal ang mga linta. Sh*t! Ang dami pala. Tutulungan ko na sana, kaya lang itinulak ako ng lalaki. "Don't touch her!" asik sa akin ni Seb. Walastik! Concern lang ako, napasama pa. Bahala nga siya. Naawa naman kami sa kaiiyak ng babae. Putlang-putla ito dahil sa takot. "Bakit malinta dito?" tanong ni Jarred. "Do'n lang naman sa parteng iyon. Diyan ay wala na," sagot ko. "Seb, tingnan mo ang singit niyan, baka may nakapasok. Delikado iyan sa pwerta ng babae," nag-aalalang wika ko. "Seb, mamamatay na ako," iyak ni Trixie. "'Wag kang malikot," ani Seb at saka lumuhod sa harap ni Trixie. Napadilat tuloy kaming lahat. "Hoy! Ang laswa! Doon mo sa tago i-check iyan," sabi kong natatawa na naiilang. Concern lang naman si Seb. Eh, bahala na siya. Ayaw magpatulong, eh. "Let's go!" Hinawakan ni Seb sa kamay ang babae. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Trixie. "Do'n sa damuhan. Hubarin mo iyang damit mo nang matingnan ko." Napangisi ako sa narinig. Galawang Seb na. Hindi na lang kami nag-komento. Sumama naman si Trixie dahil sa sobrang takot nito. Tila wala sa sarili ang dalaga habang naglalakad. "Oh, ikaw, Imarie, kung pupunta ka sa tubig makiramdam ka. Kapag ikaw kinapitan ng linta—walang magtatanggal n'yan sa iyo," wika ko. Dahil yata sa nangyari kay Trixie ay hindi na naligo si Imarie. Namingwit na lang kami ng isda. Nakakatawa sina Raiko at Chad. Mga naka-boxer brief lang sa tubig. 'Di na nahiya sa kasama naming babae. "Imarie, ayaw mo bang maligo? Wala namang linta rito!" pang-aakit ni Raiko sa dalaga. "Kayo na lang. Iihaw na lang ako rito," tanggi ni Imarie. Natatawa lang kami ni Jarred habang namimingwit ng isda. Nakita na lang namin si Chad na nasa taas na at nakabitin sa mahabang bagin sabay talon sa tubig na parang si Tarzan. Gumaya rin si bansot. Aba teka, parang enjoy iyong ginagawa nila. Nang makahuli ako ng malaking isda ay itinabi ko muna iyon saka naghubad na rin at itinira ang brief ko. "Azzerdon, ang laswa ng suot mo!" nadidiring reaksyon ni Imarie. "'Wag mo kasing tingnan at baka multuhin ka ni Joven!" sabi ko. Nainis si Imarie kaya binalibag ako ng maliit na bato na kinuha niya. Sumunod na ako sa dalawang tuwang-tuwa sa paglalambitin. "Jarred, halika na! Iwan mo na muna 'yan!" tawag ko sa kaibigan. Buti naman at sumunod na rin ito. Ilang saglit lang ay apat na kaming naglalambitin sa bagin. First time lang yata ni Jarred maglaro ng ganoon. Sobrang nakaka-relax. Ang saya lang. Maya-maya ay apat kaming sabay na kumapit sa bagin, pero nabigla kami ng makarinig ng nabaling sanga ng puno. "Ahhhhhhhhhhhh!" sigaw namin at kami ay sabay-sabay na nalaglag sa malalim na tubig kasunod ng sanga ng puno. "Aray!" daing ni Chad. Natawa ako dahil may bunga pala ng suha ang nabaling sanga na siyang bumagsak sa ulo ng lalaki. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD