ELLAINA
Alas-dos ng hapon dumating sina Jarred kasama ng iba pa. Marami silang dalang huling isda, bayabas, at may suha rin. Nagtaka pa ako dahil may bukol sa bandang noo si Chad at si Trixie naman ay tila tulala akay ni Seb. Nalaman ko na lang na gawa ng linta. Pagkabihis nito ay nahiga na muna siya sa silid kasama si Imarie. Pagod ang mga ito pero mukhang nag-enjoy sila. Nainggit tuloy ako.
"Mag-ihaw na lang tayo ng pulutan natin mamaya," sabi ni Azzer.
Aba, may balak pang mag-inom ang mga lalaki.
"Gusto ko 'yon. Gusto ko lasing ako para makatulog agad at nang 'di ko na mapansin kung may multo mang dumating," saad ni Raiko.
Sana nama'y huwag ng magpakita ang multo. Baka mamatay na ang mga ito sa takot, eh.
Si Jarred ay lumapit na sa akin matapos lumayo sa kumpulan ng mga kaibigan. Tumabi ito sa akin sa sofa.
"Ano'ng ginawa mo maghapon?" he asked habang naka-akbay sa akin.
"Tinuruan ako ni Tatay magluto," sagot ko saka i-kwinento sa kanya ang nangyari maghapon.
"Babalik na tayo bukas sa M.U., Ellaina, ha? May trabaho na ako," pagkuwa'y imporma nito. Napasimangot tuloy ako. Parang ayaw ko pa pero hindi na ako nag-protesta pa.
"Jarred, naiinggit ako kasi hindi ako nakasama sa inyo. Parang ang saya ng lakad n'yo, eh," nakalabing kong saad.
"Sa susunod kasama ka na. 'Pag labas ng baby natin."
"Bakit kasi 'di natin 'yan naisip gawin nung 'di pa ako buntis? Puro s*x kasi ang ginawa natin, eh, ayan—"
Tinakpan nito ang bibig ko sabay sulyap sa paligid. Naroon nga lang pala sina Mommy at Tatay sa kusina. Bonding na yata ng dalawa ang magturuan ng gawaing bahay. Tskk.
"Ellaina, ang ingay mo. Mahiya ka sa magulang mo, ha," kastigo ni Jarred na lalo kong ikinasimangot .
"Jarred, naman . . ."
Pagsapit ng gabi, nagkakaingay na sa labas kung saan naroon sina Jarred, Azzer, Seb, Raiko, at Chad at nagpapakalunod sa alak. Kanina ay pumunta sila sa bayan at bumili n'on. Tamang nood lang ako sa kanila. Maging sina Imarie at Trixie at naki-join na rin sa mga ito. Inggit na inggit na naman tuloy ako.
"Paglabas talaga ng baby ko, babawi ako," nasabi ko na lang na narinig pala ni Mommy. Nasa sala din kasi siya at naka-tambay.
"Ano'ng sinasabi mo d'yan, Ellaina? Paglabas ng baby mo'y aalagaan mo na 'yan. Mapipirmi ka na ng tuluyan sa bahay."
"What? Hindi 'no? Kukuha ng taga-alaga si Jarred, Mommy, tapos ako mag-aaral ulit. 'Yun kaya ang usapan namin."
"Oo nga, mag-aaral ka pero aalagaan mo pa rin ang anak mo. Ano ka ba, Ellaina? Kapag Mommy ka na, baby mo na lang at si Jarred ang iisipin mo."
Napasimangot ako sa ina. Iniisip ko naman talaga iyon. Kaya lang parang kulang pa ang pagdadalaga ko. Dapat yata hindi muna ako nagbuntis. Si Jarred naman kasi, eh, m******s.
Ilang saglit pa nang magsimulang malasing ang grupo. Itong si Azzer ay may topak yata. Bigla na lang sinuntok si Jarred. Mabuti na lang at naka-ilag ang asawa ko. Napatayo kami ni Mommy nang makita iyon.
"Ikaw, Jarred, ha! Ang kulit mo! Kumuha ka pa rin ng bayabas kahit ipinaliwanag ko na sa'yo ang dahilan!"
"Masarap kasi do'n, mas matamis," pang-aasar naman ng asawa ko.
Pagewang-gewang na lumapit dito si Azzer at tangka ulit manuntok. Pumagitan na sina Seb sa dalawa.
"Umalis kayo d'yan! Bubugbugin ko iyan! Siya ang dahilan kaya umalis si Danica. Jarred, babasagin ko ang mukha mo—"
"Subukan mo nang mukha mo ang mabasag. Ilang taon ka nang single, 'di ka pa rin mag-move on."
Nagkatinginan kami ni Mommy. Ano'ng nangyayari sa dalawa? Away-bati na lang lagi.
"Jarred, bwisit ka talaga! Ilalayo ko rin sa'yo si Ellaina!—teka, 'asan ba 'yun?Ellaina!"
Hala, lasing na talaga ang kapatid ko. Hindi na ito maawat nina Seb sa sobrang gigil sa asawa ko. Napalabas tuloy si Tatay na naghuhugas ng pinggan sa kusina.
"Azzerdon, ano na naman ba 'yan?" kastigo nito sa kapatid.
"Tay, gago iyang si Jarred, inilayo sa'kin ang mag-ina ko!"
Bigla na lang umiyak nang malakas si Azzer habang pilit inaabot ng suntok si Jarred na natatawa pa sa pagtangis ng bayaw.
"Hubby, huwag ka nang tumawa d'yan. Umiiyak na nga ang kuya ko, eh," saway ko sa asawa.
Maging sina Raiko at Chad ay pigil ang bungisngis dahil sa atungal ni Azzer. Paano naman kasi, nakakatawa ang pag-ngawa nito. Kalaki-laking tao, kung makaiyak ay parang tanga lang.
"Halika na! Matulog ka na! Para kang baliw d'yan," sabi ni tatay saka pinilit i-akbay sa balikat n'ya ang braso ni Azzer.
"Ayoko pa, 'Tay. Susuntok lang ako ng isa. Nakakainis 'yang si Jarred. Hoy, Jarred, mas boto pa ako kay Travis at Angelo kaysa sa iyo!"
"Plastic ka pala, eh," sagot dito ni Jarred. Kung wala lang si Tatay ro'n ay baka nasuntok na nito si Azzer. Nakita kong pigil ang inis ng asawa.
"Oo, plastic ako, kasi plastic ka rin! Hangga't hindi bumabalik ang kapatid mo—hindi tayo bati! Tandaan mo 'yan!" sigaw pa sabay iyak ng malakas.
Pinagtulungan itong ipasok sa silid nila Tatay at doon inasikaso ni Mommy. Naawa tuloy ako kay Azzer. Ang arte naman kasi ni Danica. Bahagya akong napaisip doon.
KINAUMAGAHAN, nakasimangot si Jarred sa hapag habang kumakain kami. Hindi nito kinikibo si Azzer na may hang over pa sa ininom kagabi.
"Bakit ka ba naniniko?" sita ni Azzer kay Jarred.
"Kumukuha ako ng ulam, ayaw mong tumabi d'yan. Dito ka pa sa akin dumikit ng upo!" saad ni Jarred na salubong ang kilay.
Nagkakatinginan lang kaming lahat sa parang batang awayan ng dalawa.
"Saan pala ako uupo? Ano bang problema mo?"
"Ikaw ang may problema sa akin hindi ako!" sagot ni Jarred.
"Tama na 'yan! Nasa hapag kayo ng kainan, mamaya na lang kayo magsuntukan pagkakain," saway ni tatay sa kanila.
"Paunahan na lang kayong pumutok ang tiyan," sang-ayon ni Raiko na matalim na sinulyapan nina Azzer at Jarred kaya natahimik.
Pagkakain ay bad trip pa rin ang asawa ko na naligo. Naggagayak na kami pabalik ng M.U. Si Azzer ay kinausap ni Mommy.
"Ha? Sinabi ko ba 'yun kagabi?" hindi makapaniwalang bulalas ni Azzer matapos ikwento ng ina ang nangyari. Inirapan ko ang kapatid. Ano, nag-uulyanin lang?
"Galit ka pala sa asawa ko, itinatago mo pa. Plastic ka rin, eh," hindi napigilang wika ko.
"Hindi naman ako galit kay Jarred, ah. baka sobrang lasing lang ako kagabi."
"Gano'n na rin iyon. Bad trip tuloy sa'yo si Jarred."
"Hayaan mo s'ya. Arte niya."
"Ano ka ba Azzer? Ikaw naman ang may kasalanan kaya dapat na ikaw na ang unang mag-sorry," pangaral ni mommy.
"Wala akong kasalanan, Nay. Totoo namang siya ang naglayo kay Danica. Pag-untugin ko pa silang magkapatid."
"Azzer, ang bad mo. Akala ko ba bestfriend kayo ni Jarred? Sabi mo pa kagabi mas boto ka pa kay Travis at Angelo kaysa sa kanya."
"Ah, 'yun ang joke. Hayaan mo na lang, Ellaina. Away namin 'to ni Jarred. Kung magsuntukan man kami ay tumabi na lang kayo," anito.
"Ano? Eh, kung ikaw kaya ang suntukin ko?" inis kong pakli.
"Ang gugulo n'yo. Magsibalik na nga kayo sa M.U. Sakit ng ulo ko sa inyo!" sabi ni Mommy sa amin.
Ilang saglit pa ay nagba-byahe na kami pabalik ng M.U. Nasa unahan sina Jarred at Azzer na siyang nagmamaneho ng kotse niya. Si Imarie ang kasabay na ngayon nina Raiko at Chad.
Nakikiramdam lang ako sa dalawang tahimik. Magka-away talaga pero nakakatawang hindi mapaghiwalay. Nakangisi lang ako sa likod.
"Azzer, tawag ka ni Jarred," pilyang tawag ko.
"Ha?" napatingin naman si Azzer sa katabi.
"Wala akong sinabi," ismid ni Jarred dito.
Inis akong inirapan ng dalawang lalaki sa rear view mirror kaya 'di ko napigilang tumawa sa kaartehan nila. Nadaig pa kaming mga babae kung mag-away.
"Hubby, I love you raw, sabi ni Azzer—"
"Ellaina!"
"Shut up!"
Malakas ulit akong tumawa. Pareho silang namumula. Tummy ko na lang ang kinausap ko.
"Baby, nag-aaway si daddy saka si Tito ninong. Paglabas mo, suntukin mo silang pareho," himas ko pa sa tiyan.
"Ellaina, kung ano-anong sinasabi mo d'yan sa anak natin. Isa pa, anong tito ninong? Hindi natin kukuning ninong 'yang kapatid mong plastic!" lingon sa akin ni Jarred.
Sukat sa narinig ay biglang itinigil ni Azzerdon ang kotse sa tabi ng mapunong daan. Hindi pa kasi kami masyadong nakakalayo sa kalapit bayan ng La Vista.
"Sumosobra kana, Jarred, ha!"
"Bakit? Anong sobra do'n? Totoo namang plastic ka!"
"Mas plastic ka!" sagot dito ni Azzer.
"So, anong gusto mong mangyari?"
"Ikaw, anong gusto mo?"
Nagulat na lang ako nang lumabas ng kotse si Azzer.
"Dito ka lang, Ellaina. Huwag kang lalabas. Tuturuan ko lang ng leksyon ang kapatid mo," bilin sa akin ni Jarred.
"Hubby, 'wag mong pipilayan at magda-drive pa 'yan pauwi," paalala ko pa bago ito sumunod sa kapatid.
Ayun! Inantok lang ako sa sasakyan habang nagbubugbugan sila sa labas. 'Di ko alam kung sinong tumilapon sa kotse dahil naramdaman kong umuga iyon.
"Tsk, baby. May uuwi na namang duguan," kausap ko pa sa anak.
Pagbalik nila ay pareho silang may tama. Syempre lamang ang kay Azzer. Nakangiwi ito habang nagda-drive. Si Jarred ay may pasa rin sa gilid ng pisngi.
Kaya nang makarating kami sa Villa ay pareho silang ginamot ni nurse Ellaina. Natuwa pa ako dahil napa-practice ko ang pagiging nurse dahil sa away nila.
"A-aray, Ellaina, naman! Dahan-dahan, 'yung labi ko," daing ni Azzer. May maliit itong sugat sa gilid niyon.
"Kung bakit kasi nakipag-ayaan ka pa ng suntukan sa asawa ko, napala mo?" paninisi ko sabay diin ng bulak na may alcohol sa labi niya. Napasigaw ito sa sakit.
Sa tabi ko ay naka-upo si Jarred at may hawak na cold compress para sa pasa sa mukha nito.
"Ellaina, iganti mo ako d'yan. Suntukin mo rin para sa akin," utos pa sa akin ng kapatid.
"Azzer, ikaw na lang at tinatamad ako," nakasimangot kong tugon.
"Ellaina, let's go upstairs na. Iwan mo na iyang gagong 'yan," bulong sa akin ng asawa.
"Hoy, 'wag kang epal, Jarred, kita mo nang ginagamot pa ako ng kapatid ko? Hambog ka rin, eh," inis na saad ni Azzer dito.
"Shhh, tama na. Kapag ako nainis, baka kayo ang tamaan sa aking pareho!" I said. Nilagyan ko ng gamot ang sugat sa labi ni Azzer.
Bigla ko na lang naramdaman na umangat ako sa upuan. Iyon pala ay binuhat na ako ni Jarred at ini-aakyat na sa silid namin.
"Hoy, Jarred. Ibaba mo nga ang kapatid ko!"
"Pakialamero!" sigaw rito ni Jarred.
"Azzer, paki-sara ng pinto pag-alis mo ha," bilin ko pa na nakangisi sa kapatid.
"Malanding buntis!"
Pagkarating sa silid ay maingat akong ibinaba sa kama ni Jarred. Saka marahang hinubaran. Saka siya naghubad din ng saplot niya. Hinalikan niya ako sa labi at ginantihan ko naman iyon. Ito ang dahilan kaya maaga akong nakapag-asawa at nagbuntis, eh. Itong malanding lalaking ito na masarap humalik. Halik pa lang ni Jarred, heaven na.
He made love to me. Marahan lang dahil kay baby. Pero nadarang pa rin ako nang sobra. Tapos na pero parang bitin pa ako. Dati kasi'y hindi ganoon. Hindi mabilis. Kaya lang siguro, dahil buntis ako kaya pigil si Jarred. Ako tuloy itong bitin.
"J-Jarred, isa pa," ungot ko sa asawa.
"Ellaina, too much s*x is bad to your pregnancy," sagot niya habang nakapikit.
Napasimangot ako. Sino bang nagsabi n'on? Mukha namang kaya ko, ah? Wala namang nasakit sa akin. Ang gaan pa nga ng katawan ko.
"H-hubby," nilandas ko ng hintuturo ang panga ni Jarred. Kung saan magaspang dahil sa papatubong balbas niya roon.
"Ellaina, magpahinga ka na. Malayo ang ibinayahe natin at baka matagtag ka kung lalandiin mo pa ako—"
"Sino ba ang unang naglandi? Ikaw naman, 'di ba? Ginagamot ko si Azzer pero binuhat-buhat mo ako rito at ni-r**e mo ako tapos nang mabitin ako—"
"Bakit ang harot mong magsalita? At anong r**e ang sinasabi mo d'yan? May r**e bang namimilipit sa sarap? Matulog na tayo!" he said saka ako niyakap.
Inirapan ko siya. Saka ako nakaisip ng kapilyahan. Gumapang sa tiyan niya ang palad ko at pinadausdos iyon pababa hanggang makarating sa p*********i niyang matigas pa rin ng mga sandaling iyon.
"Ellaina—sh*t!"
"Kung ayaw mo, ako na lang mag-isa!" nakalabi kong saad saka umibabaw sa kanya at pilit ipinasok sa akin ang 'kanya'.
"Ellaina, buntis ka! Put*—" napamura nang malakas ang asawa ko. Namula ang mukha nito kaya lalo akong natuwa. Tinukso ko pa siya ng paggiling ko nang marahan sa kanyang ibabaw. At pagkatapos ay naramdaman ko na lang na ginaganti na niya ang kapusukan ko. Bumangon siya at muling inangkin ang mga labi ko. Saka gumapang ang halik pababa sa aking leeg. Habang patuloy siyang naglalabas-pasok sa akin. At pagkatapos niyon ay saka lang ako na-satisfied. Nakangiti akong natulog sa bisig ng asawa.