ELLAINA SA paglipas ng ilang araw, bigla na lang nagpaalam sa amin si Azzerdon na pupunta ito ng L.A.. Nag-aagahan kami no'n sa Villa nang buksan niya ang topic tungkol doon. "Pupuntahan mo na naman ang kapatid ko. Tapos pagbalik mo, ako na naman ang aawayin mo kapag 'di mo siya napauwi?" nakasimangot na reaksyon ni Jarred. "Pwede ba, Jarred? Huwag mo na lang akong inisin. Si Ellaina pati ang kausap ko hindi ikaw," anito saka bumaling sa akin na noon ay namumuwalan sa kinakaing tasty bread na nilagyan ko ng ibat-ibang palaman. "Sige lang, Azzer, pumunta ka kahit saan mo gusto. Basta magdala ka ng pasalubong, ha?" tugon ko. Napasimangot naman ito sa huli kong sinabi. Si Jarred ay umiling lang. "Bukas na ang alis ko. Huwag n'yo akong mami-miss, ha?" pabiro pang dagdag ng kapatid. Naku

