ELLAINA SUMAMA ako kay Azzerdon para kunin ang mga syringe sa laboratory room. Mabuti na lang at hindi na nagpumilit sumama si Danica kanina. Sinabihan kasi ito ni Azzer na bawal ang buntis doon. Pagdating namin sa lugar ay wala roong tao. "Oh, ito lang ang nagawa ko kahapon. Mamaya ay uumpisahan ko ulit mag-ipon niyan para kung tumagal ang sitwasyon mo ay may reserba ako," wika ng kapatid matapos i-abot sa akin ang mga hirignggilya. "Okay na ito. Mabuti at marami kang naitago," nakangiti kong tugon. "Naisip ko kasi na kakailanganin iyan ni Jarred, eh. Kaya lang ay ikaw pa talaga ang gumawa. Napaka-harot mo!" Sabay irap ni Azzerdon sa akin. Kumamot ako sa ulo. "In case lang naman kasi na hindi makapagtimpi si Jarred," ang nakalabi kong pangangatwiran. "Si Jarred ba ang hindi makatii

