JARRED Mabilis akong tumakbo patungo sa banyo nang marinig ang malakas na tili ni Ellaina. Pagpasok ko roon ay nanlaki ang mga mata ko nang nakita ang nakabulagtang asawa sa tiled floor ng shower room. "Ellaina!" malakas kong tawag sa pangalan niya. Nilapitan ko ito at ini-angat ang ulo. Natataranta kong chi-neck ang katawan nito sa pag-aalala na baka napasama ang pagbagsak niyon. Nakahinga ako nang maluwag nang magmulat ito. "J-Jarred," anas ni Ellaina. Hindi ko ito tinugon at sa halip ay naghanap ng towel o roba na pwedeng ipantakip sa hubad nitong katawan. Nang walang makita ay dinampot ko na lang ang hinubad nitong bestida kanina. "Isuot mo ito. Tatawag ako ng doctor para ma-check ka," nagmamabilis kong sabi na tinulungan pa itong sa pagsusuot niyon. Nagulat ako nang bigla na lang

