ELLAINA Katatapos ko lang mag-shower. Lumabas ako ng banyo na naka-roba at nakabalot pa ng towel ang basang buhok. Akala ko, pagkatapos kong maligo ay hihiga na si Jarrer sa kama namin. Pero nakita kong abala ito sa kanyang laptop. Which is I don't understand. Usually ay hindi naman nito pinapaabot ng gabi ang trabaho—batay sa pagkakatanda ko. Pero nitong mga nagdaang araw ay tila lagi na lang itong abala at ni hindi na ako makausap kapag kasama ko na siya sa rooftop. Pero inisip ko rin na baka totoong marami itong ginagawa. Bukod sa school ay abala rin ang asawa sa Ridding Club. Hmmm . . . Naalala ko ang pag-aaral. Sasabihin ko nga pala kay Jarred na gusto ko nang ituloy ang Nursing course ko. Bukod doon ay nais ko sanang makita ang aming anak. Pero noong banggitin ko iyon sa kanya—sin

