DANICA Matapos malaman mula kay Ellaina na may sakit si Azzerdon ay agad akong gumayak para dalawin ang asawa sa Mondejar University. Alas singko pa lang ng umaga ay nakahanda na ako sa pag-alis. Magta-taxi na lang ako papunta roon. Tulog pa si Ace kaya hindi ko na nagawang magpaalam dito. Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko si Daddy na nagkakapeng mag-isa sa terasa. “Danica, paalis ka?” ang nagtataka nitong tanong nang mamataan ako. “O-opo, Dad. Tumawag kasi si Ellaina sa akin. May sakit daw si Azzerdon kaya dadalawin ko. Babalik din ako mamayang gabi,” saad ko. “Si Ellaina ba ka mo?” “Yes.” “Naniwala ka naman agad sa batang iyon? Alam mong may pagka-maldita ang asawang iyon ng kapatid mo. Paano kung isa lang iyon sa patibong niya?” Natigilan ako sa sinabi ng ama. Hindi ko naisip

