ELLAINA Padapa kong ibinagsak ang pawisang katawan sa ibabaw ng hubad din na si Jarred. Nagbabawi rin ito ng lakas ngunit ramdam ko ang galit niya batay sa malalakas at sunod-sunod nitong paghinga. Ilang saglit akong pumikit at dinama ang mainit niyang dibdib habang magkahinang pa rin ang ibabang parte ng katawan namin. "Ellaina, tanggalin mo ang posas sa kamay ko!" mahinahon pero may diin nitong utos habang nagngangalit ang mga bagang. Nakangisi akong bumangon at naupo sa ibaba ng tiyan niya. "Tsk," sabay iling ko. "My Queen, you shouldn't do this. Ano ba'ng ginagawa mo?" "Cut the crap, Jarred!" I hissed. umalis ako sa ibabaw ng lalaki saka tumayo sa may tabi ng kama sa tapat nito. "Ellaina, what do you mean?" maang-maangan nitong tanong. "Alam kong alam mo ang ibig kong sabihi

