ELLAINA Itinulak ko si Jarred paalis sa aking ibabaw pagkatapos ng mainit naming p********k. Sa dami ng aking iniisip ay kakatwang nadarang pa rin ako sa pinagsaluhan namin ng lalaki. Medyo hindi ko maintindihan ang nadarama. Sigurado ako sa aking misyon. Kahit patayin ko ang lahat ng tao roon ay hindi ko iyon pagsisisihan. Pero bakit sa haplos at halik ng lalaking ito ay tila ako tumitiklop? Siya na pinaka-kailangan kong patayin? Bakit ganito? Naguguluhan ako. Kanina, habang magkalapat ang mga hubad naming katawan at inaangkin ang isat-isa ay para akong inaalipin ng hindi maipaliwanag na damdamin. Iba rin ang dating sa akin ng silid na iyon sa rooftop ng Mondejar University. There's something about this place na nagpapagulo sa sistema ko. May hinuhugot itong mga alaala pero ayokong pagt

