AZZERDON Nawalan ako ng malay dahil sa sobrang takot sa mannequin na nagkaroon ng buhay. Tuksuhin man akong duwag, bakla, o anu pa man ng lahat ay wala akong pakialam! Isa lang ang nasa isip ko bago natumba sa sahig—may multo sa Mondejar University. Pinamamahayan na ng mga elemento ang Paaralan dahil sa kawalan ng tao. Para na itong abandonadong School mula nang magbakasyon ang mga estudyante. Sa malas ay ako pa ang unang nabiktima ng mga ito. Nagbalik ang aking ulirat dahil sa sunod-sunod na tampal sa magkabila kong pisngi. Blur pa ang vision ko nang masilayan si Ellaina na nakatunghay sa akin. “Gising! Hoy!” untag ng walang galang kong kapatid. Kung gisingin ako ay parang sumasampal lang ng kaaway niya, tssk! “Heto na, gigising na! Tama na ang tapik!” inis kong pakli habang bumaban

