ELLAINA Humampas ako sa katawan ng malaking puno at namalayan ko na lang na sakmal na ng isang kamay ni Jarred ang aking leeg. Sinubukan kong kumawala ngunit nasukol na ako ng asawa. “Kulang ka pa sa focus, my Queen,” ang nakangisi nitong saad habang iginagala ang paningin sa paligid ng aking mukha. “J-jarred . . .” usal ko na pilit inaalis ang kanyang kamay. “You lost!” he said, bago niya ako binitiwan. Saglit pa niya akong tinitigan saka tumalikod sa akin. Ngumisi ako at mabilis na kumilos para bigyan ng suntok ang likod ni Jarred. Pero nabigla ako nang yumuko ito saka ako hinapit sa baywang at muling isinadlak sa katawan ng puno. “Let me go!” naiinis kong wika. “Tsk! Hindi mo ba matanggap na talo ka?” “Are you kidding me? Ni hindi pa nga ako pinapawisan sa naging laban natin

