BRADLEY SA wakas ay nakakuha kami ng alas para gipitin si Jacob na pumayag ito sa gusto kong mangyari. Kaya naman agad ko itong pinuntahan sa basement kung saan ito nakakulong. Kasama ko si Mira at ang kanang kamay kong si Mel. Tiyak na hindi na makakatanggi ang lalaki sa nais ko. “Ano na namang kailangan n’yo? Sinabi ko nang ayoko at wala kayong magagawa!” ani Jacob pagkakita sa aming pagdating. Ini-abot sa akin ni Mel ang cellphone niya. Kinuha ko iyon at ipinakita sa lalaki. Kapansin-pansin ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito nang masilayan ang larawan na naroon. “Kung hindi ka makikipagtulungan sa amin ay pareho kayong mamamatay ng babaeng iyan. Sayang dahil mukhang bata pa siya. Mabilis lang siyang patayin dahil sa kapansanan niya!” wika ko. “H*yop ka!” nanggagalaiting sig

