Agad naman akong napamulat at tumingin sa pintuan ng aking kuwarto ng may mapansin akong para bang may kakaiba sa aking bahay. Mabilis akong bumangon at agad kong hinanap sa side-table ng kama ang aking rifle gun at nag unat-unat para sa aking pagising sa ibang paraan. Malakas ang kutob ko na may pumasok sa aking bahay. Hindi ako nagkakamali, pero para bang kilala ko ang presinsya na 'yon at hindi ko lamang matandaan kung sino ito. Ano na naman kaya ang mangyayari sa araw na ito ngayon, sinusubokan ba talaga ako magalit ngayon at kakapahinga ko pa lamang galing sa aking pahinga at may ganito na naman akong nararamdam na labanan. Mabilis naman akong tumayo sa aking kama dahilan naalala ko si Manang Helen, ang kasama ko dito sa bahay na aking tinutuluyan. Kaya napagdesisyonan kong mabilis a

