Jack Adii POV*
"What the fu*k is this?!" Halos pumutok ang ugat ko sa ulo sa galit sa kapatid ko sa nakita ko sa news paper na agad na ikinangisi ng pu** kong kapatid na kahit kailan 'di ko makasundo.
Napatayo itong naglakad sa malapit sa akin na hindi ko masyado inabahala ang sarili kong tumingin sa isang ito. Dahilan mag-aaksya na naman ako para silayan ang nakakab'wisit niyang mga ngisi na hindi ko lang magugustuhan.
"Bakit hindi ka mag-saya. Ikaw na ang susunod na Mafiaboss. Dahil sa umayaw na si Devoncore, gawa sa maganda ng buhay? o mas gusto mo humarap sa pamilyang masasabi mo?" Umupo nalang ako sa sofa at naglaro ng games na uso ngayon. Hindi naman ikakagwapo 'yang sasabihin niya, 'atsaka na ako makikinig pag may kuwenta na mga sinasabi niya. Sa ngayon wala pa talaga. Binitawan ko na muna ang aking cellphone para humigop sana ng mainit na kape na nakalapag sa side table.
"The Heir's of Smith, Cassidy Tame Smith got to involved again in gang Figth. According to a reliable source, resales gang was sent to the hospital After the confirmed Six men is comatosed and the rest are still under observation."
Halos maibuga ko ang kape ko p*tsh*! na babae na 'yun, Ano na naman ang ginawa sa buhay. Hindi ko naiwasan ang maubo sa mga nakita at narinig ko sa tv, hindi na kasi bago pero mas lumalala yata ang mga nababalitan ko sa babae na iyan ngayon.
Napatingin naman ako sa mga aso? Hindi ba't iyan din ang araw na nakita ko siya? Nagligtas pala siya ng mga aso, para sa druga. Hindi ko lang lubos maisip bakit kailangan pa niyang saktan at mga patayin ito. Hindi ko din masikmura ang mga ginawa niya sa mga pinatay niya para bang wala siyang puso at walang awang pumapatay talaga.
Napapailing-iling na lamang ako sa isang iyon. Kaya pala siya naabutan ko sa isang iskinita para lamang magligtas. Akala ko ba assassin iyon? Mabilis naman ako tumayo at tinawagan si Fulvia.
''Oh, Bakit?'' bungad naman nito agad sa akin. Mana talaga sa Asawa wala manlang Hello, Tsk.
''Nakita mo ba sa tv. Ang ginawa ng pinsan mong si Cassidy?'' saad kong sabi na habang nakatingin ako sa labas.
''Yes. Hindi na bago iyon, ganyan siya sa mga hayop at lalong-lalo na sa mga aso. Lalo nasa sinabi niya kahapon. Maghihiganti ang bumubuhay sa kanya, sabi ko naman sa'yo bago ka makapasok sa puso ng pinsan ko na 'yon ay mas malabo pa sa malabo.'' saad nito at alam kong nakangisi na naman ito. So, matagal na niyang gawain iyon? Nahihiwagahan talaga ako minsan sa mag pinsan na ito kung saan ba sila ng galing at ano bang kuwento na sinasabi niyang paghihiganti.
''Sa impyreno kami galing. Jack,'' halos takasan ako ng dugo sa bulong na sabi ni Fulvia na ikinakilabot ko at ipinatay ko ang cellphone. F*ck! Ang klasing mga tao ba talaga ang magpipinsan na 'yon? Gano'n din kaya si Mynx? Ang kababatang kapatid ni Fulvia?
"Oh, are you interest someone ah," saad ng taong nasa likuran ko na ikinatingin ko na lamang. Nakangisi pa nitong sabi sa akin.
"Will you f*ck*ng shut-up! Wala kang pakialam sa buhay ko Xadie." pakialaman niya lang si Cassidy, 'atsaka bakit ako mag-aalala sa babae na 'yun, daig pa nu'n lalaki makikipagsuntokan talo pa yata ako sa babaeng 'yun.
"Marry her, kailangan mo si Cassidy sa Mafia world at kung 'di mo gagawin 'yun, Ako ang magpapakasal--"
Agad kong itinutok ang baril sa bungo niya. Ako ba talagang ginag*go ng bugok na 'to. Kahit nakakatanda ko siyang kapatid hindi ko siya aatrasan. Kahit magkamatayan pa kaming dalawa. Ang kay Jack 'ay kay Jack lamang. Hindi puwede sa iba ang tomboy na 'yun, Akin 'yun. Kahit na ganu'n ang pag-uugali at lapastangan sa buhay ng isang 'yon tanggap ko pa din naman iyon. possessive na kung possessive, pero akin lang siya.
"Easy. Brother, kung ako sa'yo kumilos kana. Dahil si Dad? Baka sa akin talaga s'ya mapunta." Tumawa 'to at naglakad paalis. Hindi ako pwedeng tumunganga. F*ck! Ayoko naman mamatay ng nakasimangot at may luha.
Nakakadiri sa libing ko 'yun, 'di na ako gwapo. Kailangan ko mapaikot si Devoncore at mapapayag niya si Fulvia.
Pinaandar ko ang kotse ko nang mabilis at parang kating-kati na naman akong pumunta sa racing tournament dahil madalas ko nakikita du'n si Cassidy. Hindi naman sa stalker ako ng babae na 'yun pero talagang sa babae na 'yun kumabog na kakaiba ang puso ko. Hindi ko din alam kung saan mas delikado doon ko din siya madalas makita. Nang makarating ako sa underground ay mabilis kong ihinagis ang susi ko sa nagbabantay madalas ng kotse ko at mabilis akong naglakad sa maingay at puno ng sasakyan.
''Nangunguna na po ang ating Mafia Queen, at mukhang hindi siya talaga nagpapatalo at mukhang siya na naman ang mag-wa-wagi!'' rinig kong saad ng emcee sa nagaganap na racing car tournament. Nakita ko ang isang red sportcar at hindi ako nagkakamaling si Cassidy iyon dahilan tanaw ko siya mula rito sa malaking screen. Mabilis ang mga kamay niyang pinaikot ang manibela at pato narin ang kanyang rear veiw mirror na kahit na napakadelikado pa no'n gawin.
Malakas na ingay ang naririnig mula sa napakaraming manonood at hindi ko akalain na kasama na naman siya diyan. Siguro'y matapos ang mabangong pangalan niya'y siyang pagtatago naman nito sa mundo ng realidad. Nakita ko din ang magandang ngisi nito na nakakapukaw ng kanyang maganda mukha na natatakpan ng kanyang magagandang mata ang kanyang iilang hibla ng kanyang bangs, Nakita ko naman ang pagtingin nito sa akin ng mamataan niya ako dahilan sa mabilis siyang napadaan dahilan andito ako nakatayo sa finish line. Hindi ko naman sasabihin na siya ang dahilan ko at alam ko na siya na naman ang mananalo at wala na yatang nakatalo sa kanya dahilan sa galing niya magpaandar ng kotse.
Bumaba ito sa kanyang kotse at halos humawi ang lahat dahilan sa kanyang madilim na aura, pero kapansin-pansin dito ang kanyang magandang hubog ng katawan sa magandang kulay pulang dress. She's a badass at talagang inalam ko ang tungkol sa kanya pero masyado sigurong pribado ang buhay nito at iilan lamang angn nakikita ko sa web site. Hindi ko man sabihin na kilala man akong mafia boss na papalit pero pag nasa underground kana mas mabango pa din ang pangalan ni Hell Syx sa akin at si Cassidy.
Hindi ko akalain na iiba siya ng daan na para bang sinasabi niya na ayaw niya ako makita kaya't lumiko siya pero dahilan sa siya ang balak ko talaga rito'y mabilis akong lumapit sa kanya.
''Hoy. Amazona mag usap nga tayo.'' hinawakan ko ang malambot nitong braso at hinila siya sa walang gano'ng tao. Pinagtitinginan man kami pero alam kong nabalitaan na niya ang balak ng pamilya ko na ipakasal siya sa akin at alam kong alam na din ng undergrond 'yan at alam ko din na mas marami ang papasok sa buhay namin para wasakin lamang ito. Pero hindi ako papayag.
''Ano 'tong nabalitan ko? bakit mo ginawa iyon?'' saad ko sa kanya na ikinatingin lamang nito sa akin na para bang lumusot lamang ang mga titig nito sa aking likod.
''Sure ka bang tatanungin mo pa ako? I'm assassin and I'm a mafia queen, hindi ba ako pwedeng umayon sa gus--''
''Pero ikakasal ka na sa aki--''
''How's talking? Alam mo, hindi ko naman sinabing magpakasal ka sa akin hindi ba? para sabihin ko sa'yo isa lang ang hangarin ko sa buhay. Ang paslangin ang mga taong may utang sa akin.'' aniya sa akin at nakita ko na naman ang madilim na aura niya no'ng panahon na nasa bahay kami nila Fulvia. Walang salita-salitang umalis ito sa harapan ko at naglakad palayo. Hindi ko mapigilan si Cassidy dahilan sa pag hinawakan ko siya ngayon ay baka ako ang malagay sa alanganin. Kilala si Cassidy sa malinis na gumawa sa kanyang mission mabango ang pangalan nito kaya siguro siya ang pinili ng mga magulang ko. Pero ako ang gusto kong makuha ang puso ng babae na 'yon, pero paano?!
Pero sige kung katapusan ko na ngayon ay okay lang makausap ko lamang ng masinsinan ang amazona na ito. Agad ko 'to binuhat na parang sako. Wala na din akong pakialam sa paligid ko at kung ano man ang pinasok ko, miski ako'y hindi ko din alam.
"Hoy! ibaba mo nga ako dito! Sinong nagsabi sa'yong puwede mo akong buhatin." nagsisigaw na sabi ni Cassidy na nahihimigan ko ang pagkairita sa boses niya.
Pero natigilan siya ng paluin ko puwet niya na ikinanginig din ng kamay ko. Malaki pala? May tinatago din pala itong ganito.
"Pasensya na, huwag ninyo kaming pansin ng fiance ko, may pag uusapan lamang kami." saad ko sa mga nakatingin sa amin at mabilis kong tignan angn mga alagad kong nakapalibot sa amin at para protektahan kami at palibutan sa nag wawalang amazona na din. Hindi na din kumibo si Amazona matapos kong paluin ang kanyang likuran, hindi ko alam kung nainis ba siya o talagang nagalit na siya ng tuluyan.
Nang makalabas kami ay 'di kumibo si Cassidy kaya nagtataka ako nakatingin ito sa akin ng parang ewan.
''Now, speak before makapag isip akong patayin ka.'' aniya sa akin na ikinatingin ko lang sa kanya. Hindi ko alam pero sa tuwing mag uusap kami ng kami lang ay para bang hindi niya kakayanin na patayin ako o akala ko lang?
''M-manahimik ka diyan babae.'' saad ko na lamang dito, pero katunayan niyan ay para na akong lalagutan ng hininga sa ginagawa ko.
''Huwag mo akong subukan Jack, kaya kong wakasan ang buhay mo.'' saad nito sa akin na biglang kumunot ang noo na nakatingin sa balikat ko.
"W-what the f*ck!" Nangunot ang noo ko dahilan sa pagmumura nito. Hindi ko alam kung bakit para ba siyang napangiwi at para din nandiri na hindi ko malaman.
"Alam ko naman na isa kang magaling na assassin pero hindi mo ako dapat minumura isa rin akong mafia bos---" Napatakip siya ng kanyang mga mata at ibinigay sa akin ang kanyang panyo at itinuro ang balikat ko. Bigla tuloy akong napatingin sa polo kong puti na sa bandang balikat at gano'n nalang ang pagkagulat ko nang may dugo du'n at napatingin ako sa katabi ko na hindi makatingin sa akin ng maayos. Nagawa niyang makipag karera pero hindi niya man lang kinaya magpalit.
"F*ck! Tinagos ka?! Nagawa mong makipag racing pero hindi mo kinayang magpalit? seriously?" Hinubad ko ang polo ko at kinuha n'ya at nagulat ako ng itapon niya sa labas. Put*agis!
"Ay, p*t* umayos ka! Mahal 'yon, polo ko. 'Atsaka, bakit 'di kana agad nagpalit?" saad ko pa dito. Buti nalang lagi akong may dalang damit pag may lakad o mission kami nila Syx.
"H-huwag kana magsalita. Kasalanan mo rin naman 'yan hindi mo dapat sa akin sinisisi ang lahat, kung hindi mo naman ako binuhat malamang maayos pa sana ako. At dahilan sa kasalanan mo naman ibibili mo ako ngayon ng pamalit. Dahil sa oras na hindi mo ginawa iyon, alam muna ang katapusan mo." Napalunok ako ng laway sa utos niya. Ano sasabihin ko sa tindera?
Mahirap na baka pagtawanan nila ako habang nagtatanong ako ng mga kailanganin nitong isang 'to.
"Ang lakas ng sapak mo sa ulo. Bubulong ka lang rinig ko pa! Alangan sabihin mo sa tindera na pabili ngang pisong napkin. Hala. B*b* talaga 'Atsaka, ang cheap mo, bumili kana bilisan mo."
'Di ko alam pero nakapaglakad na pala ako sa isang store at namimili ng napkin. pa'no niya ako nakontrol nang gano'n-gano'n lang?! Ako kaya si Jack Adii. E-Eh.. Ayoko pa mamatay.
Nakita ko naman ang pagpunta ng isang sales lady sa kinaruruonan ko na hindi ko alam ang dapat gawin. F*ck naman kasi bakit ako na punta sa sitwasyon na may bibili pa ako ng ganito.
"Excuse me? Sir, may hinahanap kayo?" lumapit na sakin ang sales lady nagtataka siguro sakin putsh* Naikiyuko din naman ako sa mga nakatingin sa akin na ngayon na nagbubulungan.
"Bigyan n'yo ko ng napkin itatapal ko lang sa bibig ng babaeng na sa kotse ko. Este.. Napkin para sa mga babae, s-sa ano sa ibaba." Namula naman 'yung babae at ngumiti at pumunta sa gawing likod at may pinakita sa akin.
"Sir, Alin po dito 'yung without o 'yung may wings?" sa pagsabi niya niya 'yon ay agad naman nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Ha? Lumilipad 'yung napkin? kailan pa? hindi ko yata na balitaan na lumilipad pala ang pangtapal ng mga babae?
"Lumilipad pala napkin?" Halos matawa ang mga tao sa store na ikinatanga ko. Nakakatawa ba magtanong? b*b* naman ng mga 'to. Malamang lalaki ako, hindi ako gumagamit nu'n kaya nga ako nagtatanong e.
"Kaya pala ang tagal. Gusto pa 'yung lumilipad na napkin, pagsinipa kita lilipad ka. Kahit ano miss, at mainit pa naman ulo ko. Pag mainit ang ulo ko kating-kati ang kamay kong pumatay." Napatingin ako kay Cassidy na nakasalubong ang kilay. Lumapit ako dito at bumulong,
"Pa-try ng lumilipad na Napkin 'uy gusto ko lumipad." Binatukan lang naman ako nito. Ang damot sila lang lilipad paano 'yung may gusto lumipad put*
"Bakit kayo lamang ang dapat lumilipad?" Hindi ko pa din tinatantanan si Cassidy mula kanina pa kahit na papunta talaga siya sa opisina niya.
"Kapag hindi ka tumigil baka nga lumipad ka talaga." hindi 'to sa akin nakatingin para bang galit pa? parang tinatanong lamang nagdadamo na naman siya.
"Dito na lamang sa gilid---''
"Sino may sabing ihahatid kita?" nagulat ako ng ilabas nito ang baril niya at itinapat sa mukha ko na ikinalunok ko na lamang. Kaya't kahit gusto ko agawin 'yung baril ay h'wag nalang at baka hindi pa siya maikasal sa'kin ako pa mawalan ng asawa.
"Gagawin din naman pala, akala ko naman gusto mabilisan pumunta sa impyerno." saad nito na parang nagalit pa? pasalamat nga siya 'di ko siya pinatulan. Kundi, baka hindi na ako ikasal at tumandang binata ako. Kung bakit ba kasi na inlove ako sa Amazona na 'yun. Ako pa yata under kagaya ni Hell Syx.
''Teka! may itatanong lang sana ako.'' palabas na sana ito nang huminto naman ito.
''Sure kabang aalis ka ng may tagos?'' saad kong sabi sa kanya na ikinatingin na lamang niya sa akin.
Huwag mo sabihin na nakalimutan ka agad niya? tsk, mabilis naman itong pumasok sa kotse at malakas na isinara ang pintuan.
''Ihatid mo ako sa bahay at hubarin mo ang polo mo pagkababa ko wala akong pakialam kung nakahubad kang aalis.'' aniya sa akin na ikinatingin ko na lamang sa kanya, tinaasan naman ako nito ng kilay at ikinaway ang baril sa akin at habang nakangisi na ikinalunok ko na lamang.
Tsk, ano pa nga bang magagawa ko kundi ang sunduin ang amazona na ito. At least naman maganda pa din ang katawan ko.
Cassidy Smith's POV*
''Bakit parang walang tao sa bahay mo?'' sabi naman ni Jack, na sumunod pala sa loob ng bahay at nakabalandra ang malapad nitong katawan hindi ko talaga akalain na tatagusin ako nu'n at hindi ko din inaasahan na habang nasa karera ako'y nakita ko na naman siya.
''Mayro'n dalawa lang kami dito.'' sabi ko dito. Nagulat na lamang ako ng bigla itong tumabi sa akin. Napakunot ang noo ko sa ikinikilos nito na parang t*nga! Naramdaman ko ang matigas na dibdib pati narin ang kanyang umaabaw na 8packs abs. Hindi naman ako mahilig sa ganyan pero hindi ko akalain na dahilan sa ganitong pagkakataon makikita ko ang ganyan. Mabilis ko naman itong itinulak dahilan talagang kumukulo ang dugo ko sa lalaking ito lalo na sa sinabi pa niyang his my fiance. Kinain na yata talaga siya ng kasal na balak ng kanyang mga magulang.
''Hey, bakit kailangan mo akong itulak?'' aniya na parang nasaktan o namamalikmata lamang ako sa aking nakita.
''Umayos ka, puwede?'' mabilis naman itong umalis na ikinatingin ko naman sa kanyang paglayo.
Nakita ko naman si Manang at napatingin siya kay Jack na ngayon'y nakahubad at nagsalit-salitan naman siya ng tingin sa akin para ko talaga siyang buntot makasunod.
''Oh, dumating kana pala. Sino iyang kasama mo? Huwag mong sabihin boyfrie--''
''No.'' hindi ko na siya pinatapos dahilan sa umakyat sa kuwarto.
Ramdam ko na hindi na sumunod si Jack sa kuwarto ko at baka hindi ako makapagpigil. Tadyakan ko mula dito sa itaas ng hagdanan. Mabilis lang naman ako magbihis at hindi ko inaasahan na akala ko'y maabutan ko pa dun si Jack, 'yun naman pala'y wala na.
''May tumawag sa kanya. Hindi na nga nag paalam din sa akin, nakakatuwa ang batang iyon. Hindi nauubusan ng--''
''Nangkayabangan sa katawan.'' Hindi ko na pinatapos si Manang dahilan alam kong gano'n si Jack, pero iba ang sinabi ni Manang.
''Hindi. Mabait na bata at nag-aalala sa'yo. Lalo na magkatagos ka, ikaw bata ka sabi ko sa'yo na baka magkaro'n ka, hindi ka nakikinig sa akin, buti pa ako'y alam ko ang araw at kung anong buwan ka magkakaro'n.'' mahabang lintanya ni Manang sa akin na ikinatingin ko na lamang.
''Oo na, alam ko na may pupuntahan pa ako, baka gabi na din ako makauwi isarado mo dito ng maigi.'' sabi ko dito at hindi na ako naghintay nang sasabihin pa niya dahilan na gusto ko bumisita sa mansyon kung nasaan ang mga aso ko, na bagong kuha.
Hindi kasi ito ang mansion kung saan talaga ako palaging naruroon. May bahay din naman ako sa Manila.
''Sure ka ba na kukuhain mo ang mga aso na iyan? Jusko! Cassidy, napakadami munang aso, kukuhain mo pa ang mga 'yan?'' maingay na sabi ni Gavv na akala mo siya ang mag-aalaga sa mga aso na kukuhain ko.
''Gusto mo bang isama pakita sa pag-ampon sa kanila? at du'n ka sa kuwarto nila maninirahan?'' saad ko dito na ikinatingin lamang nito sa mga aso at nakangiwi naman agad.
''No away, hindi ako nababagay sa mga aso.'' sabi lamang nito at pumirma din naman kasi kailangan ko siya. Hindi pwedeng ako lang sa dami kasi daw baka hindi ko naman daw kayanin sabi ng mga tao sa shelter. Mabuti na lamang inawat ako ni Gavv kung hindi, baka kasi magsalita na naman ako ng kakaiba at hindi nila matanggap na kahit sumama pa sila kaya ko sila buhayin. Tsk,
''Masaya kana?'' sabi pa ni Gavv na ngayon ay nasa mansyon at inaasikaso ang iilang mga aso ilabas. Ngumiti naman ako sa kanya at inirapan lamang ako nito, pero alam kong masaya din siya kapag masaya ako sa ginagawa ko.
''Thank you. Gavv,'' saad ko dito ng makalabas ang lahat nakita ko naman ang ngisi nito sa akin at parang alam ko na ito.
''Meryenda!'' bulyaw naman nito na ikinailing ko na lang sabi ko na nga ba.
Mabilis naman akong naghain ng mga kakainin niya at ng mga kasama nito mahirap na baka hindi pa ako makaulit sa kanya.
''Oh, mahal na reyna.'' sabi ko dito na ikinangiti lamang ni Gavv na ngayon ay busy makipaglandian sa mga lalaking tumulong sa kanya. Ang baklang ito wala din pinipiling landiin pati na din 'yong mga hindi naman kalandi-landi ay nilalandi.
''Tama na ang harot mo Gavv, nagpapasalamat ako sa'yo, pero ang makipaglandian sa harap ko masakit sa mata.'' saad ko dito at umalis. Masaya akong nakatingin sa mga alaga ko. Napakarami na nila lampas na talaga sila sa libo at hindi mauubos ang saya sa puso ko makatulong, pero may hinahanap pa ang puso ko iyon ay makahiganti sa taong pumaslang sa pamilya ko. 'Yun ang mas makakapanatag sa akin at walang hanggang saya.