CM-Chapter 2

3374 Words
Nakakawalang gana talaga ang mission na gusto sa aking ibigay ni Gavv, para ngayon pa lamang sumasakit na ang ulo ko sa tuwing magkakasalubong ang landas namin ni Jack. Hindi ko pa ba sa inyo na ikukuwento na nagkita na kami nito sa isang beach at masasabi ko'y hindi siya kailangan ng kompanya namin. Hindi siya normal at parang laro lamang sa kanya ang lahat, para bang kung siya ang magiging asawa ko habang ginagawa ko ang paghihiganti ay nagkaanak na ako ng sakit sa ulo. Napagawi ang mga mata ko sa isang lalaking nakatingin sa akin iniisip ko pa lamang siya'y mukhang ikasasakit kaagad ng ulo ko 'to. ''Bakit ka andito? Hindi puwede ang babae amazona sa bahay nila Syx.'' saad nito sa akin pero hindi ko ito pinansin at nag patuloy na lamang pumasok at hanapin ang pinsan kong si Fulvia. Ayoko naman masira ang araw ko pero saka na lamang siguro ang mission na pinapagawa sa akin ni Gavv. Napakunot na lamang ang kilay ko sa biglang pagharang ni Jack sa aking daraanan na s'yang ikinatingin ko na lamang sa kanya. ''Bingi ka ba?" aniya sa akin na parang simpleng pag-snob ko'y napipikon na siya. Kasalanan ko bang pinanganak siya para inisin lamang ako at lumayo na lamang sa kanya. ''Aalis ka sa daan o ako mismo ang magpapaalis para sa nalalapit mong katapu--'' ''Andito kana pala couz, pasensya kana hindi man lang kita na sundo sa labas ng gate namin.'' napatingin naman ako sa biglang pagdating ni Fulvia at nilalakihan ng mata si Jack na ngayon ay umalis at nauna pumasok sa loob. ''Dito na ba nakatira ang nakakairita na lalaking 'yon?'' saad ko na ikinangiwi naman ni Fulvia na para bang alam na niyang ayaw na ayaw ko sa kaibigan ng kanyang asawa pero dahilan nga sa mission ko din si Jack ay hindi ko din maiwasan na hindi mapaisip. ''Uy, relax ka lang naman. Alam ko na may hindi ka nagustuhan kay Jack pero sana, intindih--'' ''No." hindi ko na pinatapos pa si Fulvia ng sumagot ako sa kanyang tugon dahilan nga sa masyado akong naweweirduhan sa lalaking 'yon. Mabilis naman nalinawan si Fulvia at itinigil na lamang ang pagsasalita at iginaya ako papasok at nakita ko naman ang ilang mga alagad ni Hell na asawa ni Fulvia'y nakabantay sa mga paligid. Hindi ba't si Jack na ang susunod na Mafia bakit para bang sa bahay na ito pa din ang hide-out. ''Kamusta naman ang paghahanap mo ng katarungan kanilaTita?" napatingin naman ako kay Fulvia na ngayon ay deritsyo ang tingin sa daan pero alam ko na hinihintay niya ang kasagutan ko. Hindi naman ako nagtatago sa kanya dahil kilala ko din si Fulvia isa din siyang instrumento dati na ginawang assassin ng pamilya namin na silang dahilan kung bakit may isang bagay kaming kahinaan. Pero siguro nga'y kaya namin dalawa ang pumaslang at kaya namin ang walang awa pero iba pa din ang nararamdaman namin sa isang normal na tao. ''Kagaya pa din ng dati, nabubuhay ako para hanapin ang pumatay sa pamilya ko. Hindi pa din ako titigil.'' saad ko dito naikinatingin naman nito sa akin at ikinatango na lamang niya. Kahit naman pagsabihan niya akong itigil ko'y hindi ako titigil kilala niya ako. Puno ng puot at galit ang puso ko. Napansin ko na nasa pinakataas na pala kami ng kanilang bahay at nasa tapat na kami ng kanilang magarang pintuan at masasabi kong mukhang ang kuwarto nang kanilang anak ang nakabungad sa akin. ''Pasensya kana ah, sa'yo ko lang kasi napagkakatiwalaan ang pag alaala sa bata kaya sana naman na paki-bantayan muna si Maria.'' saad naman ni Fulvia ng buksan ang pintuan at bumungad sa akin ang malawak na kulay puting kuwarto at para bang plain lamang pero alam mong babae dahilan sa mga nakakalat na damit pangbabae. Gusto ko sana sabihin nagkamali kami ng pinasok at pang lalaki kaso nakita ko ang dres kaya hindi na ako nagsalita pa. ''Naku, ang batang 'yon talaga parang lalaki lamang kumilos kaya ganito kakalat ang kuwarto, pero pag usapang baril ang bilis.'' napatingin na lamang ako sa paligid at nakita ko ang mga larawan ni Maria napakagandang bata at version ng asawa ni Fulvia. Hindi naman ako nagsisisi na hindi ako nakapag asawa dahilan sa paghihiganting ginagawa ko pero mas ginusto na ng puso ko ang katagang hanapina ang nag umpisa nito. ''Tita!'' napatingin naman ako sa batang babaeng kakapasok lamang galing bintana at hindi na ako nagulat kung saan nagmana si Maria, napakabait ng kanyang pangalan pero ang kanyang ugali'y hindi mo gugustuhin. ''Ano ka bang bata ka! Hindi ba't sabi ko naman sa'yo, may pintuan. Paano kung makita ka ng Daddy mo?'' pagalit nasaad naman ni Fulvia ng makita niya ang anak na ngayon ay nakayakap sa akin. ''Huwag ka nga ri'yan, hindi ba't ugali mo din 'yan sa mga mission no'n pag hindi ka pinapayagan ng iyong ina makipag-party sa ibang kasamahan natin.'' saad ko sabay tawa na ikinatawa rin naman niya. Hindi naman ako masyadong seryoso minsan alam ko rin naman ang saya na tinatawag nila nakita ko naman natumakbo si Maria sa kanyang lamesa at may kinuhang kung ano du'n at mabilis na ipinakita sa akin angn baril na ikinataas ng kilay ko. Mukhang namana naman niya ang pagiging mahilig ng ina sa baril at mukhang hindi mo din gugustuhin na makipagtalo rito dahilan sa bawat hawak nito sa baril ay alam mong sa edad 6years old nito'y kay galing ng humawak. ''Tita, look I have a cute gun.'' saad nito sa akin at napangiti na lamang ako dito. ''Nakahiligan din niya talaga ang baril.'' saad ni Fulvia habang inaayos ang mga nakakalat. ''Mukhang mas magiging magaling pa sa'yo ang anak mo Via.'' saad ko na ikinaningning naman ng mata ni Maria. ''Talaga po?'' saad nito sa akin at mabilis ko naman inagaw ang kanyang baril at kinalas ang lakat ng 'yon. Bahagyang nagulat si Maria at nagbago 'yon ng mabilis ko rin naman ibinalik sa dati at ibinigay muli sa kanya. ''W-wow! Ang galing naman po.'' saad nito sa akin. ''Kapag natalo mo si Tita sa ganyan bibigyan kita ng mas magandang baril diyan. Mas matibay at mas maganda ipangbaril.'' saad ko na ikinalawak naman ng ngiti nito. Napatingin na lamang ako sa biglang pagbukas ng pintuan at nakita ko si Hell kasama si Jack na ngayon ay para bang buntot niya ito. ''Mukhang ang kinuha ninyong magbabantay siya pa ang magiging dahilan ng magiging rebelde ni Maria.'' rinig kong saad ni Jack na ikinangisi ko na lamang sa kanya. Mabilis ang mga galaw kong nakalapit sa kinaruruonan nito at ikinabigla na lamang nito. ''Magiging rebelde lamang ito kung ikaw ang magbabantay. Hindi ba't hindi mo naman bahay ito? Bakit andito ka?'' saad ko dito na ikinatingin na lamang sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit natulala ito sa mukha ko pero bigla din naman itong sumagot. ''B-bakit kaibigan nama--'' ''So? wala na kayong bahay?'' saad ko dito na ikinaismid naman ng tingin nito sa akin. Naiinis talaga ako sa kanya, hindi ko alam kung dahilan sa nireregla ba ako o talagang ayoko lamang sa taong ito. ''Tama na 'yan baka saan pa mauwi 'yan.'' saad naman ni Fulvia at mabilis naman akong ihiniwalay kay Jack. Ipinaliwanag nito sa akin lahat dahilan kailangan lang talaga nila makipagkita sa mga tauhan sa underground. Ayoko naman sana makasama si Jack dahilan hindi naman daw ito kasama pero no choice naman kaya mas maganda na lamang gawin ang mission ko sa kanya. Pero bago 'yun gusto ko muna aralin siya bago ko ipasok sa buhay ko si Jack na hindi nasisira ang mission ko sa paghihiganti. At lumapit ako sa kanya para paganahin ang mission na kahit hindi ko naman sana gusto. Pero, kailangan. Habang hinihimas ko ang kanyang balikat napansin ko ang paglunok niya at mabilis ako nito itinulak? Mabuti na lamang ay hindi ako nasubsob. Seryoso? Hindi naman siya mukhang bakla? Mukha nga siya sa aking Casanova. ''H-huwag mo nga akong lapitan.'' saad lamang nito na ikinatingin ko sa kanya. Mabilis akong tumayo at tinaasan siya ng kilay. "Bakla ka?" saad ko na sabi rito na ikinadilim naman ng mukha niya. Mabilis sana siyang lalapit sa akin, nang mabilis din akong umurong ng dahilan naman na ikinasubsob niya sa lapag. Face my revenge sa pagkakatulak mo sa akin. "What the!" aniya na napatayo kaagad. "Hindi ko kasalanan. Tat*nga-t*nga ka lang," saad ko dito at ngumisi. "Hindi. Ako bakla!" aniya na ikinatango ko naman at sabay ngisi. "Iniinsulto mo ba ako?" saad niya na ikinatawa ko at tinalikuran siya at naglakad paalis para hanapin si Maria at mukhang may kinaabalahan pa ito. Napansin ko naman ang pag sunod sa akin ni Jack na ikinaiinis ko. Gusto kong tawagan si Gavv at sabihin na ayoko na lamang tanggapin ang kaso naman ayoko naman sa mabahong hininga. Masama akong tumingin dito at gano'n din naman siya sa akin. Para kaming aso't pusa pero, ayoko lang dumidikit ang miski daliri nang isang ito sa balat ko. Kakaiba kasi nararamdaman ko at feeling ko sa kanya. "Putsh*! Walang ka preno, preno bibig. Kaya pala init ulo put* may regl--'' 'Di na niya na tapos ang sasabihin ng sipain ko siya sa mukha. Du'n siya tumalsik nang malakas at napadaing sa sakit na naramdaman na iinis na kasi ako. Pikunin pa naman ako sa mga bob* na tao. Napatingin ang nasa paligid, miski ang mga katulong ay naki-tsismis sa malakas na kalabog na nangyari kay Jack.. Kasalanan ko bang dumikit siya? "Talagang wala akong choice. Ngayon kundi sipain ka sa mukha! B'wisit!" Halos tumagilid napkin ko sa gag* na 'to! Aayusin ko pa mamaya. Nakakainis Mafia kaya talaga ang isang 'to? Mabilis naman 'tong tumayo at na napapahawak sa kanyang puwet na mukhang napuruhan siya du'n. "Put*! Aray ko ha! Pag ako talaga pumatol sa'yo, ewan ko lang, sinasabi ko sa'yo." aniya sa akin na ikinatingin ko na lamang sa kanya. Hindi ko na lamang ito pinansin at pinagpatuloy ang paghahanap sa binabantayan ko. "Hey, bawal kang mag-gaganyan kung mayro'n ka." Isang matangkad din na lalaki ang lumapit sa 'kin. Pero nagulat ako ng tatlong beses pinag-sasampal ni Jack, na ikinatingin ko lamang, napangiwi na lamang ako talaga sa ginawa nito sa bagong dating. Ang weird lang niya. "F*ck!" napamura ang lalaki sa ginawa ni Jack kahit ako ay napatingin ang weird naman niya talaga. Mabilis pa sa alaskwatro ang paglalakad ni Jack at umalis, pero sumilip at nalilisik ang mata sa lalaki ang creepy niya lang talaga. Hindi kaya ang mga kaibigan ni Hel Syx na engkanto sa mga laban nila? Hindi naman kasi normal ang mga kilos nila nakakatakot at mas lalo na si Jack, nakakatakot din siguro siya katabi at baka sakalin ka nalang. "Sh*t. Baliw na baliw na ang gag*." Natawa pa ang lalaki nakakatakot din tinawanan niya lang 'yung sampal, pero 'yung pisngi niya pulang-pula na. Napunta ba si Fulvia sa mga may sapak sa utak. Mabilis kong hinawakan ang baril ko at baka kasi mamaya ako naman ang sapian. Mas magandang handa ako sa mga mangyayari. Mas maganda na handa ako habang hinahanap si Maria saan man sulok ng mansyon nila. Andito kami ngayon sa sala at kalong ni Fulvia ang anak niya. Sabi niya'y bago sila umalis ay sasabayan niya muna daw ang kanilang anak dahilan nga sa hindi sana'y ang anak niyang wala sila habang kumakain. Napagawi naman ang tingin ko sa katapat ko na halos katihin ang kamay kong paslangin ang ito. Kung hindi ko nga lang siya mission matagal ko na din siyang tinapos kahit na hindi ko alam kung bakit ko siya gustong tapusin dahilan wala naman itong kasalanan pero kasalanan niyang mahina siya para sa akin. Hindi niya din kaya gampanan ang pagiging mafia hindi kagaya ni Hell na talagang naging mabango sa larangan ng pagiging mafia boss. Napangisi ako sa aking isipan ng maisip ko na sinasaksak ko si Jack. ''Ano't nakangisi ka diyan?'' aniya na mas pinakita ko sa kanya ang pag ngising gustong-gusto ko, pero nagulat ako nang mamula ito? Nagagalit ba siya? Ano'ng nakakagalit sa ginawa ko? "Oo nga pala. Kamusta kana? exciting pa rin ba ang mga mission mo? hindi ka ba nabo-boring?" Pagsisimula ni Fulvia magsalita. Ayaw kasi nilang nag uumpisa kami sa away ni Jack na siya din dahilan kaya nag-aaway kami. "Bakit ikaw? Masaya ka ba sa piling nang isang Devoncore." Napatingin naman 'to sa Asawa at ngumiti. Nakita ko naman ang mga titigan ng dalawa na para bang sinasabi nila na walang katumbas ang saya nila sa piling nang isa't-isa. Nakaka-op naman pag may ganito kang kasama sa bahay. Hindi mo siguro alam kung tatadyakan mo na lamang sila palabas. "You know what. Nakakamiss din pala magkamission kasama ka. 'Yong tipong na-e-excite ako mabuhayan ng dugo." Umupo ako ng maayos at tumingin sa kanya. Alam kong masaya at alam kong mas masaya siya ngayon sa buhay niya, kahit pa. Sabihin niya ang pagkamiss niya'y alam kong nakakasama siya sa mission ng kanyang mahal na Asawa. "Ikaw? kailan mo balak mag-asawa? Cass, ilan taon kana 26, pero mukhang inaalat ka yata sa pag-ibig?" Nagpapatawa siya. Madaming manliligaw, pero wala kong nagugustuhan. Tsk, Gusto ko ang trabaho ko at tapusin ang sinimulan ko habang nasa mission ako'y hinahanap ko din ang pumaslang sa pamilya ko. Alam ko may darating para sa akin, pero sa tamang panahon. napatingin ako sa mukha ni Jack na para bang hinihintay ang sa sabihin ko na ikinaikot na lamang ng bilog kong mata sa ere. "Nah, I'm happy, kahit mag-isa. Hindi ako nabubuhay para sa pag-ibig na 'yan, nandiyan ang mga aso ko para sa akin. Kahit na sila lamang ang makita ko sa araw-araw ay masaya na ako roon.'' mahabang lintanya ko habang napatingin sa pagkain. Walang sasaya pa sa akin kung ibabalik nilang buhay ang pamilya ko. Napayukom naman ang mga kamao ko at nagulat ako ng hawakan ni Fulvia ang kamay ko at ngumiti. ''Huwag muna pagkaisipin ang sinabi ko, kumain na tayo at baka lumamig pa ang pagkain at baka ma-late din kami ng pag alis.'' aniya at katahimikan ang namayani at alam kong nag iba ang aura ko dahilan sa huli kong sinabi. Hindi naman kasi masama hindi ba, at least masaya ako. ''What did you mean?'' kausap ko si Gavv sa cellphone ko. Dahil balak ko talaga sana siya kausapin, dahilan sa tapos na ang hapunan namin at umalis na ang mag asawa at pinatulog ko na din si Maria pero nagulat ako sa ibinalita sa akin ni Gavv. ''Hindi muna kailangan akitin si Guvrvon, sa katunayan ni'yan sila ang mismong lumapit sa 'kin para ang anak nila ang ipakasal sa Mafia Queen ang nag iisang taga pag-mana ng Smith, but hindi ko sana 'to sasabihin sa'yo. Dahil sabi nila'y sekreto lamang muna sa 'inyo.'' Mahabang paliwanag ni Gavv sa akin. Ano naman kaya ang balak ng pamilya ni Jack? Pero maganda narin kung gano'n. Hindi na ako mag iisip ng paraan para akitin pa 'to, pero ang iniisip ko lamang ano ang mangyayari kapag ikinasal ako sa lalaking 'yun sa gayong busy akong tao. Ayoko madikit at aksayahan ng akit ang lalaking 'yon, pero sa oras na ng kasal kailangan hiwalay kami ng kuwarto mahirap na mahawa pa ako sa isang 'yon. Hindi ako makakapayag na makasama ang lalaki na 'yon sa iisang kuwarto. At baka hindi ako makatulog at puro gulo lamang ang gawin ng isang 'yon sa buhay ko. ''Napatahimik ka? Mayroon ka bang kakaibang nararamdaman sa ipinigay nilang proposal? o iniisip mo ang paghihiganti mo'y magiging sagabal si Jack.'' aniya sa kabilang linya pero hindi ako umiimik. Kilala niya ako, nabubuhay lamang ako para sa paghihiganti pero ang ikasal ay wala sa isipin ko. ''Makinig ka, hindi naman magiging sagabal ito. Kilala ko sila, negosyo din ang nagpapagana sa utak nila. Hindi mahalaga sa kanila ang tunay na pagmamahal alam ko naman ang inaasam mo bessywapz.'' aniya sa akin na ikinahinga ko na lamang ng mabuti. Mabilis naman akong nag-isip at wala naman ako miski isa sa kanilang binangga. Lalo't alam kong pinsan ko si Fulvia, hindi siya gagawa ng bagay na alam niyang ikababagsak namin parehas. I think naman nawala at alam ko din naman na alam niya ito. At magsasabi sa kanya ang kanyang asawa na si Hell, ibabalita niya iyon sa kanya. Kung magsasabi ang Jack na iyon sa mga kaibigan niya. Baka gusto lamang palawakin ni Mister Guvrvon, ang kanyang nasasakupan kagaya ng iniisip ni Gavv, bukod pa do'n alam siguro niya na tat*nga-t*nga si Jack, at kailangan ng masasakupan na mas malakas ang kapit? o kailangan nang mapapangsawa ng maalipin? Hindi naman ako papayag sa mangyayari pag nagkataon na iyon ang iniisip nila dadanak muna ng dugo bago nila ako maalipin. ''No. Masyado lamang ako napagod, sabi ko naman kasi sa'yo. Katatapos ko lamang ng mission. Ngayon sinabak mo pa ako sa may sapak pa. Sinong hindi mapapagod? isa pa makakapaghintay ang mga magbabayad sa pamilya ko. Buhay ang kapalit at sisingilin ko kaya maghintay lamang sila.'' narinig ko na lamang ang pagbuntong ni Gavv. Alam ko naman nag aalala siya palagi sa akin, pero wala din naman siyang magagawa. ''Anyway, nakita ko ang ginawa mong pag-agaw ng buto sa mga aso! Nasisiraan kana ba talaga?! Paano kung namatay---" "At sino ang nagsabi sa'yo? na mamatay ako? Gavv Montefalco.'' saad ko dito na nag patahimik sa kanya. Hindi pa buhay ang papatay sa akin. Hindi pa. Straight siya ngayon magsalita siguro'y nasa opisina niya siya at kaharap ang mga bigatin na palagi niyang kameeting. ''Tsk, Alam kong hindi kana takot mamatay, pero Cass. Hindi mo kailangan gawin muli iyon, dito mo pala nakilala si Jack Adii dahil nahagip rin ito ng cctv.'' aniya sa akin sa kabilang linya. Nahihimigan ko ang pag-alala niya sa akin. Kahit na kasi bakla pa 'to. Mahilig pa rin kasi ito mag-alaga. Malambing din ito. Kaya't mabilis maloko! Marupok kasi talaga. "Oo na, sige na at may gagawin pa ako. Titignan ko pa ang pamangkin ko.'' saad ko dito na ikinabunmtong hininga lamang nito sa akin. Nahagip rin pala ng cctv ang bugok na 'yon. At pinatay ko na din ang tawag kailangan ko na umuwi at mag pahinga masyado pa akong maraming gagawin at stress sa puny*tang Jack na 'yon. Nagpaalam ako kay Fulvia ng makauwi sila hating gabi na. Ayaw pa nga sana niya ako pauwiin, pero sa huli'y nanalo narin ako at naawa siguro siya sa akin at pagod nga ako at kagagaling ko lang sa bakbak nitong ilang araw akong nawala mahabang pahinga sana ang gusto ko. 'Atsaka ko na po-problemahain ang pamilya Guvrvon. Mabilis akong umuwi sa bahay at ibinagsak ang katawan sa kama at napatingin sa Frame. ''Kamusta na kayo diyan. Mommy and Daddy?" saad ko na nakatingin sa isang family frame namin noon. Mapait akong napangiti namimiss ko na talaga sila. Tama! Pupunta ako sa kanila. Mabilis akong naligo at nag-ayos at sumakay sa aking kotse at pinaandar ang makina. Pupunta ako kung saan ko sila masisilayan. Napapaisip ako sa mga nakaraan na masaya akong nag-aaral at walang takot at walang pangamba. Naiiyak ako. Sana'y andito sila sa tabi ko. Sana'y andito sila kasama ko at masaya kami, pero hindi natapos lang ang isang gabi na iyon ay isang nakakatakot ang pang-yayari na mas nagpakaba sa akin mabilis kong na ipinireno ang kotse na ikinabusina naman ng kasunod kong sasakyan sa likod minura pa ako nito. Ibinaba ko ang salamin at nakita ko ang pagkaputla nito sa nakita niya ang inilabas ko 'yong baril at ang mga ngisi ko na hindi ako nag-da-dalawang isip pumatay sa mga sisira sa inisip ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD