Someone's Pov*
Habang palabas ako ng beach kung saan kami nakatuloy ngayon. Napatingin naman ako sa isang babae na may hawak na kung anong bagay sa kanyang palad at mabilis ang kilos nitong nanakbo? Sa paraan ng pagtakbo niya'y hindi ko maibaling sa iba ang mga mata ko nakafocus lang talaga ito sa kanya. At makikita mo rin dito ang kanyang pagkabihasa sa mabilis na galaw na ikinakunot naman ng noo ko. Hindi rin nakaligtas sa akin ang mapuputi't mahahabang legs nito habang nakasuot ito ng white polo-shirt at maong na short na abot hanggang tuhod nito. Sa pagiging Mafiaboss ko, never pa ako nakakita ng babaeng maganda na nakasuot ng gano'n at para pa din dyosang nanakbo sa daan.
Napakaganda niya. Matangos ang ilong. Mahahabang pilikmata. Magandang hugis ng katawan. Ang labi nitong napakaganda na parang ang sarap halikan. Napalunok na lamang ako at napakunot. Fu*k, an--ano'ng sinasabi ko? Ah? Hindi ako ganito sa iba at napakasimple lamang ng suot niya puwera sa ibang nakikita ko.
"B--but, why is she running?" Bulong ko sa sarili ko at napatingin na lamang dito.
Pero halos lagutan ako ng hininga ng hilahin nito ang sando ko at higitin ako ng malakas na puwersa nito na ikinabigla ko na lamang at napatakbo na lamang din ako. Kasabay nu'n ang pag ngisi 'to sa akin at kasabay nu'n ang karipas ko din ng takbo na hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito. At para bang ito na ang mas mabilis kong takbo sa buong buhay ko.
"F*ck! W--what's your problem? At baki--''
Nakita ko ang pagturo nito sa aming likod at halos manlaki ang mga mata ko sa aking nakikita. Hinahabol lang naman siya ng aso at na damay pa ako pa ang natutulog kong diwa sa paglabas sa mga kaibigan ko?
"Whatever. Ayoko may nadadamay sa mission ko, kung puwede nga lang ay iniwanan na sana kita para lapain ka sana sa pag ngiti-ngiti mo na parang sira kanina.'' saad nito habang tumatakbo. M--mission? Wait!? Titinitigan ko ng maigi ang mukha ng babaeng kalapit ko ngayon habang tumatakbo at hindi ko akalain na si Cassidy Smith ang Assassin at Mafia Queen ang nakikita ko. Kilala ito sa husay gumalaw at malinis gumawa sa trabaho at masasabi ko na hindi mo din s'ya gugustuhin magalit. Dahil iba ito sa lahat ng babae.
Nakita ko ang mga ngisi nito na alam kong alam niya na nakilala ko siya at mas mabilis talaga siya sa akin. Hindi naman ako magdadalawang isip na makipag-barilan sa mga asong ito pag ako ang sinakmal at hindi siya.
"Hindi rin pala kahambugan ang mayro'n ka. Pati na rin kahinaan ay taglay mo," Sumipol lang 'to, gano'n na lang ang gulat ko 'ay parang naul*l pa ang mga aso. Halos takasan na nga ako ng dugo sa ginawa ng babaeng 'to. Kaya't binilisan ko pa ang takbo at hinugot ko ang baril ko pero mabilis naman n'yang sinipa 'yun at wala naman akong nagawa ng malaglag ito sa buhangin at apakan na lamang ng mga asong humahabol sa amin. Fu*k! Ano bang problema nito.
''Bawal kang pumatay ngn inosente. Tandaan mo 'yan.'' aniya na mas naging katanungan sa akin habang tumatakbo ng mabilis. Nasaan ang mga inosente dito na halos mga baliw na aso ang humahabol sa amin para lamang yata sa mga hita namin. Kung ako din naman ang aso baka talaga na ul*l din ako sa mga hitang nakalantad sa akin ngayon, pero iba ang tipo ko at hindi siya.
Napatingin ako sa tinatahak namin at gano'n na lamang ang lunok ko na may harang ang dadaanan pero mas nagulat ako sa babae na katabi na walang kahirap-hirap na lumundag pataas at habang nasa ere 'ay walang kahirap-hirap na nginisihan ako naikinakunot naman ng noo ko. Parang slow motion pa ang nangyari nakangisi pa 'to, na mas nagpabilis sa akin puso. Ano'ng nangyayari sa akin?
"Kung ako sa'yo, bibilisan ko na ang pagtakbo bago pa ako malapa." Tumawa ito ng malakas at mas nakaganda sa mukha niya. Hindi ko na yata alam ang gagawin ko at mukhang nahulog ako sa isang ito ng mabilisan. Ang kagaya kong Mafiaboss maiinlove sa isang Assassin ginawa ng bisyo ang paghihiganti? No way!
"Pag sinabi kong talon, talon. Talon!" malakas nitong sigaw sa akin na ikinakunot ko na lamang ng noo at sinunod naman ng katawan ko ang sinabi niya pero mas nagulat ako na mabilis niyang kinuha ang kamay ko at tinulungan akong umangat patungo sa kanyang kinaroroonan. Halos hindi ko alam ang nangyayari sa akin dahilan walang tigil naman ang pagtibok ng puso ko sa paglapat ng amin mga kamay. Mabilis kong inagaw ang kamay ko sa kanya na ikinakunot na lamang niya. Hindi ko narinig ang mga sinabi nito pero na sasabi kong naiinis siya sa ginawa ko. Nakita ko ang mga aso sa baba at halos mabaliw na gusto kami nitong abutin kung nasaan kami ngayon.
"B--bakit ka ba hinahabol ng napakaraming aso na 'yan?" hinihingal kong saad pa dito. Pero walang sumasagot sa katanungan ko mga ilang minuto, kaya't na pag pasyahan ko na lamang tumingin sa kalapit ko at gano'n na lamang ang pag-iling ko ng mapansin kong wala na pala akong katabi. So, dinamay lamang niya ako sa mission niya sa kalokohan niya? Hinahamon ba talaga ako ng babae na 'yon?
END THE FLASH BACK*
Cassidy Smith's Pov*
Deri-derityo akong naglalakad patungo sa office ko. Wala kong pakialam sa mababanga ako. Ako ang boss dito. Subukan nilang humarang sa dinadaanan ko talagang pagsisisihan nilang isinilang pa sila sa mundong ito.
Nang makalabas ako sa elevator, ay agad nag-si-tinginan ang employado ko na para bang nakakita ng multo. Ganito talaga ako sa kanila wala kong emosyon na pinapakita sa kanila. P'unyeta! Pinapasahod ko ba sila para tumunganga? Tinaasan ko sila ng kilay't gano'n nalang ang iwas nila ng tingin, at nag kanya-kanyang puntahan sa mga lames nila. Masiyahin akong tao. Oo, pero sa trabaho ko? trabaho ay trabaho! Dapat seryoso tayo, para hindi tayo maghirap. Paano uunlad ang company na 'to kung gano'n sila.
Pagkadating ka sa office ay nanakbo agad ako sa sofa nyet*** buhay kong 'to. wala na bang mas exciting pa dito?! Nakaboring na talaga 'to, galing ako sa isang mission, pero hindi man lang ako pinag pawisan. Nakita ko ang mga papeles na nakakalat sa opisina ko at hindi ako nagkakamali sila talaga ang kumuha sa iilang bentahan ng mga aso sa bandang ito. Simula ng patayin nila ang mga mahal ko sa buhay ay panandalian silang hindi nagparamdam pero ngayon'y kumikilos na muli sila para sa druga.
Mabilis kong kinuyom ang papel. Gustong-gusto talaga nilang maglaro kami ng tagu-taguan, gusto nila nanglaro pagbibigyan ko sila maglalaro kami. Uunti-untiin ko silang lahat.
I kill them all..
FLASH BACK
"Hindi ako papayag sa pinag-gagawa nila. Ako ang lulutas sa mga aso na nasangkot sa druga." saad ko sa mga pulis na ngayon'y seryoso nakatingin sa akin.
"Ma'am, sigurado po ba kayo diyan?" saad nang isang pulis na para bang minamaliit ako. Mabilis kong sinipa ito sa mukha na ikinatalsik lamang niya sa isang gilid. Napatingin lamang ito sa akin na para ba siyang natakot sa aking ginawa sa kanya at masama ko din itong tinitigan. Hindi ako magdadalawang-isip paslangin sila ngayon, na mainit ang ulo ko'y huwag na nilang dagdagan pa. Ayoko pa naman na sinisira ang plano ko.
"Pinaka ayoko sa lahat minamaliit ako." saad ko at sabay labas ng baril na ikinabahala naman ni Gavv. Mabilis naman ang mga kilos niyang lumapit para awatin ako. Dahil talagang kumukulo ang dugo ko at hindi ko alam kung may makakapigil sa pa akin.
"Bakit kasi nakikialam kayo?! Hindi ninyo ba siya kilala? She' s Cassidy Smith, a Mafia Queen." sabi ni Gavv na ikinaputla naman ng mga pulis at para bang nabahag ang mga buntot nito at yumuko sa akin. Marunong naman pala makakilala ng mas nakakataas, pahihirapan pa talaga ako nang mga ito e.
Ewan ko ba! Pagdating sa mga aso o hayop, ay nag-ka-kaganito na naman ako. Sila kasi ang naging lakas ko nu'ng mga panahon na kailangan ko ng kasama. Kailangan ko ang kalinga at pag-ma-mahal.
Pinakaunang aso ko'y si George, na isang may lahi na aso at maliban kay George ay marami na rin talaga akong alaga. Hindi na ako nag-da-dalawang isip iligtas ang mga asong nasangkot. Sh*t! Kumukolo ang dugo ko pag naalala ko ang mga nakita ko.
"Now, saan ko puwede makasalubong ang mga taong iyan?" saad ko at mabilis naman ibinigay sa akin ang mission na para sa isa sa mga kasamahan ko. Ako nagagawa, gusto ko muli silang makita at ang mga kamay ko ang gagawa ng batas para paslangin silang lahat.
END THE FLASH BACK
Agad nag-bukas ang pintuan ng opisina ko at napatingin. Nasira lang naman ang pag-i-isip ko at alam ko kung sino 'yun. Sino pa nga ba 'yon, kundi ang kaibigan ko lang naman 'yan. Kinulang kasi 'to ng pansin no'ng panahon pinanganak kaya naging baklang gwapo.
"Bessywapz! Tangn* na busted ako tang*!" Agad ako napatingin sa luhaan niyang mga mata ang panget n'ya. 'Di joke lang! Kakasabi ko lamang na gwapo siya, pero juding lang talaga siya o magandang sabihin, bakla.
Kung hindi ko nga lang siya talaga nakilala no'n na mahirap pa ako at nagkadabaon-baon sa utang at siya lamang ang tumulong sa akin. Hindi ko naman mararanasan ito kung buhay lamang ang pamilya ko at hindi siguro ganito ako kalupit kung talagang hinayaan na niya kami mamuhay nang tahimik.
Napatingin naman ako kay Gavv na parang sirang nag-da-drama. Sayang nga at pinanganak siyang, bakla. Kinulang siguro sa sperm ang kanyang Daddy, kaya't hindi tuluyan naging lalaki ang dugo nang isang 'to. Mabilis akong umupo sa aking swivel chair at sumunod naman ito sa akin na para bang nabub'uang na yata.
Nag-iinarte. Wala naman kasing bago sa buhay niya, lalo't sa kanyang sitwasyon na parating iniiwanan luhaan. Kung nagpaka-lalaki na lamang siya'y baka dinagsa pa ng mga babae na maghahabol para hilingin na kanyang anakan.
"So? What's new." Nakapamewang kong sabi pa dito, na agad na ikinalapit nito at may pag hampas-hampas pa. Akala mo naman hindi lalaki. Ang laki kaya ng katawan niya. Umupo ito sa kaharap kong bangkuan at do'n parang nagda-drama na ikinataas ko na lamang ng kilay.
"Ang bad mo talaga sa'kin. Bessywapz, nakikita mo naman heart broken, akesh! Tapos ganyan." Gavv said with matching paawa effect.
Kung puwede nga lang asawahin ko na lamang at patusin na lamang 'to, dahilan wala na din akong talo kay Gavv sa gwapo ba naman din nito at mabait, sligth.
'Yun lang ay, mas babae pa sa akin kumilos ang isang ito. Ano naman ang magagawa ko? Atsaka, kahit naman siguro hindi ma-involve ang pagmamahal sa amin dahil ikutin man ang mundo wala na akong ibang nararamdaman sa puso ko kundi ang mag higanti.
"Pang ilang beses muna bang lumuluha 'yan. Madami ng beses na, kaya. Nakakadiri ka alam mo 'yon, 'di kana nag-sawa. 'Atsaka, paano magkakagusto sa'yo 'yun. Halos napakagwapo mo. Ang ganda ng katawan. Tapos, puny*ta?! Bakla ka lang? o baka. Ako talaga future mo 'di ba?" Natawa ako sa reaksyon n'ya na magkanda suka-saku sa mga nasabi ko wala yata talagang pag-asa pa ang gag* na 'to.
May hawak pang nagaganap sa tiyan niya na ikinaikot na lamang ng eyeballs ko sa baklang 'to, bakit ba kasi sa daming pwedeng tumagal. Sa isa pang 'to ako nakipagkaibigan.
"Ewww.... Kung ikaw na ang natitirang babae sa mundo. 'Wag na lang maganda ka naman, pero mas maganda ako! 'Duh!" Gavv said with kayabangan. Palaging kayabangan at puro sariling puri na lamang niya, pero hindi naman niya maamin sa Daddy niya na isa siyang bakla.
BAKLANG NAGKAKATAWANG LALAKI!
"Sige, du'n nalang sa aso kong si George. Ipapatira kita, para maranasan mo magka-jowa kana naman." 'Di ko talaga maugalian ang biruin s'ya kilala na naman niya ako na ganito.
Nakita ko naman ang pagtingin nito sa akin at tumaas ng kilay at ngumisi.
''Nagsalita naman ang may-jowa?'' aniya na makahulugan na tumingin naman sa akin. Naikinaikot na lamang ng mata ko sa kanya.
"So, kamusta ang mission sa libo-libong aso na nasangkot?" pag-iiba ng usapan ni Gavv, na ikinaseryoso ko rin naman.
Mabilis kong inilabas ang itim na envelop na naglalaman ng isang mission na tanda na Mission Completed!
Mabilis naman nito binasa ang lahat at nakita ko ang pagkaputla na naman ng mukha niya. Nakita niya ang mga duguang tao at nagkalat kung sa'n ang mga bangkay nito na mas ikinangisi ko naman ng malaki. Pero ang hindi ko mahanap ang pinakapinuno sa pagpaslang sa pamilya ko, huwag siyang mag alala, magtago siya hanggaty gusto niya dahil sa oras na magkaharap kami wala akong ititira miski dugo pa niya.
"Omygod! Pinatay mo lahat? Cassidy!" aniya at masama akong tiningnan.
Napatayo na lamang ito sa akin at napaikot-ikot na para bang nag-iisip na naman ng kanyang gagawin. Pag may taga kalat. Syempre, may taga linis.
"What? Dapat lamang iyon sa kanila. Kulang pa 'yong ginawa ko sa pagbiyak nila sa tiyan ng mga aso." sabi ko pa dito na ikinatingin niya muli sa akin, at umiling-iling na lamang. Pinag masdan niya ang mga kinuhaan ng ibang assassin sa kagagawan ko din at alam ko naman na magsusumbong talaga sila kay Gavv.
"Ano pa nga bang magagawa ko. Lilinisin ko na naman ang pangalan mo." Aniya sa akin at inilabag kung sa'n ang envelop.
"Gawain mo 'yon." saad ko dito na ikinahilot na lamang niya sa sentido.
Inikutan lang naman ako ng mga mata nito at nakita ko ang pagseseryoso ng mukha niya na ikinatingin ko sa inilabas niyang puting envelop?
"Anyway, Cass. May ipapagawa pala ako sa'yo, kaya ako pumunta rito." Bigla 'tong nagseryoso na ikinangiti ko naman, para bang masisiyahan ako sa ipapagawa niya sa akin. Hindi 'yong stress ko sa mission ko.
Inayos ko ang pagkakaupo at alam kong hindi na siguro magiging boring ang araw ko kung talagang bibigyan niya ako ng magandang laban.
"Hmmm.. I smell something exciting," Agad ako lumapit dito at umupo ng maayos. Nakita ko naman na inilabag na niya ang puting envelop at tumingin sa akin ng makahulugan na ikinangisi ko na lamang sa kanya.
Bigla niyang nilabas ang isang picture at kinuha ko puny*t* sa dami-daming tatrabahuhin ito. Pang b*bo na 'to?! Jack Adii Guvrvon, puny*t* tinadhana yata kami mag-war nito sa araw-araw. Nagpalit-palit ang tingin ko sa picture at kay Gavv, hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ako kab'wisit sa Jack Adii na 'yon, pero ayoko talaga sa kanya. I'm a serious person at minsan may sapak din talaga ako sa utak. Pero, ang makasama ang kagaya ni Jack ay para na akong lalagnatin.
"Sure, ka? Mafiaboss ang kup*l na 'to?" Napanganga 'to sa sinabi ko ay Oo nga pala. 'Di niya alam na Asawa ng pinsan ko ang pinakakilalang Mafiaboss sa buong Asia.
Hell Syx Devoncore. The Mafiaboss.
Gusto ko nalang matulog kung tatrabahuhin ko ang isang 'to. Hindi ko ma-gu-gustuhan ang ingay nito. Lalo na ang kanyang kayabangan. Nabub'wisit din ako sa ingay ni Jack na hindi ko magugustuhan makasama. Nakakaboring ang ipapagawa niya, pero kung ipapatay niya sa akin ang isang 'yan hindi ako mag-da-dalawang isip. Baka sumang-ayon naman ako sa ipapagawa niya.
"Huwag kana mag tanong, malamang. Assassin ako? Alam ko lahat. So, ano naman gagawin ko sa isang 'to?" Nakakawalang-gana pa yata ang araw na 'to. Ngayon pa lamang ay parang nakakapagod pala. Hindi na sana ako pumasok sa trabaho, nagpahinga na lamang sana ako.
"Aakitin mo siya, gamit ang ganda mo, o 'di ba, pack na pack!" masayang saad nito. Masama ko siyang tinitigan at hindi na ako makakapagtimpi sa isang ito, parang mas gusto ko din siyang unahin.
Kung siya ang ipackage ko, tapos itapon ko sa ilog pasig? Hindi ba't mas masaya 'yon?
"Sa iba mo nalang ipagawa. May sakit ako. Magpapahinga ako, kakatapos ko lang nang mission." sabi ko at tumayong pumunta sa swivel chair ko at umupo do'n. Seryoso parang sa sakit pa ulo ko.
Tumayo naman sa gilid ko si Gavv at hinilot ang sentido ko. Napansin din yata niya na biglang nagbago ang mood ko sa balita niya.
"Cass, kailangan natin siya, maganda ang hawak niyang kompanya. Malalaki ang ipon sa bangko. Isipin mo nalang pagna-akit mo siya, ba-boom! Atin na lahat at maka-kasama tayo sa list ng Mafia world."saad nito with action na parang timang na ikinaikot lamang ng eyeballs ko. Ano tingin niya sa 'kin? Pipitsyugin na Mafia? I'm a number one assassin in Asia baka nakakalimutan niya.
Napatingin ako sa lamesa ko madami din pala akong gagawin, pero saglit lang naman 'to para sa akin alam ko naman na kaya kong tapusin agad 'to.
Pero alam kung hindi titigil ang baklang nasa tabi ko ngayon. Ano pa bang gagawin ko? mag dahilan? tsk,
"Are insulting me? Mafia Queen ang kaharap mo. Sa tingin mo ba kailangan ko pa ng pera? Gusto mo bilhin na din kita?" Ngumisi lang 'to nang nakakatakot 'yung parang nasisiraan na siya ng bait.
Mas malala pa siya sa mga aso ko pag-nagugutom.
Lumapit ang mukha nito sa akin na para bang ayaw niyang marinig pa ng iba ang gusto niyang sabihin. Minsan nakakatakot na din 'to si Gavv, lahat gagawin, para mapataas lamang ang mga negosyo na nakaabang sa amin.
"Alam kong ma-pera ka, pero itech. Iba! Mas maganda ngayon. Jack Adii Gurvon, is a Mafia Prince, siya na ang papalit sa kaibigan niyang si Hell Syx Devoncre, alam mo, mas mapapaganda at matatakot sila pag nagsanib puwersa ang mga kilalang Mafia." May point siya pero 'yung bugok na Jack 'yun na parang nakakainis naman akitin 'yun. 'Atsaka mukha din 'yun playboy, baka magkavirus ako nito.
Hindi ko lang makakayanan ang akitin ang isang 'yon, baka nga pag nagkadikit ang aming mga katawan ay hindi ko na masikmura at masikmuraan ko pa siya sa mukha. Wala siyang mukha for me.
"Wala kabang ibang aakit sa kanya?" sagot ko, pero alam ko naman ako talaga ang ina-assign niya. Nag-isip naman bahagya si Gavv na ikinatingin lamang sa akin at umiling siya. 'Yong iling niya parang ayaw pa niya talaga mag-isip nang panibagong i-aassign sa pinagagawa niyang mission sa akin.
"Hindi naman pwedeng si Alice ang ipaakit do'n. Maganda 'yon. Pero, palpak! Ikaw na lamang, maganda ka at sure ako na magagawa mo ang mission at walang hindi mo nagagawa." Nauntog na siguro bunbunan ng gag* na 'to. Akala niya makukumbinsi niya ako. Porke, sinabihan niya akong maganda. Alam ko naman 'yun matagal na tsk!
Baka nga, hindi lang pag-akit gawin ko du'n. patayin ko kaya? 'yon ang puwede ko pang-gawin talaga sa lalaking 'yon.
"Ayaw mo? Sige, Kurl nalang i-sama mo." Nalukot agad ang mukha ko ang bango ng name. 'Yung may-ari mabaho punyet* banggitin palang, parang 'yung hininga andito na mapanakit.
''Hindi mo ba kaya mag-iisa?'' nakakalokong sabi ni Gavv sa akin na ikinatigin ko sa kanya ng masama.
''Ikaw mag-isa ang aakit o isasama mo si Kurt? choose.'' aniya na parang tang* na tumatawa pa ng kakaiba.
Walang maganda sa pag-pipilian.
"Eww, tangn* na 'yan, ako nalang!'' sabay tayo ko at tumingin sa kanya.
Naikina-ningning naman ng kanyang mga mata. Tsk, bakit ba kasi ako kumuha nang business partner na sira*** din.
'Atsaka iniisip ko palang talaga na gawin ang gusto ni Gavv, kinikilabutan na ako sa nangyayari sa future ko! Masisira yata kinabukasan ko.
Oo, aaminin ko na gwapo naman talaga ang lalaking 'yon kung tutuosin. Pero, iba pa din ang tabas ng utak ng isang 'yun kakaiba kasi mag-isip.
Biglang tumunog ang cellphone ko at napangiti ako ng makita ko ang pangalan na lumabas sa screen ng caller.
Fulvia's calling....
"What?" sabi ko dito para 'di mahalata excite ko at talagang kailangan na kailangan ko siya talaga.
At alam kong malakas din ang pakiramdam ng isang 'to, syempre isa din siyang Smith. Kumbaga, alam na namin ang galaw ng kanya-kanyang bituka ng tao.
"Punta ka dito sa bahay. May gagawin kasi kami mag-asawa, tapos walang magbabantay sa pamangkin mo. Naisip kita. Kaya please, pumunta ka dito ngayon na." Napakabait ng salita. Pero, may tinatagong kademonyohan. Sabagay pamilya namin 'yan.
Napakunot-noo naman ako bakit wala naman na banggit sa akin si Gavv na may meeting ang mga Mafia? Isa din naman akong Mafia?
Napailing-iling na lamang ako. Siguro'y magda-date sila at gusto na naman ng Hell Syx, na 'yon na masulo ang kanyang asawa.
"I'm a Mafia Queen, hindi mo ako maloloko." saad ko dito na ikinahagikgik naman niya, so mag-di-date nga sila.
"Okay fine, may date kami. Sige na--"
"Stop talking like that. Okay, I go." saad ko dahilan sa naririnig ko ang kanyang baby talk. Hindi ako sana'y babalian ko na siya ng buto. Tumawa naman ito sa kabilang linya at nagpaalam kaya mabilis ko din naman binabaan.
Mukhang hindi naman niya natunugan.
Pinaandar ko ang kotse ko at hinanap ang number ni Gavv, para ibalita sa kanya na heto na ang mission ko at nag-uumpisa na siya.
''Aayaw kana naman?'' bungad ni Gavv sa akin.
''Siguraduhin mo lamang talaga na may mapapala ako sa pinagagawa mo sa akin. Kundi, alam mo ang kaparusahan ng isang Smith.'' Ani ko na ikina-lunok lamang niya sa kabilang linya. Narinig ko matalas ang pandinig ko lalo't sa mga galaw nito.
''Ofcourse. I know Cassidy, mag-tiwala ka sa 'kin. At bakit ka nga pala napatawag? hindi ba't kakaalis mo lamang?'' lintanya niyang sabi sa akin.
''Dahil papunta na ako sa pinagtatambayan ng pina-ta-tarabho mo sa 'kin ngayon.'' sabi ko sa kanya na ikinatili naman ni Gavv?
Ano na 'yon? para sa'n naman ang tili na 'yon?
''What the h*ll? para sa'n ang pagtili mo?'' sabi ko sa kanya na iniluko ang aking kotse ng makarating kanila Fulvia.
Hindi naman kasi gaano'ng kalayuan 'to sa opisina ko. Kung sinisipag naman ako o walang ginagawa, puwede akong pumunta. Pero, hindi ko lamang talaga magawa at busy.
''Wala lang iniisip ko ang loveteam ninyo ni Mister, Guvrvon nakakaexcite!'' aniya na nagtitili pa.
"Pag hindi ka tumigil. Ikaw ila-loveteam ko kay Kurt." saad ko dito na rinig ko ang pag-ubi naman nito sa kabilang linya.
"Hindi ka naman mabiro! Sige na, ingat ka! Love you." aniya sa kabilang linya na may pa gano'n pa ang bakla. Nag-uumpisa pa lamang ay sumasakit na ang ulo ko.