ARAW ng Linggo, hindi pa rin umuuwi si Wendy sa bahay nila. Nanatili pa rin siya sa bahay nina Star.
"Ayaw mo pa rin bang umuwi sa inyo?" natanong ni Star.
"Uuwi ako mamaya. Parang ipinagtatabuyan mo ako, ah." Parang nagtatampo naman na tugon ni Wendy sa kaibigan.
"Sira! Siyempre, may pasok na tayo bukas. At parang wala kang interes na umuwi sa bahay niyo."
Napahinga ng malalim si Wendy. "Parang mas gusto ko muna sa inyo. Walang tension at saka wala akong isipin, ano. Kesa naman nasa bahay ako. Tatanda lang ako ng mabilis r'on."
Napailing na lamang si Star sa kaibigan. Masama pa rin talaga ang loob nito sa Mama niya. Bakit hindi na lamang kasi tanggapin ang lahat? Puwede naman 'yon.
"Ikaw ang bahala. Saan mo ba gustong pumunta? Tutal, bukas pa naman ang pasok natin."
"Gusto ko sanang magbar tayo. May maaga namang nagbubukas, di ba?" sagot ni Wendy. Nakaisip na naman ito ng kalokohan.
"Bawal tayo r'on. Under age palang tayo, tiyak na hindi tayo makakapasok."
Napaisip si Wendy. "E, 'di dapat may gawin tayo para makapasok tayo sa loob ng bar. Hindi naman ata 'yon mahirap?"
"Ewan ko sayo. Baka mapahamak pa tayo sa naiisip mo. Nagrerebelde ka sa Mama mo, sarili mo lang ang pinapasama mo," sabi ni Star.
"Sinesermunan mo na naman ako. E, kung ayaw mong sumama. Ako na lang," buladas ni Wendy saka tumayo at pumunta ng banyo.
Kinagabihan, hindi nagpapiit si Wendy na pumunta sa bar. Naka-all black silang dalawa ni Star at ang mga kapal ng make up nila. Nagmukha tuloy silang matanda sa klase ng make up na ginamit.
"Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin nating ito. Tingnan mo nga ang ayos nating dalawa. Daig pa natin ang mga pokpok nito sa damit natin," naiiritang sabi ni Star.
"Huwag ka ng magreklamo, Star. Andito na tayo. Saka samahan mo na akong makalimot."
Napailing si Star. Ito ang klase ng paglimot ni Wendy. Isinasama pa siya sa kabalbalan nito. Baka may makamukha sa kanila sa isumbong pa siya sa daddy niya. Grounded siya 'pag nagkataon. Ang malala pa ay baka bawasan pa ang kanyang allowance.
Hinawakan ni Wendy ang kamay ng kaibigan at nakisabay sila sa mga taong pumapasok sa loob ng bar. Diretso lang sila at hindi nagpahalatang mga minor. At nang makalampas sila sa mga nagbabantay ay doon lamang nakahinga ng maluwag ang magkaibigan.
"Ang galing natin!" Masayang turan ni Wendy.
"Yes. Magaling ka. Ang galing mong lusutan na hindi man lang nila nalaman na sixteen pa lang tayong dal'wa," tila may inis na sabi ni Star.
Malalaki silang bulas na mga bata. Si Wendy ay nasa 5'5 na at si Star ay 5'2. Sa tangkad nila ay napapagkamalan na silang nasa disi otso. Balingkinitan ang mga katawan nilang pareho. Walang itulak kabigin sa ganda, lalo na si Wendy.
Ang mga mata nito na sobrang lamlam. Makinis din ang kanyang balat na alaga ng kanyang Mama. Tamad siya para sa mga kung anong kolerete kaya nga hilamos lang sa mukha ay sapat na sa kanya.
"I-enjoy na lang natin habang nasa loob tayo. I want to try the beer," nasisiyahang turan ni Wendy. At hinila si Star papunta sa bakanteng upuan.
Nanlaki ang mata ni Star. Titikman talaga nito ang beer? Malala na ang case ng kaibigan niya. Dapat hindi sila sa bar nag-a-unwind. Dapt sa mall or sa park. Puwede ring pumunta sila sa mga museum. Mamasyal sa mga magagandang pasyalan. Hindi sa bar na, madilim, maingay, at maraming lasing.
Nang makahanap silang magkaibigan ng puwesto ay nag-order agad ng maiinom at pagkain ni Wendy.
"Akala ko ba wala kang pera? Saan mo nakuha ang perang ipapambayad mo?" sunod-sunod na mga tanong ni Star.
Napaikot ang mata ni Wendy. Kanina pa siya sinusuway ng kaibigan niya. Andito nga sila para magsaya, hindi para kulitin siya at sabihin na hindi tama ang ginagawa niya. Pati ang perang ginamit niya ay kinukwestiyon nito.
"Star, naipon ko ito sa mga baon ko. Saka minsan lang ito. First and last na pagpunta natin sa bar."
"Sinabi mo 'yan. Sana lang hindi ka maging lasenggera sa ginagawa mo," ani pa ni Star. "Bahala ka na nga, kung anong gusto mong gawin sa buhay mo," dagdag pa niya. Naiinis na talaga siya sa inaakto ng kaibigan niya. Ayaw naman niya itong mapasama kaya nga sinasahaman niya ito.
Isang oras ang lumipas napansin ni Star na lasing na si Wendy. Wala itong pakialam na nagsasayaw sa dance floor. Nakakapanlumo na tila wala na ito sa sarili na gumigiling sa harapan ng kasayaw nitong lalaki.
Naiinis na siya sa inaakto nito. Sobrang rebelde.
Tumayo na siya at pinuntahan ang kaibigan niya. Hinawi ang lalaking kasayaw nito. Atsaka agad niya itong hinawakan sa braso.
"Wendy, halika na. Umuwi na tayo. Lasing na lasing ka na," aya niya sa kaibigan.
Sinalag lang ni Wendy ang kamay niya. "We're dancing, Star. Hindi pa tapos ang tugtog, oh." Tanggi ni Wendy at muling sumayaw.
Bumalik ang lalaking kasayaw ni Wendy at sabay na silang gumigiling sa maharot na musika.
Napatiim si Star at mahigpit na hinawakan sa kamay ang kaibiga. Hinila niya ito paalis sa dance floor. Panay naman ang protesta nito. Hindi niya ito pinapansin at patuloy niya itong hinila palabas ng bar.
"Ano ba! Nagsasayaw pa ang tao, e. Kung gusto mong umuwi, umuwi kang mag-isa!"
Nagulat si Star sa narinig mula kay Wendy. "Gusto mo talagang mapahamak ka? Concern lang sayo, Wendy. Hindi na kita kilala habang sumasayaw ka na walang pakialam. Kahit na nahihipuan ka na ng lalaking kasayaw mo! Ito ba ang sinasabi mong fun? Para kang pakawala sa loob!"
Nagpanting ang tenga ni Wendy. Umigkas ang kamay niya sa pisngi ni Star. Natitigilan na napahawak si Star sa kanyang pisngi na sinampal ng kaibigan.
Natauhan si Wendy sa nagawa. Hindi niya dapat sinampal si Star.
"I-I'm sorry, Star. Hindi ko sinasadya," sising-sisi na humingi siya ng paumanhin.
"Wendy, kaibigan mo ako! Sinasamahan kita sa lahat ng lakad mo. Sa lahat ng kalokohan, magkakampi tayo. Pero parang ngayon hindi na kaibigan ang turing mo sa akin. Hindi mo ako kaaway! Inilalayo lang kita sa masama. Kung minamasama mo ang lahat ng ginagawa ko for you. I'm sorry. Pero sana naisip mo kung ano ang halaga ko sayo. Umuwi na tayo, ihahatid pa kita sa bahay niyo," mga nasabi ni Star. Saka tumalikod kay Wendy.
Tumulo ang luha niya at mabilis ding pinunasan.
Habang si Wendy ay gustong yakapin ang kaibigan at humingi ng kapatawaran. Maling-mali ang ginawa. Gusto kong magalit dahil sa ginawa mo sa akin. Pero kaibigan kita. Sana hindi mo na uulitin na saktan ako ulit. Dahil kapag mangyari 'yon. Kakalimutan ko lahat-lahat ng mga pinagsamahan nating dal'wa."