SMHN 5

1070 Words
NAKARATING sila sa bahay nina Star na hindi nagkikibuan. Gusto man ni Wendy na kausapin ang kaibigan. Nahihiya siya sa kanyang pagkakamali. Nakapasok sila sa bahay na walang nakakapansin. Wala ang mga magulang ni Star, nasa out of town business meeting ang mga ito. Tanging mga katulong at driver ang kasama nito sa bahay. "Star, I'm really sorry. Nabigla lang ako kaya nasampal kita," lakas loob na sabi ni Wendy. Paakyat na sana ito sa hagdan nang napahinto at hinarap siya. "Huwag na nating pag-usapan. Ano pa ba ang magagawa ko? Nagawa mo na akong saktan. Ang ikinasasama ng loob ko, hindi mo na-appreciate ang lahat ng effort ko bilang kaibigan mo." "That is why I feel very sorry, Star. Patawarin mo na ako. Hindi ko talaga sinasadya ang ginawa ko," mangiyak-ngiyak na sambit ni Wendy. Hindi niya dapat ginawa na saktan ng pisikal ang kaibigan. Nag-aalala lang ito sa kanya. Naglakad palapit si Star kay Wendy. Hinawakan nito ang kamay ng kaibigan. "Ako rin, patawarin mo ako. Nakabitaw ako ng hindi magandang salita." "Tama lang ang sinabi mo. Nang matauhan ako. Mali ako, aaminin kong ako ang may kasalanan. At hindi mo kailangan na humingi sa akin ng tawad," ani ni Wendy at niyakap si Star. Gumanti ng yakap ang kaibigan niya at pinunasan niya ang takas na mga luha sa kanyang mata. "Bati na tayo. Sana huwag na tatong mag-away, Wendy." Napailing siya. "Mag-aaway pa rin tayo pero magbabati la rin. Tunay tayong magkaibigan, di ba?" Napangiti si Wendy sa tinuran ng kaibigan niya. May mga away at bati man. Mananatili pa rin silang magkaibigan ni Star. "Kumain muna tayo bago matulog. Nagugutom na ako," aya niya na hinimas pa ang tiyan. Natawa ng malakas ang kaibigan niya. "Sa nagugutom na ang tao." "Ikaw lang kayo ang kumain ng mga pulutan sa bar. Tapos gutom ka na naman. Ano ba ang nasa tiyan mo, Wendy? Sawa na ba?" Nanlaki ang mata ni Wendy at napatiim. "Hala, ka! Anong palagay mo sa akin, may bulate? Ganito lang talaga ako, mabilis magutom." "Ang sabihin mo gutumin ka talaga. Kahit noong elementary tayo. Ganyan ka na. Halika na nga. Baka mag-away na naman tayo. Kasi ginutom kita," tudyo ni Star. Sinundan nila iyon ng malakas na tawa. Saka nakaakbay siya kay Wendy habang naglalakad papunta sa kusina. Nang matapos silang kumain, nasa kuwarto na sila. Lunes na bukas at may pasok na sila. "Hindi ka pa ba uuwi, Wendy? Saka hindi ba nag-aalala ang Mama mo sayo?" "Bukas na ako uuwi ng umaga. Hindi ako hahanapin 'non. Siyempre busy 'yon sa bagong lovelife niya," aniya. "Matulog na nga tayo. Bukas, maaga ka umuwi. May exam tayo, bawal ma-late," sabi naman ni Star. "Opo, Mama. Matutulog na po." Natatawang tugon ni Wendy. "Pareho ba kami ng Mama mo?" "Sinabi mo pa. Ganyan na ganyan siya sa akin minsan," natatawang biro ni Wendy sa kaibigan. Napasimangot naman si Star at kunwari'y galit. Napansin ang inasal ng kaibigan niya. Nagbibiro lamang naman siya at hindi totoo ang sinabi niya. Naalarma siya nang tumalikod si Star sa kanya. "Hala! Nagbibiro lang ako. Sorry," hingi niya ng paumanhin. Hindi pa rin siya pinansin ng kaibigan at nanatili itong nakatalikod sa kanya. "Hoy, Star. Sorry na. Please, patawarih mo na ako. Harap ka na at kausapin mo ako." Palihim na humagikhik si Star. Mayamaya ay humarap na siya sa kaibigan niya na nakabelat. Napahinga ng maluwag si Wendy saka tumawa ng malakas. Tumawa rin si Star sa kalokohang ginawa. Nakatulog na si Star sa tabi ni Wendy. Hindi siya dalawin ng antok dahil iniisip pa rin ang Mama niya. Alas singko ng umaga ng magpaalam si Wendy na uuwi na sa kanila. Nang makapaghanda na siya sa pagpasok. Pagkarating niya sa bahay, nadatnan niya ang Mama niya na naaa kusina. Nagluluto na agad ito. "Ma..." Napalingon si Amor sa tumawag sa kanya. Agad siyang napangiti nang makita si Wendy. "Good morning, Wendy. Ipinaghanda na kita ng almusal mo. Maligo ka na at ng makakain ka na," masiglang bati niya. Ikinataka ni Wendy na hindi man lang nagtanong ang ina sa kanya. Lunes na siya na umuwi sa bahay. Ni hindi siya mismo inusisa kung anong ginawa niya sa dalawang araw na wala. "Sige po. Punta na po alo sa kuwarto ko," paalam niya at tinanguan siya ng Mama niya. Pagkapasok sa loob ng kanyang kuwarto ay pansin na niya ang kanyang uniform na plantsado na nakahanger. Dumiretso siyang naglakad papunta sa harap ng cabinet. Kumuha siya ng underwear na isusuot at towel. Muling lumabas ng kuwarto si Wendy at napagmasdan ang ina. Masigla ito na sumasayaw sayaw pa. Halatang masaya ito na parang ang gaan ng pakiramdam. Napapailing na lang siya na pumunta na sa banyo para maligo. Sandali lang siya naligo at lumabas na ng banyo. Nakatapos lang siya ng tuwalya, ikinukubli ang kahubaran. Napatigil siya ng may makitang nakatalikod sa kanya habang kaharap nito ang Mama niya. "Magbihis ka na at sumunod ka na rito sa amin, Wendy," sabi ng Mama niya. Napalingon ang lalaki at napipilan siyang makita si Uncle Sam. Napahawak siya ng mahigpit sa towel niyang nakatapis sa kanya. "Hi, Wendy. Dalawang araw kang wala, ah. Saan ka nagpunta?" Sasagot na sana siya ang unahan siyang Mama niya. "Sa kaklase niya. Nagrequest na magsleep over daw siya. Kaya pinayagan ko na." Napairap na lang si Wendy. Saka iniwan ang dalawa sa kusina. Inis na isinarado niya ang pinto ng kuwarto niya. Ang aga aga andito na sa apartment nila ang landlord nila. Wala ba itong trabaho at dito pa talaga mag aalmusal. Ang Mama naman niya ay panay ang ngiti. Ang lawak ng ngiti na parang nagdadalaga. "Nakakainis!" Nang matapos makapagbihis si Wendy ay lumabas siya ng kuwarto. Nakasukbit na ang bag niya sa kanya. Napatigil siya ng makita pa rin si Uncle Sam. Nagtatawanan sila ng Mama niya at panay ang hampas sa balikat ng lalaki. Magkatabi na rin sila na parehong nakatalikod sa kanya. "Sa eskwelahan na po ako mag aalmusal, Mama. Aalis na po ako," aniya. Sabay na lumingon sina Uncle Sam at Mama niya sa kanya. "Huh? Ang aga pa naman, Wendy. Kumain ka muna," bulalas ng Mama niya. "Hindi na po. Magkikita po kami ni Star, may gagawin lang po kaming project na hindi natapos kahapon," pagsisinungaling niya. "Ganoon ba? Sige, mag iingat ka." Tango lang ang naging sagot ni Wendy at lumabas na ng bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD