SMHN 6

1016 Words
"BAKIT pinayagan mo na umalis ang bata na hindi kumakain, Amor? Hindi ba nagtatanong si Wendy sayo?" sunod sunod na mga tanong ni Sam. "Hayaan mo na siya. Malaki na siya at marunong na si Wendy. Saka, ano naman ang itatanong niya sa akin?" Hindi makapaniwala si Sam sa naging sagot ni Amor. Bata lang si Wendy at anak nito ito. Sa nakikita niya ay napapabayaan na nito ang sariling anak. "Ang mabuti pa, Amor. Tigilan na muna natin ito. Mag-focus ka na muna sa anak mo. Kailangan ka ng anak mo. At higit na dapat inaalagaan mo siya," aniya pa. Napaawang ang labi ni Amor. "Anong sinasabi mo, Sam? Tumigil? Hindi ko naman pinababayaan si Wendy, ah." Marahas na napabuga ng hangin si Sam. Pati siya ay nagkakaroon ng problema. Imbis na nanahimik ang buhay niya. "Hindi ko na gusto ang nangyayari, Amor. Ayoko ng ganitong buhay. Gusto ko na wala akong problema at may peace of mind. Ganito rin ang nangyari sa amin ng ex-wife ko! Hanggang sa nagpasya akong hiwalayan siya," giit ni Sam. "So, sumusuko ka na, Sam? Ipaglaban mo naman ako! Kahit ako rin naman nahihirapan na. Nagsisinungaling ako sa ibang tao at pati sa anak ko!" Tumalikod si Amor kay Sam at Impit na umiyak. "I'm sorry, Amor. Nakapagdesisyon na ako. Ayusin muna nat8ng pareho ang mga buhay natin. Ikaw ang relasyon mo sa anak mo. At ako, ang relasyon ko sa dati kong asawa. Alam mong wala rin naman mangyayari. Mag aaksaya lang tayo ng mga panahon nating dalawa." Desidido na siya na itigil. Sa huli ay baka pagsisihan niya ang lahat. Tumayo si Sam at dumiretso palabas ng apartment nina Amor. NAGULAT si Star nang makita si Wendy na tulog sa bench. Tiningnan niya ang relos sa kanyang wrist. "Seven thirty pa lang ng umaga, andito na sa eskwelahan ang bruha. Bakit ang aga n'ya?" Nagtatakang natanong niya sa isip. Nilapitan niya si Wendy at mahinang tinapik ito sa pisngi. Kumislot naman kaagad si Wendy. Pupungas pungas pa ng mata na bumangon atsaka naupo. "Star, andito ka na pala," tanging namutawi sa kanya. Inayos ang buhok na nagulo dahil sa paghiga. Umupo si Star sa tabi ng kaibigan. Malapitan niyang tinitigan si Wendy saka sinalat silat ang noo nito. Agad na hinawalan ng kaibigan niya ang kanyang kamay. "Wala ka namang lagnat. Bakit ang aga mo pumasok? Mamaya pang nine ang klase, ah. At bakit ka rin natutulog sa bench? Puyat ka na naman siguro, ano?" "Tumigil ka nga, Star. Magkasama kaya tayo kagabi at alam mong maaga tayong natulog. Kaya bakit ako napuyat, aber?" angil na tanong ni Wendy. "E, bakit ka nga pumasok ng maaga? May nangyari na naman ba sa bahay n'yo?" Tila nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Wendy. Nahuhulaan na ni Star ang ikinagaganyan ng kaibigan niya. Natitiyak niyang nakipag away na naman ito sa Mama nito. "Naba-bad trip lang ako kay Mama. Nagmumurang kamyas. Daig pa ang teenager kung kiligin. At ang aga aga nasa bahay na namin si Uncle Sam. Sinong hindi maiinis 'no.' Napaisip si Star. Bakit nga kaya nasa apartment nila Wendy si Uncle Sam ng ganoon kaaga? "Alam mo, 'wag ka ng magduda. Di ba, sila na nga ng Mama mo? Natural na pagsisilbihan niya ang jowa niya." Sunod sunod na umiling si Wendy. "Ang sabihin mo nagta-take advantage si Uncle Sam kay Mama. Kasi ramdam niya na gustong gusto siya ni Mama. Saka hindi pa nga natin alam kung sila na. Ni hindi kinomfirm ni Mama at wala silang sinasabi sa akin," mahabang litanya ni Wendy. "Oh, e... Anong problema mo kung gusto ng Mama mo si Uncle Sam? Wendy, nasa hustong gulang na sila. 'Wag mo silang isipin, ang isipin mo. Ang pag aaral mo." Hindi maintindihan ni Star ang kanyang sintemento. Ang ikinagagalit lang niya ay para siyang tanga sa bahay nila. Wala siyang kaalam alam sa nangyayari sa buhay ng Mama niya. Dati naman ay sinasabi nito ang lahat sa kanya. "Puwede bang sa inyo ako ulit makitulog?" Napabuntong hininga si Star. "Ano pa ba ang magagawa ko? Hindi kita puwedeng pabayaan na lang. Kahit sa bahay ka na lang tumira. Ayos lang sa akin, Wendy," tugon ni Star na nangingiti. "Salamat, Star." HABANG si Amor nasa bangko na. Kahit na masama ang loob niya kay Sam ay kailangan pa rin niyang magtrabaho. "Amor, may naghahanap pala sayo sa labas," imporma ng kasamahan ni Amor sa trabaho. "Huh? Sino raw?" "Walang sinabi, e. Pero babae siya. Puntahan mo na baka teacher ng anak mo. Mukhang disente at parang mayaman," sagot nito sa kanya. Tumayo si Amor at pumunta sa labas para harapin ang sinasabi ng kasama niya. Pagkalabas niya ay nagpalinga linga siya. Hinahanap ang taong hindi niya inaasahang bisita. "Miss Amor Maro? Ikaw ba si Amor?" Narinig niyang tanong ng isang babae. Sinuyod niya ng tingin ito. Maganda ito at parang hindi nalalayo ang edad sa kanya. Hapit sa katawan ang suot nitong dress. Tama ang katrabaho niya na mukhang mayaman ito. "Ako nga po. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" "Puwede ka bang makausap sandali? May importante lang akong sanang sasabihin sayo." Tila hindi mawari niya ang totoong sadya ng babae sa kanya. "Tungkol ito kay Sam. Siguro naman kilala mo na ako o baka gusto mong ipakilala ko pa ang sarili ko sayo, Miss Maro?" Sabay diin nitong sabi. Nanlaki ang mata ng natitigilang si Amor. Asawa ito ni Sam. Ang babaeng nasa harap niya ay ang asawa ni Sam. At nang makahuma sa pagkabigla. "Sandali lang. Puwede bang mauna ka na sa canteen? Susunod ako sayo r'on. Magpapaalam lang ako sa boss ko." Hindi sumagot ang babae. Tinalikuran siya saka pumunta sa canteen. Tinatanaw ni Amor si Jackie Victorio, ang misis ni Sam. Ilang segundo ang nakalipas ay inaayos ni Amor ang sarili habang naglalakad papunta sa cantee. Bago pumasok sa loob ay napahinga muna siya ng malalim. Kinakabahan siya sa magiging takbo ng usapan nila ng asawa ni Sam. "Maupo ka, Amor," alok ni Jackie sa kanya. Walang alinlangan na umupo si Amor. Harapan silang dalawa ni Jackie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD