"HINDI na ako magpapaligoy ligoy pa. Layuan mo ang asawa ko. Sana naman nakuha mo ang ibig kong sabihin," matapang na sabi ni Jackie. Nakatingin lang siya sa mga mata ng kerida ng kanyang asawa.
"Bakit ako ang sinasabihan mo niyan? Hindi ba dapat si Sam? At saka nakikialam ka sa amin. E, hiwalay na kayo ni Sam. Kahit kasal kayo, wala ng saysay 'yon nakipaghiwalay sayo ang asawa mo." Hindi patatalo si Amor sa pagiging matapang.
Napangisi si Jackie. Iyon lang ang alam nito. "Marami ka pang dapat na malaman tungkol kay Sam. Pero ito lang ang sasabihin ko sayo. Kahit na hiwalay kami ni Samuel. Ako pa rin ang legal na asawa niya sa batas at sa mata ng tao. Kaya kung gusto mong maging tahimik ang buhay mo, layuan mo ang asawa ko. Umalis kayo ng apartment at magpakalayo layo. Imbis na maayos namin ang problema ni Sam. Lalo lang lumala dahil sa mga babaeng lumalandi sa may asawa na."
"Sa pagkakaalam ko, matagal na kayong hiwalay ni Sam. 'Wag kang magmalaki na asawa ka. Ang isang kagaya mo hindi nakukuntento sa isa, ubod pa ng sama ng ugali. Kaya nga hiniwalayan ka, e. Masyado kang feelingera."
Dumapo ang kamay ni Jackie sa pisngi ni Amor. "Ang kapal ng mukha mo. Pasalamat ka at hindi kita kinaladkad palabas ng canteen na ito. Hindi ko pinagsigawan sa iba na isa kang babaeng panay ang dikit sa lalaking may asawa." Mariing sabi niya.
Namilog ang mata ni Amor at napatiim. "Hindi mo pa ako kilala, Jackie. Wala ng patutunguhan anv pag uusap nating ito. Kaya kung tapos ka na sa lahat ng gusto mong sabihin. Babalik na ako sa trabaho ko. Nasayang mo lang ang bente minuto kong pakikipag usap sayo."
Tumayo na si Amor at walang lingon naglakad palabas ng canteen.
Alam niyang kasal pa si Sam. Nagmahal siyang muli pero sa lalaking walang laya. Ngunit matagal ng hiwalay sina Jackie at Sam. Ang kulang na lang ay ang papel nila para patunay na annul na ang kasal nila.
Ang hindi alam ni Jackie ay tinapos na rin ni Sam ang relasyon nila. Dahil sa kaniyang anak na si Wendy.
Wala naman siyang magagawa sa desisyon ni Sam at hindi niya ipagpipilitan ang sarili sa lalaking ayaw na sa kanya.
Sumapit ang hapon, maagang umuwi si Wendy ng bahay. Wala silang klase sa panghuling subject Kaya maaga silang umuwi. Makikitulog sana ulit siya sa bahay nina Star. Pero may ibang lakad ang mag anak ng kaibigan at kailangan na kasama si Star. Kaya wala diyang nagawa kundi ang umuwi na lang sa bahay.
"Wendy."
Napalingon siya sa taong tumawag sa kanya. Napasinghap siya nang makita si Uncle Sam.
"Bakit po?"
Naglakad ito palapit sa kanya. Tila biglang umiba ang kanyang pakiramdam. Ninerbiyos siya habang nakatitig na lumalapit si Uncle Sam.
"Aayain sana kitang magmeryenda. Kung papayag ka," sagot nito sa kanya.
Sandaling natahimik si Wendy. Hindi niya malaman kung pauunlakan ang paanyaya nito sa kanya.
"Baka po dumating na si Mama. Magalit po sa 'kin 'yon," alinlangan niyang tugon.
"Huwag mong isipin ang Mama mo. Tiyak naman ako na hindi magagalit 'yon. Meryenda lang naman."
Tila nagmatyag pa muna si Wendy. Napatitig sa mukha ni Uncle Sam. Wala naman siyang nararamdaman na kahina hinala rito. Kaya pumayag na rin siya.
"Sige po, Uncle Sam."
Napangiti ito sa kanya. "Halika na, Wendy." Lumapit pa ito at hinawakan siya sa braso.
Nagdulot ng hindi maipaliwanag na kuryente sa kanya ang pagdampi ng kamay ni Uncle Sam sa kanyang balat. Napaangat ang tingin niya rito. At parang wala lang na natuon lang ang mata sa kanilang dinaraanan.
Nang makapasok sila sa loob ng bahay nito ay napalinga siya. Ito ang unang beses na nakapasok siya sa loob ng bahay ni Uncle Sam. Maganda siya at moderno ang mga kagamitan. Animo'y hindi lalaki ang nakatira dahil sa malinis at nasa ayos ang lahat ng mga kasangkapan.
"Maupo ka muna, Wendy. Kukunin ko lang ang niluto ko para pagsaluhan nating dalawa," paalam nito na hindi tumitingin sa kanya.
Hindi niya ito tinugon dahil abala ang mata sa paglibot sa kabuuan ng bahay ng lalaki.
Naaupo si Wendy sa sopa. Tila sumagi sa isip niya ang ginagawa nila Uncle Sam at Mama niya 'pag nagagawi ito sa bahay ng lalaking landlord. Hindi niya maiwasang mainggit sa ina.
"Ano ba ang pumapasok sa isip mo, Wendy? Tumigil ka nga sa kahalayan mo!" kastigo ng sariling isip.
Mayamaya ay lumalapit si Uncle Sam sa kanya. Tangan ang tray na may lamang pagkain at dalawang baso ng orange juice.
"Nainip ka ba?" tanong nito na inilalapag ang tray.
"Hindi po."
"Oh, kain na, Wendy," alok nito sa pagkain na nasa harapan niya.
Imbis na ang pagkain ang kinuha ni Wendy ay ang basong may lamang juice dinampot. Saka nilagok, animo'y parang uhaw na uhaw siya. Hindi niya malaman kung bakit ganito ang kanyang pakiramdam.
Umupo si Uncle Sam sa kanyang tabi. Walang espasyo at dikit na dikit sa kanya.
"Galit ka ba sa akin, Wendy?" Biglang tanong ng lalaki. Muntik ng maibuga niya ang juice. Buti na lang at nakontrol niya ang sarili.
"Hindi po." Todo tanggi niyang sagot.
"Pero nagtampo ka sa Mama. Paaensiya ka na sa nakikita mong madalas naming magkasama. Wala naman 'yon. Magkaibigan lang kami ng Mama mo at wala kaming relasyon kung iyon ang iniisip mo."
Nagtaka si Wendy. Bakit nagpapaliwanag si Uncle Sam sa kanya?
"Hindi n'yo naman po kailangan na magpaliwanag sa akin. Saka nasa tamang edad na kayo ni Mama sa gusto ninyong gawin. Hindi ko na pp sakop ang nararamdaman ninyong dalawa," aniya.
"Pero, Wendy. Nahihiya ako sayo. Ewan ko parang nalungkot ako noong sumama ang loob mo. Nakita ko ang mga mata mo parang galit ka sa akin. At ayoko na magagalit ka sa 'kin."
"Uncle Sam, hindi po ako galit," maagap niyang sabi.
Nagulat siya nang hawakan ni Uncle Sam ang kamay niya. At dinala iyon sa hita niya.
"Nagi-guilty ako. Patawarin mo ako kung may nagawa akong mali," anito sa mababang boses.
Natigilan si Wendy. Hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot dito.