"HINDI n'yo kailangan na ma-guilty, Uncle Sam. Kung gusto niyo po si Mama, e, 'di go lang. Magiging happy naman po ako para sa inyo ng Mama ko," bukal sa pusong saad ni Wendy. Umiling iling si Sam. 'It's not what I mean, Wendy. Yes, I'm attracted to your mom. Pero, hindi ganoon ang pagkagusto ko sa kanya. I know I am being unfair to her. At dineretso ko na siya itigil na namin ang ano mang namamagitan sa aming dalawa. Dahil wala ring mangyayari. Alam naming dalawa na kasal kami pareho, andiyan ka pa. So, no chance para maging masaya kamin." Nanlaki ang mata ni Wendy. Hindi niya alam na ganito pala ka-diretso magsalita si Uncle Sam. Paano nito nasabi sa Mama niya ang mga ganoong salita? "Kung hindi n'yo gusto ang Mama ko. Bakit ka pa nagpakita ng interes sa kanya? Alam mo na matagal na

