"HINDI ka na nakasagot, Wendy. Dahil sa totoo naman ang sinabi ko, di ba? May gusto ka nga kay Sam." Napatitig lang si Wendy sa ina. Walang maapuhap na sasabihin. "Ma, hindi 'yon ang gusto kong pag usapan natin. Ang sa akin lang ay ako naman ang kampihan mo. Ako ang intindihin niyo, kesa kay Uncle Sam. Itinago mo pa ang relasyon ninyong dalawa sa akin. Pakiramdam ko tuloy hindi ako importante. Hindi ko dapat malaman ang ibang nangyayari sa buhay niyo dahil anak niyo lang ako." "E, 'di lumabas din ang totoo. Nagseselos ka. Ang oras ko at atensyon ko ay napupunta kay Sam. Wendy, hindi ako nagkukulan na ina sayo. Ibinibigay ko ang pangangailangan mo. Gusto ko namang sumaya. Magkaiba ang sayang ibinibigay niyo sa akin. Si Sam, iba ang ibinibigay niyang saya sa akin. Ikaw, anak kita, e. Mas

