MATAMLAY na lumabas ng kuwarto niya si Wendy. Nadatnan niya ang Mama niya na nasa kusina. Masama pa rin ang loob niya sa kanyang nakita. Ni ayaw na sana niyang maalala pero pilit na bumabalik sa isipan niya. Nakatulog kaya ito? Maaga pa pero gising na ito. Ni hindi man lang niya nakitaan ng pagod sa ginawa nila ni Uncle Sam. Nakakadiri. Pinandidirihan niya ang ginawa ng ina. Masyado itong malandi na pati ang landlord nila ay papatulan nito. Kahit na sarili niyang ina pa 'yon. Uindi talaga niya maatim na magagawa ng Mama niya ang mga bagay na ganoon. Ni hindi nga ito kailanman nagpakita ng motibo sa isang lalaki. Marami rin ang nagtatakang lumigaw sa ina pero hindi pinapansin nito. Dahil ayon sa Mama niya ay sapat na siya. Kinain lamang nito ang kanyang salita. "Wendy, hndi ka ba kakain?

