WALANG gana na pumasok si Wendy. Hanggang sa eskwelahan ay iniisip pa rin ang tagpo kahapon sa kompanya ni Uncle Sam. Ayaw niyang maipit sa dating mag asawa at maging dahil ng pag aaway nila. Hindi na nga sila in good terms, dinadagdagan pa nila ang magiging issue nila sa isa't isa. "Alam mo matutunaw na ang yelo sa halo halo mo. Tinititigan mo lang saka tignan mo nga, malapit ko ng maubos ang sa akin," basag ni Star sa kanyang katahimikan. Napabuntong hininga siya. "Naiisip ko lang si Uncle Sam. Ang dami na niyang naitulong sa akin pagkatapos magiging dahilan pa ako ng pag aaway nilang mag asawa." Napa-second look si Star. "Ang asawa ni Uncle Sam? Nakita mo siya?" mga tanong niya. Tumango ito sa kanya. "Dinala kasi ako ni Uncle Sam sa ospital niya. Malay ko ba na pupunta rin ang asawa

