3 years had been passed… TATLONG taon na mabilis lang lumipas ang panahon kay Elli, her life now was far different from her life before. “Mom, can we eat?” nakasimangot na pukaw ni Elias sa atensyon niya, 3 years old na rin ito. “Okay, baby,” tugon naman niya pagtapos ay tumayo na siya sa kinauupuan niya. “Where is Yaya Maru?” pangungulit nito sa kaniya. “May iniutos ako sa kaniya na dalhin sa office kaya wala pa siya,” sagot naman niya habang inilalabas ang mga ingredients sa ref na lulutuin niya para dito. Totoong ang laki na nang nabago sa buhay niya simula nang malipat siya roon sa Iloilo. That place was like her second home now, natuto siya nang lahat ng bagay na hindi niya kayang gawin noon. Natuto siyang magluto at maglaba na hindi niya nagagawa noon dahil focus siya sa pag-aar

