“NASAAN na si Kyro, Nikka?” Galit na galit na tanong sa kaniya ni Ian, na ang tinutukoy nito ay ang batang isinilang niya. “Nakita mo naman na wala na, ‘di ba?” hindi mapigil na bulyaw niya rin dito habang humihithit siya ng sigarilyo niya. “Kaya ko nga hinahanap dahil wala, eh! Ano na naman bang ginawa mo sa anak ko, Nikka!?” Naiiyak nang tanong nito sa kaniya. “Pwede ba, Ian, kahit anong drama ang gawin mo riyan, hindi mo na makikita ang batang iyon dahil ipinamigay ko na. Hindi ko ‘yon kayang alagaan at marami pa akong gustong gawin sa buhay ko at hindi ko ‘yon magagawa hangga’t kasama ko ang bata na ‘yon. Saka kung nasaan man siya ngayon sigurado akong mapapakinabangan ko siya.” “Pati ba naman ang anak ko, Nikka, idinamay mo sa pansarili mong kapakanan!” Galit na sigaw nito sa kani

