“THANK YOU, Ash!” nakangiting sabi ni Elli sa kaibigan sa paghatid sa kaniya nito sa tapat mismo ng University bago siya bumaba ng sasakyan nito. “Sige, ingat ka pag-uwi. May dadaanan pa rin ako kaya hindi na siguro kita mahihintay.” “Okay lang, kung wala man si Zayd dito siguro subukan ko na lang tawagan para malaman ko kung nasaan siya,” natatawang sabi naman niya dahil alam niyang inaalala nito paano kung wala roon ang binata. “Sige, ingat ka sa pag-drive.” Pagtapos ay binuksan na niya ang pintuan at bumaba na siya. Tumayo pa siya sa gilid para kumaway rito at hintayin ang pag-alis nito. Nang mawala na sa paningin niya ang sasakyan nito ay saka siya pumasok sa loob ng University. Habang naglalakad papasok napatingin pa siya sa wrist watch niya, mag-alas onse na rin naman kaya kung pa

