KAHIT hindi alam ni Elli kung paano niya haharapin si Zayd dahil sa nangyari noong huli nilang pagkikita ay wala siyang magagawa dahil kailangan na nilang simulan ang project nito. Dahil hindi rin naman niya alam kung saan ang exact location dahil hindi pa naman niya naiikot ang Iloilo mula nang makarating siya roon ay kinontak niya si Ms. Vien. “Yes, Elli?” bungad nito mula sa kabilang linya. “Ah, pasensiya na po sa abala, for site inspection lang po kasi kami today, tatanong ko lang po sana kung paano pumunta roon sa location?” tanong naman niya. “Oh, alam mo ba ‘yong Mt. Tiran?” “Not exactly, Ms. Vien,” nahihiyang pag-amin niya rito. “Okay, sige ipapasundo na lang kita.” “Thank you, Ms. Vien, sa labas na lang po ng ArchiPark para hindi na po kayo maabala.” “No worries,” tugon na

