DAHIL next week ay sisimulan na nila Elli ang mountain park ni Zayd ay nanghingi siya ng day-off sa boss niya para naman maipasyal niya ang anak. Alam kasi niya na kapag nagsimula na naman siya ng bagong project ay mahihirapan siyang bigyan na naman ito ng oras. Kahit paano ngayon ay gusto niyang bumawi rito. Naligo muna siya bago sabihin sa anak ang plano niya, ang alam kasi nito ay may pasok siya ng araw na iyon kaya naman alam niyang matutuwa ito kapag nalaman nitong aalis sila. Pagtapos niyang maligo at magbihis ay nilapitan niya ang anak na kasalukuyang nanonood sa sala nila na at nanonood ng paborito nitong palabas. “Elias, let’s go, we have to go somewhere,” nakangiting aya niya rito. Nakita niyang nagliwanag ang mukha nito nang marinig ang sinabi niya. “Where are we going, Mom?

