NAGPASYANG bumalik na lang muna si Zayd ng Manila para i-check niya ang kapatid. Pagtapos niyang pumirma ng kontrata sa ArchiPark ay sa airport na agad siya dumeretso at ngayon ay papasok na siya sa condo na kinuha niya malapit sa University. “Oh, ang bilis mo naman.” Gulat na salubong sa kaniya ng kapatid, siguro ay narinig nito ang pagbukas niya sa pinto kaya sinalubong siya nito. “May pinirmahan lang naman akong kontrata ro’n, Ate,” wika naman niya. “‘Yon ba ‘yong sinasabi sa ‘yo ni Vien?” tanong nito kaya napatango siya. “Oh, akala ko ba wala kang balak na ituloy ang naisip niya na ‘yon?” “The proposal was too good to turn down. Hindi naman kaya ng konsensya ko dahil alam ko na pinaghirapan nila ‘yon,” walang emosyon na tugon niya. “Sabagay ay tama ka naman. Oh, siya tara, tama la

