AT DAHIL sa order sa kaniya ni Mr. Manuel na siyang boss nila na unahin at i-priority niya ang project ni Ms. Vien ay iyon ang inuna niya ngayon. He gave her 2 days to finish the plan and proposal. “Pero alam mo, Elli,” napapaisip na sabi ni Sheli kaya napatingin siya rito, kasalukuyan silang nasa cafeteria ng opisina nila dahil breaktime. “Hindi pa rin kasi nawawala sa isip ko ‘yong babae ro’n sa hahawakan mong project.” “Oh, bakit?” salubong ang kilay na tanong niya rito at napatigil pa siya sa pagsubo niya. “Alam mo kasi ang laki ng pagkakahawig niyong dalawa, medyo mahaba lang ang buhok niya at siyempre dahil mukhang may pera mapustura pero kung titingnan mong maiigi sobrang laki ng pagkakahawig niyo. Kung hindi ko nga alam at ngayon ko lang kayo nakita iisipin ko talaga na magkapat

