“GUSTO kong malaman kung nasaan ang anak ko?” Galit na tanong ni Nikka kay Elli at parang gusto niyang matawa dahil sa dami naman ng araw na babalik ito ay sa mismong araw din na nakita niya ulit si Zayd. Sadya bang pinaglalaruan sila ng pagkakataon. “Huwag ka ngang magpatawa, Nikka, dahil wala akong alam sa sinasabi mo.” Nakita niyang nagsalubong ang kilay ni Ash nang marinig nito ang pangalang binanggit niya. “Hindi ako nakikipagbiruan sa ‘yo, Elli, alam kong na sa ‘yo ang anak ko at bumalik ako para bawiin siya,” deklara nito kaya hindi niya maiwasan ang matawa. “Pagtapos mong iwan na lang na parang aso ang anak na sinasabi mo, ngayon sasabihin mo sa ‘kin na gusto mo siyang bawiin! Simula nang iniwan mo siya, Nikka, nawalan ka na ng karapatan na maging nanay niya at wala kang karapat

