“TARA pasok ka muna sa loob para makapag-juice ka man lang,” aya ni Elli kay Pia nang nasa tapat na sila ng condo building nila. Sinabi nga niya rito na hanggang baba lang dahil may sakayan naman na doon pero ayaw naman nito pumayag kaya iyon at nakarating pa sila sa condo nila. “Hindi na, marami pa kaming gagawin sa site, lalo ‘yon nandyan si Ms. Vien, mahirap na ang demanding kasi no’n, eh,” biro nito. “Pupunta na lang ako rito sa ibang araw para naman sulit ‘yong punta ko, ang pangit naman na saglit lang ako tapos juice lang.” “Sure ka ba? Nakakahiya naman ang laki ng abala na ginawa ko sa ‘yo,” nag-aalalang wika niya. “Naku, Elli, tigilan mo nga lang ako sa ganiyan mo, okay lang ako, ‘noh! Sige na umakyat ka na rin dahil sigurado namang pagod ka. Magpahinga ka na, or kung gusto mo m

