NANG sumunod na araw ay inayos na ni Elli ang mga dapat niyang tapusin. Inuna niyang pumunta ng opisina para kausapin si Mr. Manuel. “Yes, come in,” narinig niyang wika nito pagtapos niyang kumatok kaya naman binuksan na niya ang pinto. “Oh, Ms. Sandoval, hindi ba’t dapat nasa site ka ngayon?” “‘Yon nga po ‘yong dahilan kung bakit ko kayo pinuntahan dito, Boss.” Nabakas naman ang pagtataka sa mukha nito. “Sige, maupo ka rito.” Sinunod naman niya ito ay naupo siya sa couch at ito man ay naupo sa kabisera ng sofa set doon. “Ang totoo kasi niyan, Boss, gusto ko sanang sabihin sa inyo na bibitawan ko na po ang project ni Mr. Montecildez.” Hindi na ito nagulat sa sinabi niya at parang inaasahan naman nito iyon. “Is it because sa issue na kumakalat sa pagitan ninyo ni Mr. Montecildez?” Si

