“SAAN ba tayo pupunta, Elli?” kunot-noong tanong sa kaniya ni Zayd habang nagda-drive ito. “Ipasok mo riyan sa San Vicente,” untag niya nang makita ang ospital na pinagdalhan niya kay Elias. “Bakit? Sino ba nandito?” Naguguluhan pa ring tanong nito. “Sa loob mo na malalaman, Zayd, ang dami mo namang tanong,” naiiling na wika niya pagtapos ay bumaba na siya ng sasakyan nang huminto iyon. Mabilis din naman itong bumaba kasunod niya. “Paano akong hindi magtatanong, Elli, ang dami mong ginagawa na kahit kailan hindi ko mabasa!?” angal naman nito. “Akala ko ba sabi mo noon, napakadali ko lang basahin,” hindi mapigil na sabi niya rito. “Noon ‘yon, Elli, that was almost 4 years ago,” reklamo pa rin nito habang hinahabol ang bawat hakbang niya. “Lahat naman ng tanong mo masasagot na ngayon,

